ELY's POV
"Ely !!" Dining Kong tawag Sakin ni ate Risa.
"Bakit po ?!"
"Magpapalaba ako sayo hah? Medyo marame ito." Sabi nya.
"Ok------" di pa man ako natatapos sa Pagsalita eh, may synod na utos na naman.
"Ako din day! Magpapalaba, kaunti lang naman young Sakin." Utos naman Sakin no ate jeng.
"Oh sge po mga ate! Lalabhan KO ng Bonggang bongga yang mga damit nyo mqmayang tanghali, may duty pa po kasi ako sa carinderia ni manang eh."
"Oh sya, basta wag mong kakalimutan ah? Sge papasok na ko." Paalala Sakin ni ate Risa.
"Ako din . sabay nako sayo Riss! Bye Ely !!" Patakbong sabi ni ate jeng.
"Bye po mga ate !! Ingat kayo!" Pahabol na sigaw Ko naman."
Hayy!! Makapagbihis na nga, at hang mama gora na sa work Ko. Ayy?! Di pa nga pala ko nagpapakilala. Ehemm.. Ako pala si Elyanna Marquez. 18. Ely for short. At sa edad Ko na to, nagtatrabaho na ako. Mga trabahong, pa sideline- sideline lang. Hindi pa kasi ako nagaaral ng College. Actually nakapagaral ako, isang taon nga lang. Hindi pwede ang ganoon sa mga companies, kaya eto Hindi permanents young mga trabahong napapasukan Ko.
Tulad sa carenderyang punapasukan ko, 4-5 hrs Lang any duty ko dun kumbaga part time job Ko lang. Dishwasher ako soon at janitress na din. Meron din akong sideline sa Mcdo, yun nga lang dishwasher lang din ako doon kaya maliit lang din any natatanggap Kong sweldo.
Tumatanggap din ako ng mga labada, sideline Ko run yon. Si ate Risa at ate jeng? Ako na talaga amg naglalaba sa mga damit nila at least twice a week. Hindi na nila ako sinuswelduhan dahil ang kapalit nun, at ang pagtira ko sa apartment nila. Yes nakikitira lang ako sa kanila. Dahil naglayas ako sa amin.
Sa pagkakatanda Ko 4 months na din akong nakikitira sa kanila. Ayshh! Napapahaba na ang kwento Ko, tama na muna itong kadaldalan ko at baka malate pa Ko sa trabaho.
~
"Oh hija, eto na young sahod mo. Dahil masipag ka, dinagdagan Ko na rin yan" sabi ni manang Ising. Iyong may Ari ng carinderyang pinapasukan ko"Hehe! Maraming salamat po manang, ang bait nyo po talaga at ang ganda nyo pa!" Pabirong sabi ko.
"Naku! Nambola pa!"
"Hehe, sige po mauna na po ko." Sabi ko at nagsimula ng maglakad. 11 am na, at kelangan ko ng umuwi sa apartment dahil tambak ako ng labahan
Hayy! Kung alam nyo lang , ang dami ng klaseng trabaho ang napasukan Ko. Nagging yaya lang naman ako ng tatlong bata, at dahil sa di Ko nakayanan ang mga kakulitan nila eh, 2 weeks palang nag resign na Ko -___-
Naging manicurist a at pedicurista na fin ako. Naging tindera na din ako ng mga isda sa palengke at kung anu ano pa. Grave lang talaga! Kelengan dumomble kayod para mabuhay ka.
~
Pasado alas dos na kaya nagmadali na akong maglakad, dahil baka malate ako sa trabaho. Sa Mcdo.
Napahinto naman ako sa paglalakad.
"Hayy naku naman! Bat ngayon ka pa nagutom ?!"
Bahagyang nakabuka na kasi itong sneakers na suit ko. Kelengan Ko na talaga sugurong bumili ng bago, ilang buwan ko narin kasi itong pinagtyatyagaan.Lalakad na Sana ako ng may humintong motorsiklo sa gilid ko.
"My labs, hatid na kita!""Hindi na Leo. Sasakay na Lng ako ng tricycle." Mabilis na sabi ko, nagmamadali na rin kasi ako.
"Ano ka ba my labs? Ayaw mo gun, tipid kana sa pamasahe?!"
"Pero---" namalayan Ko nalng angkas na nya Ko sa likod ng motor nya.
"Kapit ka my labs hah?!" Sabi nya, at mabilis na pinaharurot hung motor.Nagtataka ba kayo kung sino to, at kung bakit mylabs lang naman ang tawag nya saakin ?
Haay ! Buang lang to, friends LNG talaga kami. At Ewan Ko kung panu kami naging close. Gangster kasi tong lalaking to, kinatatakutan pa to dito sa lugar namin.Mahahalata mo palang talaga sa itsura nya, na isa syang gangster. Bukod sa matangkad at malaki ang pangangatawan nya eh, may mga fiercing pa ito sa tenga.
Dahil nga sa close Ko ito, eh walang nagtatangkang galawin ako. Tagapagtanggol Ko ba naman ito eh.
"Salamat Leo sa paghatid ah." Sabi Ko ng makababa ako sa motor nya.
"Wala yun mylabs basta ikaw." Sabi nya na may kasama pang kindat. Sanay nako sa ganitong pakikitungo nya Sakin, alam Ko namang walang malisya to, dahil magkaibigan kami."Oh sya sge na ! Lumayas kana at ako'y malelate na sa trabaho" pabirong sabi Ko sakanya.
"Grbe pinapalayas mo lang talaga Ko my labs hah." Nakapout pa na sabi nito.
"Hayy nako ang drama mo! Sge na mauna na KO, byee!!" Sabi Ko at mabilis ng tumalikod.
"Byee mylabs!!" Pahabol pa nya. Kulet talaga nun.
-J.A <3