FiLwY (4)

44 0 0
                                    

[Magkapatid ba sila?]

--- Jewel's POV ---

Sa kinamalas-malasan bakit ba kasi siya pumasok sa mundo ko. Ren Choi siya yun.

Alam ko na madali lang mabuo ang pag-ibig. Pero alam ko rin na ang pag-ibig na yun na madaling nabuo e madali ding masira.

"Are you sure Kuya? Kahit anong gusto ko bibilhin mo?!" Nasasabik na saad ng kapatid ko kay Ren na may hawak na basket para sa mga bibilhin niya.

"Kailan ka pa nagka-kuya ng ganyan Minky?" Saad ko. Nakakainis. Bakit ba kampi kapatid ko sa kumag na yan?

"Kanina? Yes. Kanina lang Ate. Why? Masama ba?" Tanong naman niya. Pa-inosente pa 'to. Huwag na kayong magtaka dahil kahit na bata pa siya, matanda na kung mag-isip.

"Oo!" Mabilis na sagot ko.

"Kuya oh~ Si Ate." Sumbong naman niya kay Ren.

"Tara na Minky. Bili na tayo. Kuha ka ng kahit ano diyan. Babayaran ko para sayo~" Naka-ngiting saad niya sa kapatid ko. Di ko napansin na napa-ngiti din pala ako.

"Si Ate oh~ Kinikilig kay Kuya. Don't worry Ate. Boto ako sa kanya." Saad naman ni Minky.

Wala kaming ibig kong sabihin silang ibang ginawa kundi mamili ng mga katambak na pagkain. Di na ko magtataka e mayaman siya e. Isang prinsipe na napadpad sa mundo ko.

Inaangkin mo na agad si Ren? Di pa naman kayo ha~

Ano? Bakit?

Tsk! Mundo ko ka pa diyan ha!

Nababaliw nanaman ako dahil sakanya. Pagkatapos nilang mamili, syempre tinawag nila ako para tulungan sila.

Isang bayani na magdadala ng pagkain at pinamili nila.

"Thank you Kuya Ren~ I'll wait you nalang sa Car ha. Ge~" Saad ni Minky kay Ren at nag-nod naman ito sabay smile. Kaya naman napa-smile nanaman ako.

"Ang gwapo ko nuh?" Nag-uumpisa nanaman siya.

"Psh~"

"E kung makangiti ka at makatitig kala mo may balak ka nanaman." Saad niya.

Huwag mo kong umpisahan~

"Sige. Patulong nalang dalhin mo mga yan. Hintayin ka namin dun sa sasakyan. Sige~" Saad naman niya at dumiretso na sa sasakyan. Iniwan niya sakin mga binili nila ni Minky na katambak na pagkain. Kaya naman dinala ko yun and guess what? Nahihirapan ako magbuhat. Ang layo pa nung sasakyan.

"Ano ba yan. Ren anong ginagawa mo huh?" Bulong ko naman sa sarili ko.

Baliw nanaman ako. Habang binubuhat ko yun. Nahulog naman yung isang pulang kamatis. Kaya naman sinundan ko yun hanggang sa mapadpad ako sa kung saan.

Huminto din sa paggulong yung kamatis at kukunin ko na sana ito pero naunahan ako ng isang kamay.

"Miss? Sayo 'to?" Tanong niya sakin. Mukhang galing din sa ibang bansa 'to. Andaming dalang gamit e.

"Ah oo. Thanks~" Saad ko naman sakanya at nag-smile naman siya. Di ko napansin na napa-blush ako dun.

"Ang cute mo naman." Saad naman niya.

Di naman ako naka-imik dun.

"Tulungan na kita." Saad niya at tinulungan na nga niya ako. Pagdating namin sa sasakyan mukhang nagulat si Ren sa nakita niya.

"Yan na mga pagkain mo~" Saad ko sakanya na shock parin.

"B-bakit k-ka nandito?" Saad ni Ren dun sa kasama ko. Nag-smile lang siya.

Fool in Love with You. Written by: vinjaegalaxyWhere stories live. Discover now