05

10 0 0
                                    

Message

Mama

March 23 | 3:30 PM

Mama:
Gayle?

Daphne:
Yes po ma?

Mama:
Asan kayo?

Daphne:
Nasa kwarto ko tinuturuan ko
magdrawing si Gael.

Mama:
May dala akong pizza bumaba
kayo rito pagkatapos niyo.

Daphne:
Opo mama. Salamat po.

Nga pala mama mababago pala teacher
nila Gael.

Mama:
Ano bakit daw? 


Daphne:
Umalis yung isang teacher tapos may kapalit din naman agad kaso malilipat yung teacher nila Gael sa ibang grade.

Mama:
Ay ganun ba? Naku paano kaya
si Gael? Baka bigla ayaw na naman
non pumasok alam mo na medyo
takot pa sa tao.

Daphne:
Yun nga po inaalala ko pero ako na
po ang bahala na magpaliwanag kay
Gael saka kakausapin ko rin po yung bagong teacher nila.

Mama:
Naku, salamat Gayle? Alam ko
na gusto mo na rin magtrabaho at
bumukod dahil nakatapos ka naman
na pero dahil busy kami ng papa mo
sa grocery natin ikaw tuloy nag-aalaga
sa kapatid imbis na kami ng papa mo.

Daphne:
Ma naman wala po yun responsibilidad ko
rin naman po na alagaan ang kapatid ko.
Saka maraming salamat po sainyo dahil
ang sipag at ang bait niyo pong magulang.
I love you po mama at papa sabi rin ni Gael.

Mama:
Mahal din naman kayo mag-ingat
kayo palagi.

Daphne:
Kayo rin po ni papa mag-ingat po!

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon