Xena
"Babe, I need your help para mag-set-up sa conference room. Darating sina Dad, e. May biglaang meeting. Patulong ka na lang kay Mathos kapag may mga kakailanganin ka pa, lalo na kapag may bubuhatin," pag-imporma ni Hero sa akin.
Itinigil ko na ang ginagawa kong pagbabasa ng mga email at sinamsam ang mga papel sa mesa ko bago ito tiningnan. Sa nakikita ko ay mukhang masyado itong aligaga dahil dumiretso agad sa puwesto nito, pagkatapos ay nagtitipa sa laptop na nasa harap.
Hindi nakakapagtaka kung bakit ganito ito, alam ko kasi kung gaano na ayaw na nitong maulit pa ang nakaraan at ma-disappoint ang ama nito rito. I can see clearly that he's really a changed man now. Ibang-iba na ito sa Hero na nakilala ko noon. Nakakatuwa lang dahil better version na nito ang nasa harapan ko ngayon. And I'm really proud of him... saksi ako kung paano nito ginustong baguhin ang takbo ng sariling buhay, kung gaano ito katapang at pilit na ginusto ang bagay na alam kong una pa lang ay ayaw na nito kaya nga ito lumayas. Proud ako hindi lang sa lahat ng achievements nito kundi pati sa kung paano ito lumago at nag-mature. Ako nga na kaibigan lang nito ay super proud na, paano pa kaya ang magulang at pamilya nito? I know that they are more proud than how I feel. Nakaya nito ang responsibilidad na iniatang dito na noong una ay ayaw at pilit nitong tinatakasan. But look at him now... mahal na nito ang trabaho at bawat bagay na nakapalibot dito na minsan din nitong tinanggihan, pilit na tinatakbuhan at sinasabi na hindi nito kaya dahil sa iba talaga ang gusto nito noon, pilit kasing isinasaksak nito sa isip nito noon na wala itong ibubuga sa mundo ng business.
Masaya akong napangiti kalaunan habang patuloy ko pa rin itong pinagmamasdan. "Okay," tugon ko.
"Um-order ka na rin ng snacks, good for 15 to 20 persons," dagdag na utos nito na hindi inaalis ang mata sa laptop.
"Alright, copy that."
Tumayo na ako at tumuloy sa conference room, inayos ko lang ng kaunti ang mga bagay na kakailanganin at gagamitin ng mga ito. Hindi naman na ako nahirapan dahil maayos naman na at laging naka-ready rin ang mga kagamitan, ultimo pati projector ay isisindi na lang. Kaya nagpasya ako na h'wag nang humingi pa ng tulong kay Mathos, maaabala ko pa kasi ito sa ginagawa. Alam ko naman na hamak na mas busy ito kumpara sa akin, ang dami kaya ng mga ipinapaasikaso rito ni Hero.
Sunod na inasikaso ko namang um-order ng meryenda na bilin ni Hero. Tamang-tama lang dahil after lunch na at sigurado namang nakapananghalian na ang mga ito, it's almost 2 pm na rin.
Nang makatapos na ako ay bumalik na ulit ako sa office namin na sadyang nakahiwalay sa ibang empleyado ang puwesto at palapag dahil sa boss ang kasama ko.
Naabutan ko si Hero na seryoso at abala pa rin sa laptop habang nakakunot pa ang noo kaya diretso na lumapit na ako sa puwesto nito bago huminto sa mismong harap nito, pero parang ni hindi man lang nito napansin ang presensya ko dahil hindi ako nito nilingon. Napailing na lang ako bago kumilos at dumukwang para haplusin ang noo nitong nakalukot.
Dahil sa ginawa ko ay nakuha ko na ang atensyon nito at automatic na binigyan ko ito ng ngiti, kalaunan ay nahawa na rin ito sa iginawad kong ngiti dahilan para umaliwalas ang mukha nito na kanina ay sobrang seryoso.
Umayos na ulit ako ng tayo. "Masyadong nakakunot 'yang noo mo, baka mahipan ng hangin at 'di na umunat. Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Sobra kang tutok at seryoso. Do you need some help?" alok ko.
Umiling ito bago isinarado ang laptop na gamit. "Hindi na. Naabala na nga kita sa ginagawa mo kanina tapos magpapatulong pa ako sa iyo ngayon rito?" pagtanggi nito.
Nailing-iling ako. "Kailan pa naging abala sa akin ang paggawa ko sa trabaho ko? Hmm? Masyado mo naman yata akong ini-spoil? Akala mo ba hindi ko napapansin na 'di na nga equal ang dami ng trabaho namin ni Mathos tapos ayaw mo pa akong naaabala? Ano 'yon? Nabaliktad na ba ang posisyon nating dalawa bigla? Kung maaari nga lang ay mukhang hahayaan mo rin ako na utusan ka, e," pagpuna ko.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceLove makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Xena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngu...