PROLOGUE

11 0 0
                                    

Rinig ko ang sigaw ni Nanay Julia nang bigla akong lumabas ng bahay. Nakita ko ang pagpigil ni Jhonny sa kanya na habulin ako. Malakas ang ulan pero hindi ito hadlang para lumabas ako at hanapin siya. Maraming mga lugar ang pwede niyang puntahan. Hinanap nila roon pero hindi nila nakita o kahit bakas man lang niya. Pero isang lugar lang ang alam kong pupuntahan niya. Mabilis akong tumakbo patungo sa posibleng lugar kung saan ngayon si Tristan. 

Nakaramdam na ako ng ginaw pero hindi ko iyon pinansin. Mas nangibabaw doon ang kaba at takot. Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ang mga posibilidad na maaaring gawin ni Tristan sa sarili niya lalo na ngayon. Mas binilisan ko ang takbo ko dala na rin ng mga senaryo na pumapasok sa utak ko.

Kahit gaano kadulas at kaputik ang daan, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang narating ko ang lugar na iyon. Ito ang lugar kung saan niya lang nilalabas lahat ng emosyon niya. Ang lugar kung saan walang nakakarinig sa kanya at pwede niyang sabihin o isigaw ang laman ng puso niya. 

Napahinto ako nang marinig ko ang isang malakas na sigaw. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Tristan na nakatayo doon. Nakatalikod siya sa direksyong kinatatayuan ko ngayon. Tinitigan ko ang kabuuan niya. Yumuyugyog ang balikat niya at sinasabunutan ang sarili. Tahimik akong naglakad palapit sa kanya nang bigla itong tumayo ng tuwid at maglakad patungo sa pangpang. Nanlaki ang mata ko at tinakbo ang distansya namin.

"Tristan!"

Nagpatuloy siya sa paglalakad na para bang hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kanya. Nabundol ng kaba ang buong katawan ko nang makitang kalahati ng paa niya ang nakatapak sa lupa. 

"Tristan!"

Bago pa man siya mahulog sa bangin, nahawakan ko ang braso niya at hinatak pabalik sa kinatatayuan niya kanina. Humarap ako sa kanya. "Ano ba! Magpapakamatay ka ba?"

Sinalubong niya ang mga mata ko. Nakita ko ang isang sarkastikong ngisi sa mukha niya. "Ano sa tingin mo?" 

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Halata naman sa nangyari kanina pero hindi pa rin tama ang gagawin niya. "Pero hindi naman siguro tama na magpakamatay ka. Baka nakakalimutan mo na maraming mga tao ang humahanga at nagmamahal sayo. Mga kaibigan mo, si Nanay Julia at ang buong team mo."

He snickered, "Is there still any reason to live? Kinuha mo na sa akin lahat. Nagkakaganito ako dahil sayo. Nagsimula lahat ng ito ng dahil sayo."

Humalo ang mga luha ko sa patak ng ulan na dumadaloy sa mukha ko. Hindi ako makasagot. Naramdaman ko ang galit at panghihinayang sa boses niya. Ang mga mata niya ay puno ng pang-aakusa at hindi masukat na pagluluksa.

"If I can just turn back time, I will stop you from taking away my one and only home." 

Nakagat ko ang labi ko habang iniintindi ang huling sinabi niya. Ever since I started this journey, I only wanted to finish it and go back to the life that I used to live. Gusto kong may patunayan sa pamilya ko. Pero habang tumatagal, narealize ko na marami pa akong hindi alam sa mundo. Marami akong hindi nakikita o hindi pinagtutuunan ng pansin. I realized that I'm living in a life that the people around me wanted for me and not the life I wanted to be.

Minsan na ring pumasok sa isip ko na gusto kong ibalik ang oras para hindi na ako napadpad sa lugar na ito. Pero masakit palang marinig ang katagang iyon kung mula ito sa bibig ng taong naging malapit sayo kahit sa maikling panahon.

Kung iisipin, tama lahat ng sinabi niya. He is living his peaceful life not until I came in the picture. Kung hindi ko hinamon ang pamilya ko at hindi bida-bidang tao, hindi ako makakarating dito. Hindi ko siya makikilala ng lubos at masaksihan ang kagandahan ng lugar na ito. Hindi ko makikilala ang totoong ako at higit sa lahat, hindi ko magugulo ang buhay niya. 

Sa akin nagsimula lahat. Kasalanan ko ito.

Love in PhotographWhere stories live. Discover now