Chapter 1

10 0 0
                                    


"Pack up na tayo guys. Thank you everyone for your hard work!"

Napuno ng palakpakan ang buong studio. Ilang sandali rin ang lumipas, nagsimula na ang lahat sa pagliligpit ng mga gamit. Lumapit ako sa model na kinuhanan ko ng litrato kanina. Kausap niya ngayon ang manager niya. Napansin nila na papalapit ako sa kanila kaya humarap sila sa akin.

Sinalubong nila ang ng kamay. "Thank you, Miss Gwyn."

Inabot ko rin ang kamay niya at nginitian siya. "Ako dapat ang nagpapasalamat sa inyo. Thank you for choosing us for this photoshoot. Maraming mga photographic firms dito pero kami ang napili niyo."

"Well, your services is great and you give high quality of work. Kaya kayo ang napili namin. Maliit nga lang ang kompany niyo pero malaki naman ang potential." sagot naman ng manager nila.

Natuwa ang sa feedback na sinabi niya. Yes, our company is not that big like the other companies around here. But our company is in demand in terms of commercial and fashion shoots. I am proud to say that our company might be small but our skills is somewhere up there and our team is passionable. "That's good to hear, Miss Nerie. Ipagpapatuloy namin ang magandang serbisyo namin para sa lahat ng mga kliyente."

"Sayang nga, eh. Si Miss Lianne sana ang maghahandle ng photoshoot ngayon kung hindi lang siya busy. I really love her style in photography" wika ng model na nagngangalang Kyline.

Napatingin ako sa kanya. Nakanguso siya at nababasa ang panghihinayang sa mukha niya. Nakita ko ang simpleng pagsiko ng manager niya sa kanya. Napalingon siya sa akin at nakasalubong ko agad ang tingin niya. "Pero grateful pa rin ako dahil ikaw ang naghandle ng photoshoot ko ngayon, Miss Gwyn. Ikaw ang pangalawang photographer na iniidolo ko. Ang galing mo rin."

Ngumiti ako. "Thank you."

Pumagitna ang manager niya at nagsalita. "Sige, Miss Gwyn. Mauna na kami sayo. Mag-aayos pa kasi itong si Kyline dahil may pupuntahan pa siya ngayong gabi. Salamat ulit sa inyong lahat."

Tumango ako. "Sure, no problem. Have a great night for the both of you."

Ngumiti sila sa akin bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa dressing room. Nakita ko kung paano tinampal ng manager ang bata niya sa kamay. Lumingon ulit si Kyline sa direksyon ko at kumaway bago sila pumasok sa kwarto. Dahan-dahan namang nawala ang ngiti sa labi ko. Nanatili lang akong nakatayo at napatitig sa pintuang pinasukan nila. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Saya ba ang nararamdaman ko o inggit?

Huminga ako ng malalim at lumapit sa lamesa kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Ipinatong ko roon ang camera ko at umupo sa upuan. Nakatitig lang ako sa camera ko habang naririnig ko ang ingay ng mga kasamahan ko habang nililigpit ang mga gamit namin.

I've been in this industry for almost four years. Marami na rin akong nahawakan na mga photoshoot gaya ng kasal, debut, birthdays at iba pa. But I am more on the fashion and commercial photography.

Simula pa lamang ng bata ako, nakuha na ng camera ang atensyon ko. I got curious about it. Nang matuto, naging hilig ko na ang pagkuha ng mga litrato sa mga tao o bagay na nasa paligid ko. Hanggang sa tumanda ako, dala ko pa rin iyon at ginawang propesyon.

Akala ng ibang mga tao, may paglalagyan na ako lalo na sa industriyang ito dahil sa impluwensya ng mga ninuno ko. Pero hindi nila alam na hindi naging madali ang lahat para sa akin.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita si Hannah na nakatayo sa tabi ko. Isa siya sa mga kasamahan ko. Naalala ko na bagong pasok lang pala siya sa kumpanya namin.

Love in PhotographWhere stories live. Discover now