~HontiWebb One-Shot
Araw ng sabado ngayon nang maisipan ni Pia na pumunta sa paborito nyang coffee shop na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan. Napaka unusual ng araw na ito kasi lagi't lagi kapag araw ng sabado kasama niya si Pinky, ngunit ngayon siya lang ang mag-isa.
Pagkapasok palang ni Pia sa pintuan ng shop imbes na saya ang madarama, lungkot ang bumungad sa kanya kahit na napaka aliwalas at puno ng mga tao sa loob.
Nakita niya naman na bakante ang kanilang paboritong pwesto kaya di siya nag-atubiling pumunta at umupo doon.
Nang pagkaupo na niya, lumapit sa kanya ang isang babae. Isa mga matalik na kaibigan niya.
Lea: Good Morning P! masayang bungad ni Lea, isa sa nagmamay-ari ng shop.
Pia: Morning. maikling sagot naman niya at pilit na ngumiti.
Lea: Okay ka lang ba? Mukhang may problema ka ata? Tsaka bat di mo ata kasama si Pinky ngayon? may pag-alalang tanong nito sa kanya.
Pia: Uhm A-ah I'm fine, tsaka si Pinky? Ano eh ah sabi niya di daw siya makakapunta ngayon. sagot naman niya kahit di naman totoo.
Lea: Ah ganon ba? Pero sure ka talaga na walang problema ha? If ever meron man, nandito lang kami ni Reg if you want someone to talk to.
Pia: Yes Lei, I'm sure. I'm okay.
Lea: Okay, sabi mo eh. So, what's your order my dear?
Pia: Same as usual nalang lei.
Lea: Sige P, well serve it after a minute.
Pia: Thank You Lei.
Lea: Your Welcome.
At nginitian niya si Lea bago ito umalis para ihanda ang kanyang order.
Alam niyang masamang magsinungaling sa kanyang kaibigan tungkol sa kanyang nararamdaman ngunit kailangan niyang ilihim ito. Kasi iniisip niya mawawala din ito. Pero sa tuwing iniisip niya ang sitwasyon mas lalo lang syang nalulungkot.
Sa kabilang banda, habang inihahanda ni Lea ang order ng kaibigan panay ang sulyap niya kay Pia at mababatid mo sa mukha nito ang lungkot at panghihinayang sa kanyang mukha.
Gustong-gusto niyang kausapin ang kaibigan kung ano ba talaga ang problema ngunit ayaw niya namang pangunahan ito.
Pagkatapos maihanda ni Lea ang mga order ni Pia agad niya naman itong inihatid sa kung saan nakaupo ang kaibigan niya.
Lea: P? Here's your order. ani niya kay Pia ngunit di siya narinig nito. Nakatanaw lamang sa may labasan na pawang may sariling mundo.
Lea: P? kinalabit niya ito. Earth to P?
Natauhan naman si Pia kaya hinarap niya si Lea.
Pia: Ay, sorry Lei. I was just spacing out. at napabuntong hininga nalang siya.
Inilapag ni Lea sa mesa ang mga pagkain at umupo sa harapan ng kaibigan.
Lea: P, I know your not okay and your not willing to share your problem muna sa amin ngayon but please, I, We want you to know nandito lang kami lage for you ha? Okay? pagpapaalala niya sa kaibigan habang hawak hawak nito ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
YOU ARE READING
Scenarios In My Mind
FanfictionOne-Shots in LenRisa and HontiWebb AU Inspired from the OPM songs