Warning: Short update!
-
Kathryn'sToday na kami uuwi. But before kami umuwi, dadaan kami sa Vigan, hehe.
5:45am plng gising na ako. Kailangan kasi 6 pa lng, aalis na kami. Hihi, 'di na ako naligo. Shower lang.
Nasa loob ako ng CR ngayon kasi inaayos ko sarili ko. Lol, 'di naman ako nagm'make up. Brush lng ng aking silky hair loljk.
"Sige! Iwan ka na namin ah? Alis na kami! Pakabagal kumilos." Sabi ni mommy habang kumakatok sa CR.
"Sige, babay!" Sabi ko naman tapos lumabas na ng CR.
"Gaga." Sabi ni Mami Ate.
"Dad, andun na sa van lahat ng gamit?" I asked. Baka kasi habang nasa CR ako, makalimutan nila bag ko.
"Paki-check nga, ate." Daddy.
Nag-nod nlng ako tapos chineck kung may naiwan pa. And yes, naiwan nga bag ko.
Lumabas na ako ng suite and papunta na ako ngayon sa van. Naramdaman ko nagvibrate 'yung phone ko.
Lagi kasi ako nags'silent ng phone kasi maingay pag ring ng ring pag may notification.
Inopen ko 'yung phone ko and I saw a text message from Julia.. "Are you going home na?"
Si Julia, bestfriend ko. Grade 5 magkakilala kami hanggang ngayon.
Bago ako magreply, binuksan ko muna ung likod ng van para ilagay 'yung bag ko.
"Kuya, patulong naman. 'Di ko na masiksik eh. Thank you." Sabi ko kay kuya driver. Sorry I dont know his name eh. Huhuhu
Kinuha nlng niya 'yung bag sakin tapos pumasok na ako ng van.
Nag-reply na ako kay Julia. Sabi ko, "Yes, pero baka bukas pa kami makakadating diyan. Punta pa kami Vigan eh. Why?"
"Wala lng. Hang tayo pag-balik mo! Sama natin si Ster. Pasalubong!! Imy tho!" Reply niya.
"Sige! Imytoo! How are you?"
"I'm fine. Hihi, may nakita ka ba diyan na gwapo? HAHAHA!"
Bigla ko tuloy naalala 'yung nabangga ko 'daw' slash kamuka ni Joaquin.
"Luuuh hahah!! Eh ikaw? May naspot ka? 😂"
"Chiklet para malupet. HAHA! Cool ba? O jeje? HAHAHA!"
Magrereply na sana ako, kaso naubusan ako ng load. Huhu poor kid lol.
Pagkapasok nila Mamu sa van from the customer service ng Resort ay umalis na kami.
Nakasilip lng ako sa bintana tapos nakita ko nanaman 'yung lalake'ng nakabangga ko.
Napangiti ako. Napakaliit nga naman talag ng mundo't lagi ko siya nakikita.
****
Daniel'sPupunta ako ngayon sa beach. Gusto ko magpainit kahit saglit lng.
Kaya nagpalit na ako ng damit. As usual, white tshirt tapos board shorts.
Pagkalabas ko ng kwarto ko. Nakita ko 'yung babae'ng nakabangga sa'kin. Bakit ba lagi ko 'to nakikita?
Ay, magka-tapat lang nga pala suite namin.
Pero uuwi na ata sila. Pinapasok niya 'yung bag niya sa likod ng van nila.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionCause you were mine, for the summer Now we know it's nearly over Feels like snow in September But I always will remember You were my, summer love You always will be my, summer love