Ang kabuuan ng kwentong ito ay kathang-isip lamang ng may-akda. Kabilang dito ang mga tauhan, kaganapan sa kwento at ang mismong buhay na meron ang mga tauhan.
Ang mga tagpuan, mga produktong nabanggit at iba pang mga tao, bagay, ilan sa mga pangyayari, maging ang mga palabas na napapanood sa kwento ay tunay at hindi nagmula sa malikot na isipan ng may-akda.
Hindi intensyon ng may-akda na i-expose o siraan ang mga produkto at mga lugar na nabanggit sa kwento, bagkus, nais lamang ng may-akda na i-promote ito sa mga mambabasa.
Sinadya ito ng may-akda upang mas maging makatotohanan ang kwento. Ginawa rin ito ng may-akda nang sa gayon ay maging konektado pa rin sa totoong mundo ang mga mambabasa ng kwento sa kabila ng pagbabasa ng mga ito sa isang akdang kathang-isip lang.
Sa madaling salita, pinaghalo ng may-akda ang isang kathang-isip at ang tunay na mundong ginagalawan ng parehong mambabasa at manunulat.
Isipin mo na lang na maaaring nakasalubong mo na si Kleiff Michael Guiddacco o 'di naman kaya'y si Mary Nicholette Anastacio habang ikaw ay nasa lugar na pinangyarihan ng mga eksena sa kwento katulad ng Baguio. Ganyan ang nais iparating ng may-akda, na kahit ang kwentong ito ay walang katotohanan at kathang-isip lamang, ang mundong ginagalawan ng may-akda at mambabasa at ang mundong ginagalawan ng mga tauhang likhang-isip lang ay iisa lamang.
-ᜁᜋ̟ᜇ̟ᜌᜌ̟ ᜄᜎ̥-
-BbEm_22-
BINABASA MO ANG
Especially Maid For You (On-going Story)
RomanceKailangan pa bang tanungin ang tadhana kung para kanino siya nito inilaan? Kailangan pa ba niyang itanong sa kanyang sarili kung sila na nga ba ang itinadhana para sa isa't isa? Sapat na ba ang nararamdaman niya at ang nararamdaman nito para sa kany...