Chapter 1

16 1 1
                                    

Isang malamig na hangin ang humaplos sa buong katawan ko. Malamig ang klima ngayon sa Greece kaya balot na balot ang aking buong katawan. I'm basically wearing a winter outfit dahil hindi sanay ang katawan ko sa natural na malalamig na klima.

Greece is a very nice country though. Mountains to oceans that are very captivating. I'm specifically in Piraeaus in Greece, it is the widest in Greece and the focal point of all maritime communication between Athens and the Greek islands. Furthermore, Piraeus serves as the final station for all major Greek railroads, at konektado ito sa Athens by both an electric railway and an interstate. 

Isa akong kindergarten teacher dati sa Palawan at isang malaking biyaya na isa ako sa gurong napili dahil laganap ang hiring ng language teacher dito. Halos mag-iisang linggo pa lang akong nagtuturo rito at nagugustuhan ko naman. Since malapit lang ang skwelahan kung saan ako nagtuturo ay pinagpasyahan ko na mag-lakad na lamang gabi-gabi. Hindi para makatipid kun'di para namnamin ang ganda ng lugar. Simula ng dumating ako rito ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa  ganda rito. If only I have enough savings para makasama si mama sa akin.

Masaya man ay hindi ko rin mapigilang mamiss si mama even though we always communicate. Malaking adjustment ang ginagawa ko dahil magkaiba ang oras dito at sa Pilipinas. Pagkauwi ko galing sa skwelahan ay natutulog ako at gigising ng alas dose o alas dose  y medya para matawagan si mama ng alas cinco o alas cinco y medya sa Pilipinas dahil may pasok din ito around 6:30 sa umaga depende na rin kung anong oras siya sa umaga papasok dahil mayroon kaming munting tailoring shop na naipundar niya noon na laking tulong para sa pag-aaral ko ng grade school hanggang college noon.

I was savoring the moment and watching the sun sets. Halos wala na ring tao dahil sa walking street ako dumaan. Mostly lahat ng tao ay naroon sa mga parke, resorts, clubs, o tourist spots na hindi nakakasawang puntahan.

Nilagay ko ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng  suot kong itim na wool jacket. I was wearing a pencil shirt and a long sleeve button shirt na katamtaman lang ang sukat at kurba sa katawan ko. I usually add some blazer kahit na hindi naman required iyon sa school.

Ilang metro na lamang ay malapit na ako sa apartment ko nang nakarinig ako ng unaudible na mga boses. Nang papaliko na ako ay bumulaga sa akin ang apat na nagtatangkaran na mga lalaki. Tatlong mapuputi ang naka-harap sa akin at isang lalaking moreno na ilang pulgada ang taas kompara sa tatlong naka-talikod sa akin. The three men were wearing dark colored sweaters and a bonnet while the tanned-skin man was only wearing a white shirt, a denim pants and a high sneaker converse shoes. Kitang-kita ko ang mga tattoo sa maugat nitong braso. He has a well toned body kumpara sa tatlo na lean.

Pakiramdam ko ay hindi nila ako napapansin, dahil siguro sa height kong 5 foot and 3 inches. Hindi rin ako mahilig ng matataas na heels kaya 5'5 lang ang tinangkad ko sa 2 inches kong heels.

"Poios sto diáolo eísai?" kumunot ang noo ko sa sinabi ng isa sa tatlong lalaking naka-harap. He was rudely asking the moreno man if who he is. Sandali, ano bang pakialam nila? Pati ba naman sa Greece may mga marites? Malala pa ay marites na vocal!

Hindi nagsalita ang lalaki at natingin lang sa baba. He looks so done with nonsense things.

"Polý agenís kai alazonikós apó mérous sou, pará to gegonós óti eísai aplós énas episképtis edó stin Elláda!" halos umusok ang ilong ko sa sinabi nito.

Too rude and conceited of you, despite the fact that you are just merely a visitor here in Greece!

That was exactly what the man other had said. I do know that it's not my business but being also a foreigner here in Greece hurt my pride. Nang hindi pa rin sumasagot ang lalaki ay mabilis siya nitong inambahan ng suntok sa lalaking hindi pa kumikibo. Natutop ko ang bibig at mabilis na hinagilap ang cellphone. Itinaas ko ito at sumigaw dahil sa pagkakagulat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CEO SERIES: Steps Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon