To love Again

25 1 2
                                    

By: Agassi

Ako yung tipo ng babae na madaling mahulog sa isang tao.

May ipakita lang na maganda, nahuhulog na ko.

Kaya madalas na lang ako masaktan.

Madalas ako madapa.

Umiiyak.

Tapos sisipunin.

Kunwaring nagmomove on pero di naman makamove on.

Tapos may darating na bagong taong manggugulo naman sa puso ko.

Sa una, pasasayahin ako. Pero uulitin lang niya ang ginawa nung nauna.

Nakakapagod.

Nakakapagod pala.

Nakakapagod palang masaktan.

Madapa.

Umiyak.

Sipunin.

Magpunas ng luha.

At magkunwari.

Ayoko na ng ganto.

I need change.

CHANGE.

Big word.

Pero pipilitin kong gawin.

"Anya, tara may gig si Mond sa X&Y." Yaya sakin ni Mara. Isang Bar and Music lounge ang X&Y. Si Mond, ang boyfriend niya.

"Mara, ayoko. Andaming lalaki dun eh."

"Ano ka ba naman. Walang kwenta ang C-H-A-N-G-E na sinasabi mo kung ang gagawin mo lang ay ang pag-iwas sa mga lalaki. Dapat, matututo kang humarap sa kanila na parang may isang wall kung saan hindi nila kayang pasukin ang naging bato mong puso dahil sa mga lalaking inasahan mong mamahalin ka."

Whoa. Grabe.

Ang laki ng point niya. Tama sya. Bakit ako ang iiwas? Samantalang ako yung nasaktan. Ako yung biktima.

Itatayo ko ang mga bandera ng mga pusong sawi.

Babangon ako at dudurugin sila.

Sumama ako kay Mara sa X&Y, wearing my best dress. Kung saan ako magmumukang pinakamaganda sa lahat, with full of confidence.

"Hi miss!"

"Pretty."

"Beautiful."

"Hi!"

"Sexy!"

Lahat halos ng kalalakihan, sinusundan ako ng tingin.

Umupo ako sa isang stool. At umorder ng isang iced tea. Di naman kasi ako umiinom.

Si Mara nasa backstage, support sa boyfriend niya kaya andito ko nag-iisa.

Naramdaman kong may umukopa sa isang stool na katabi ko.

"Hi! Miss pretty."

Nilingon ko lang sya at nginitian saglit tapos bumalik na sa paginom ng iced tea.

"I'm Greg. You're ..."

"Anya."

He offered his hand for a hand shake pero di ko pinansin. Nakita ko na lang sa peripheral vision ko na binababa niya yun.

"So, you're alone?"

"No, i'm with my friend."

"So where is he?"

"She. She's with her boyfriend."

"Oh. I see."

"First time mo ba dito? Ngayon lang kita nakita dito eh."

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon