Princess's P.O.V.
Time check. 4:00 pm
Kaninang tanghali pa ko nakauwi pero hindi pa din ako maka-get over sa mga nangyari kanina. Hindi pa ata alam ni nanay ang nangyari kasi kay ate hope ko lang sinabi. Andami ko na ngang missed call galing kay Fire, eh wala naman akong load pantext o tawag.
Sana wag niyang akalaing boyfriend ko si manyak. Di pa ko handa sa mga relationship kasi pag-aaral, pag-tratrabaho, pag-babasa ng libro at pag-aaral ulit- lang ang hobby ko this time. And I dont want my heart to be broken. Alam mo na, marami nang kabataan ang in-lust sa isa't isa at ayokong magaya doon.
Kasalukuyan akong naghahanda sa pag-pasok sa trabaho. Late na kasi ako kahapon at ayokong ma-late ulit ngayon. Ayoko kasing mawalan ng trabaho. As usual, naka-t-shirt, slacks at rubber shoes ako. Naka-ponytail ang buhok ko. Ang laman lang ng bag ko ay ang pamalit, 100 pesos na pang-kain at pulbo.
Hindi ko na tatangkain pangagdala ng gadgets kasi baka maholdap ako. At never na din akong mag-shoshort cut. Ayoko nang muntikang ma-rape ulit no baka wala nang amber the manyak ang magligtas sakin.
Tumingin ako sa salamin and smile. I wish my life was simple as that. You smile because you're happy , not because you want to hide the pain. Life is so unfair.
I brush off my thought at umalis na sa bahay. Syempre, nag-paalam na ako kina nanay at si tatay ayun nasa tamabayan malapit sa tindahan. Umiinom.
Ganon pa din naman ang nangyari. Umalis, pumasok sa trabaho, naglinis hanggang alas dos at uuwi pero this time may iba. Hinarang ako ng manager ng shop at may binigay sakin. Tinignan ko at may laman itong 1,000 php.
Napakunot ako at tinanong si ma'am "Para saan ho ba ito? Di ba po sa susunod na araw pa po ako swe-sweldo at 600 pesos lng po ang ibibigay niyo sakin?" Taka kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya ng malungkot at tinapik ang balikat ko "Alam mo Miss Aldia, maganda naman ang trabaho mo dito. I mean you work well its just... Its not enough." What? "You see lagi kang late, minsan may absent ka pa and hindi lahat ng sulok ng shop ay nalilinis mo. One time nga, you put to much water on the floor kaya nadulas ang isang crew" sabi niya.
So I work well pala ah pero bakit ung mga negtive actions ko ang sinasabi niyo? "Ma'am prankahin nyo ho ako. Ano pong ibig sabihin nito?" Medyo hirap na hininga kong sabi. Napatungo lang siya "Sorry Faith pero youre fired" wait what?
Sibak na ko? Langya. Sunog na nga kilay ko, sinunog pa yung trabaho ko "Ma'am p-pwede ho b-ba natin tong p-pag-usapan? K-kelangan ko ho n-ng pera..." Maluha-luha kong sabi. Umiling siya "May papalit na sayo Faith" seryoso niyang sabi.
After many months na nag-trabaho ako dito, ngayon pa ko masisibak. Saklap nga naman ng buhay "P-pero pwede namang kaming dalawa y-yung mag-trabaho dib ho?" Halos nag-mamakaawa na ko.
Umiling lang ulit siya at sinabi "Hindi ganon yun Faith. Last week ka pa talaga dapat wala dito pero nakiusap lang si Rey na kung pwede bigyan pa ikaw ng chance pero wala na talaga" si Rey? Yung friendly weird n katrabaho ko? Why?
"Ma'am wag niyo naman ho tong gawin.. Kailangan ko ho ng trabaho" umiiyak na ko. Nag-mamakaawa. I need money. I really need it. "You're Fired" at papa-alis na siya pero hinawakan ko yung kamay niya.
"Ma'am please.. Kelangan ko ho ng pera... Ng trabaho para po makaipon ng pera. Sige na ho, give me another chance" luluhod pa ba ko? Iiyak na ko ng iyak. Baka matigil ako sa pag-aaral at ganon din ang mga kapatid ko.
"No please. Makaka-alis ka na" dumukot pa siya ng 500 pesos sa bulsa niya at binigay sakin "I want to help you pero hindi na talaga pwede. Ngayon umalis ka na" umalis na din siya.
Ako. Eto iyak ng iyak sa tapat ng locker room ng mga staff. Wala na kong trabaho. Wala na kong pam-paaral sa akin at sa mga kapatid ko. Si ate naman kasi kaka-onti ang sweldo. Kung malaki man, mas uunahin niyang bilhin ang mga pam-paganda agents niya.
Si kuya, once a month lang ang kita at 3,000 pesos lang yun. Nag-tra-trabaho siya bilang cellphone and computer repair sa isang maliit na company. Kulang na kulang yun sa pagkain, pam-bayad sa kuryente at tubig, gatas ng mga bata at pang-tuition.
Umiyak lang ako dun at tumingin sa 1,500 pesos na nasa kamay ko. Paano ko sasabihin kay nanay na wala na kong trabaho- na sibak na ko sa trabaho at wala na akong pag-kukunan ng pera. Napa-bunting hininga na lang ako at pinunasan ang luha ko.
Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho baka bukas. Kahit ano na basta may extra income ang pamilya sa pang-tustos ng mga pangangailangan.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko s locker at linagay sa bag ko. Napa-ngiwi ako ng makita ko ang anniversary picture ng shop na nakadikit sa pinto ng locker ko. Hay. Tinanggal ko na yun at lumabas na.
Makakahanap din ako ng trabaho bukas. Makakahanap din ako ng pag-kukunan ng pera namin. Makakahanap din ako ng mas magandang trabaho. Basta tiwala lang.
Pag-kalabas ko ng shop ay nakita ko si Rey na nasa gilid ng shop, umiinom ng softdrink. Nakita niya ko at nginitian sabay sabing "Sorry hindi kita naipag-tanggol sa pagkakasibak sayo. Tinry kong tulungan ka pero wala eh" at tinapik ang balikat ko.
I smiled bitterly "Its okay. Siguro eto na talaga ang last day ko sa shop na ito" at nag-paalam sa kanya. Uuwi na ko tutal 2:00 am na naman ng madaling araw. Dumaan na ko sa long way basta medyo ma-ilaw at may onting nag-bibisekleta at nag-momotor na duma-daan.
Paliko na ako ng may nahagip akong karatula na may maraming ilaw at buhay na buhay na kulay at may nakasulat na "Wanted: Pole Dancer/G.R.O." Asang pumasok ako diyan. Maruming trabaho yan at ayokong madamay ang pagka-babae ko.
Tinignan ko pa yung mga details sa ibaba "Requirements:
Age: 17-28
Body: sexy and flawless
Gender: boy, girl, bakla, tomboy
•Must know how to dance and kendeng-kendeng ng katawan.
•Must have atleast 4"10 of height.
•May hinaharap okay?
•Must have kamandag like rawr
And last
•May magandang mukha at makapal ito enough to stand its job naked or not.
If youre interested, go inside and look for Mr. Ong"
Napa-isip ako kung magkano kaya ang kita ng mga G.R.O. Malaki kaya? Kapiranggot? Marami kayang tip? May mga client kayang katulad ni Miro? Ok no. I know Miro will never be in that stripping club.
Napa-iling ako. Ano bang mapapala ko diyan? Tsaka duh, hindi ako papasok diyan kaya bakit ko pa binabasa mga requirements ng club na yan. I will never be a G.R.O. or a striper and pole dancer.
Naglakad na lang ulit ako at tinanggal sa isip ko ang tungkol sa stripping club na iyon. Magpapaka-dumi lang ako kung papasok ako dun at may dignidad ako no! Para kay Miro lang ang katawan ko.
Habang naglalakad may napansin akong tatlong lalaki na naglalakad. Mukhang pamilyar sila. Mapuputi at matatangkad na mga lalaki. May mga itsura sila at halatang gwapo't mayaman.
Hinintay ko lang sila na medyo makalapit at nagulat ako. Si Miro kasama ang dalawa niyang ka-tropa. Hindi si Jake the manyak ang kasama niya. Akala ko ba tropa sila?
Naglakad na lang ulit ako. Nang parang magkaharap na kami napabulong ako "Miro..." Pero mas nagulat ako sa susunod na nangyari dahil kinawayan ako ni Miro sabay sabing
"Hi Princess!"
Totoo ba ito?
Is this a dream?
A dream come true?***
A/N: Okay lang ba? Waaahh magcomment kayo please. Vote vote din kung nagustuhan niyo. Sino kaya yung dalawang kasama ni Miro?
BINABASA MO ANG
The Queen Striper
RomanceRATED SPG: 18+ lustful story She's so young, beautiful sexy and smart. An 18 years old girl with a pretty angel face, hot sexy body and a open-dirty mind. "The Queen Striper" Everybody want her. Everybody would die for her. But she want somebody. So...