Chapter Fifteen.

1.8K 84 12
                                    


"Ok" hindi ko alam kung ano isasagot bukod sa okay. Ano ba naman 'yan kailan ka pa naging shunga Jane, sasagot ka na nga lang yung hindi mo pa pinag isipan.

"Pwede bang lumayo ka na, hindi kasi ako maka hinga" pag pipilit kong paalis sa yakap niya.

Grabe naman maka yakap si papi Ivan parang wala ng bukas.

"Stay here, ako na gagawa sa utos" sabay nun ay tumakbo na siya papunta sa principal office.

Ano namang gagawin ko rito, nakakapagod pala pag walang ginawa chariz lang tamad ako sa bahay ngayon pa ba ako mapapagod?

Natatawa talaga ako sa mga iniisip ko minsan kinakausap ko nalang yung sarili ko pag feeling ko yung sarili ko lang ang makakaintindi sa akin.

Binuksan ko nalang messenger ko para makipag chika sa mga kaibigan kong chismosa.

Jane: Guess what.

Clarece: What?

Sheilo: Buntis ka?

Apple: Omg ang bata bata mo pa pero congrats.

Neha: Congratulations.

Jane: Bobo hindi.

Apple: Eh ano?

Nag send ako sa gc namin ng picture ko na kinikilig face.

Sheilo: Nagutlat naman ako sa picture, saang horror movie mo 'to nakita?

Jane: Gaga, ganiyan talaga ang mukha pag nililigawan.

Sheilo: Gago seryoso?

Clarece: Kakasabi nga lang diba? Stupid.

Apple: Ahh, akala ko magiging ninang nako.

Neha: Si Sheilo ata unang magkaka anak sa atin.

Sheilo: Oh my ghost, Mhie. Paanong magkaka anak eh wala ngang jowa ano 'yan miracle? 

Inoff ko na ang cellphone ko kasi alam ko kung saan mapupunta yung topic pag si Sheilo kausap mo.

Tinanaw ko nalang ang labas sa office namin, kitang kita ko ang mga studyanteng masaya habang kausap ang mga kaibigan nila.

Kung maaga lang ba akong nakapag aral dito mararanasan ko ba ang ganiyang saya noon pa? Base kasi sa mga kwenekwento sa akin ng mga pinsan ko na sa subrang friendly ng environment hindi mo talaga mararanasan ang walang kaibigan.

Siguro kung hindi dumating silang Apple, hindi ko alam kung saang paaralan na naman ako pupulutin.

Biglang tumunog ang cellphone ko nang tinignan ko ito ay warning pala kasi may paparating na bagyo.

"Ate"

Napalingon ako sa pintuan at ai Trixcy ang bumungad sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka pa nag re-ready?" Tanong niyang pabalik sa akin.

Bakit mag re-ready? Baka nasa labas si Ivan ah may surprissa. Ay joke gago seryoso.

"Mag re-ready kasi?"

"Kasi sa Main Campus daw gaganapin ang Field Demo" Trixcy answered.

Ampota, nakapag design na sa stage ang mga SSG officers kanina tapos ngayon sasabihin na nasa main Campus na pala gaganapin, kalokoha.

"You know hindi nakakatawa ang mag jojoke ng gan'yan " pag aasar ko sa kaniya.

Alangan namang ngayon pa, bukas na ang Field Demo tapos ngayon pa sasabihan.

Watching From Afar (High School Series 1) Where stories live. Discover now