Chapter 2: First day

0 0 0
                                    

" Hindi naman, nagtataka lang ako. " Sagot ko dito sabay napakamot sa ulo at umiwas ng tingin.

Narinig kong tumawa ito nang bahagya kaya napatingin ako dito, ngayon ko lamang napansin na may itsura ito. Pilipinong pilipino ang wangis, 'di maipagkakailang wala itong ibang lahi.

" Mag-isa lang kasi ako tapos nakita kita dito na mag-isa den kaya kinuha ko na yung chance para makiupo, 'yun lang. " Sagot nito mula sa tanong ko kanina.

Napatango na lamang ako dahil wala nang maisip na isasagot o itatanong pa sapagkat hindi naman kami magkakilala kung kaya't minabuti ko na lamang manahimik para na rin sa kapakanan at kaligtasan ko.

Hindi ko mapigilang kabahan sa ganitong sitwasyon, wala kasi akong kalaban-laban kung sakaling may mangyaring masama sa akin. Pero kung titignan naman at oobserbahan ang lalaking nasa harap ko, mukha itong mayaman na hinding-hindi magkakaroon ng interes sa akin.

*Ring!*

Biglang nagring ang cellphone ko, agad ko itong kinuha mula sa shoulder bag upang sagutin, nakita kong si Mommy iyon kaya agad ko itong sinagot.

" Hello, mommy? " Bungad ko dito.

" Anak, nasaan ka na? Umuwi ka na habang hindi pa dumidilim, delikado na sa labas, okay? " pangangaral nito sa akin.

" Pauwi na rin po ako, 'wag po kayong mag-alala. " tugon ko sa sinabi nito.

Nang mapatay ang tawag, agad kong inubos ang aking pagkain, nang matapos ay isa-isa kong idinampot ang mga pinamili at naghahanda nang umalis nang matandaang mayroong tao sa harap ko. Kawalan naman ng disiplina kung aalis na lamang ako bigla kahit hindi kami magkakilala.

" Aalis na ako, solo mo na yung table, bye. " mabilisang sabi ko rito at tinignan lamang ako nito.

Nang makalabas na sa cafe ay humanap naman ako ng taxi na masasakyan. Wala akong sundo sapagkat pinipilit kong sanayin ang aking sarili na matutong magcommute kahit na may sarili naman kaming sasakyan at driver.

Hindi kasi palaging andiyan sila para sayo porket may kaya ka, dapat matuto pa ring maging independent para makayanan mo kahit mag-isa lamang.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako sa bahay namin, madilim na nung bumaba ako muli sa taxing aking sinakyan.

" Anak, mabuti naman at nakauwi ka na. " Salubong sa akin ni mommy habang ang mga maids naman ay kinuha ang aking mga pinamili at dinala agad sa aking kwarto habang ako naman ay inalalayan ng aking ina hanggang sa maupo kami sa sofa sa sala.

Ingat na ingat sa akin ang aking mga magulang sapagkat iisa nila akong anak.

" Next week na agad ang pasok ninyo, dumating na din kanina yung uniform mo mula sa school. "  pagbibigay alam sa akin ni mommy.

Magiging masaya kaya ang bagong taon ko sa paaralan?

________
Days later...

" Anak, ready ka na ba pumasok? "  Tanong ni mommy mula sa labas ng aking kwarto pagkatapos nitong kumatok.

" Opo, bababa na! " Sigaw na sagot ko dito upang ako'y marinig.

Agad kong tinapos ang pag-aayos sa aking sarili. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin, bagay sa akin ang uniporme. Longsleeve blouse and yung parang jacket na black, maroon neck tie, maroon skirt 1 inch above the knee, black socks 1 inch above the knee and black shoes. Naglagay na din ako ng konting make-up para kahit papaano ay maayos akong tignan at hindi maputla. Sinuot ko na rin ang aking salamin sapagkat may pagkamalabo na ang aking paningin sa murang edad pa lamang, nasa lahi na daw namin.

" Enjoy! " Sigaw ni sambit ni mommy bago ako sumakay sa kotse namin, napagdesisyunan kasing ihatid-sundo ako tuwing pumapasok sa school at kapag gumagala lang ako pwedeng magcommute mag-isa. Okay lang sa akin 'yon kasi ayaw ko namang malate sa klase dahil malayo ang school, mahirap bumyahe kapag commute.

Nginitian ko si mommy at kumaway ng bahagya mula sa bintana ng sasakyan habang unti-unti nang umaalis at lumalabas mula sa gate.

Maya-maya pa'y nakarating na kami. Agad akong namangha sa laki, lawak at ganda ng paaralan. Sobrang enggrande nito. Semi-private daw kaya free tuition ang mga estudyanteng mula sa public school.

Bagamat walang alam at hindi pa kabisado ang lugar, nilibot ko muna ng tingin ang paligid, sobrang daming estudyante ang nasa paligid.

" Hi! " Bati ng isang babae. Bahagya naman akong napaatras dahil sa gulat.

" Charmaine Andres? "  patanong na sambit nito sa aking pangalan upang makasigurado.

" Yes. " Sagot ko dito na may halong ngiti.

" Yes! Tara, ililibot kita. " masiglang sabi nito sabay hatak sa akin sa kung saan.

Napansin kong dumideretso kami sa isang canteen na siyang malapit lamang mula sa school entrance.

" Eto ang cafeteria, sa tapat naman ay ang gymnasium, sa kaliwa ay library at sa kanan naman ay locker area. "  turo naman nito aa iba't-ibang direksyon ng bahagi ng paaralan. Agad ko naman iyong kinabisado.

Hinatak ako nitong muli at tumungo naman sa mga naglalakihang buildings.

" By the way, I'm Sasha Torres. Isa akong student school guide para sa mga transferrees like you. " pagpapakilala nito sa sarili at hindi pa rin nawawala ang sigla nito na siyang nagpagaan ng loob ko, nabawasan ang kabang nararamdaman ko sa unang araw ng pasok dito.

" Nga pala, classmates tayo! " Masayang sabi nito sa akin habang hawak-hawak ng dalawang kamay ko at tumatalon nang bahagya. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa reaksyon nito. Tuwang-tuwa ito na para bang dati na kaming magkaibigan at ayaw mahiwalay sa akin.

" Ganoon ba? Anong oras mag-uumpisa ang klase? 'Di ko kasi alam yung schedule natin. " Tanong ko dito.

" Tara, kunin natin sa Dean's office, andon lahat ng kailangan ng mga bagong lipat, pati ID mo. " Sabi nito sabay hatak sa aking muli.

Bagamat nalilito pa rin sa mga direksyon ng paaralan, kasabay noon ang pagkamangha sa mga gusali at mga bagay na ngayon ko lamang nakita. Para bang hindi sila ordinaryong nakikita sa isang unibersidad. Siguro dahil nasanay lamang ako sa kung anong mayroon sa ibang bansa na aking pinanggalingan kung kaya't halos lahat ng bagay na aking makikita ay bago sa aking paningin.

Thinking Of YouWhere stories live. Discover now