Wangge ang barko na naging rollercoaster sa lungkot at saya, halong emosyon ang iyong madadama kapag silay sinuportahang magkasama nakakalito na lumaban, hindi alam kung lalaban paba o susuko na sa labang tila wala nang paroroonan pa? Nasaksihan namin ang sayang inyong nadama habang magkasama, naramdaman ang pagibig na nagkulang sa aking sariling pamilya kaya patuloy na sumusuporta sa pagaakalang babalik pa kayong magkasama. "Walang makakapantay" “walang makakasira” ang mga salitang aking pinanghahawakan upang lumaban sa gitna ng gerang hindi ko sigurado kung kasama kayong makipagbakbakan. Nasaksihan ko ang pagsubok na dinanas nyong dalawa, ilang beses na pilit pinaghihiwalay ng panahon pero tumindig para sa isat isa. Pero rerespetuhin ko padin ang resulta galing sainyong dalawa . Pero ngayon tatanungin ko kayo hanggang salita nalang ba ang inyong mga pangakong panghabang buhay kayong magpapasayang magkasama?