Una

10 0 0
                                    

MAHINANG naghiyawan ang panig ni Atty. Rona dahil sa anunonsyong "not guilty" ang kanyang kliyente. Isa isa silang nagyakapan na para bang nanalo sa isang laro. Larong kapag talo kulong pag panalo kahit ikaw may kasanalan laya ka pa rin.

"Sinungaling!" Halos maglupasay ang isang babae ng malaman niyang hindi na bigyan ng katarungan ang kanyang anak na hinalay ng naturang kliyente ni Atty. Rona.

"Hindi nagsisinungaling ang anak ko!" sigaw pa rin ng kabila, Nag walkout naman ang ilang tao na dismayado sa resulta.

"Congratulations Atty. Rona!" Bati ng mga tao sa courtroom sa kabilang panig. Walang humpay na ngumiti ang nasabing Attorney dahil sa ilang daang nahawakan na kaso may naipanalo nanaman siya. Dagdag pangyabang ika nga nila.

"Attorney Rona! you never failed to impress me"

"Well, What can you expect?" hambog na sabi ni Rona.

"You won the case, rape ang inakusa sa kliyente mo, naipanalo mo pa yon?" manghang tanong nito.

"I'm the lawyer at kapag lawyer mo ako you should expect that I always win and I never lose" Kumuha ito ng sigarilyo at lighter, sinindi ang yosi at agad nilagay sa bibig.

"Ma'am, bawal mag sigarilyo sa loob ng courtroom" saway ng isang gwardya.

"Oh I'm sorry, makukulong ba ako kapag nagyosi dito sa loob?" sarkastik na tanong ni Rona.

"Hindi naman po pero--"

"Then I'm not sorry, di naman pala ako makukulong e" pag tataray nito at simulang maglakad pumunta sa kliyente niya.

"Attorney Villamor" tawag ng kliyente ni Attorney.

"Governor Recto, congratulations, and I hope I will never see you again here in the courtroom your case is difficult to handle" prangka ni Rona.

"Of course of course, don't worry I'll put more money on your bank" ngumiti ng bahagya si Rona, may sinabi pa ang kliyente at pagkatapos ay nagpaalam rin si Rona na uuwi na.

Siya si Rona isang abogaga este abogada. Top tier sa lahat ng lawyer dahil halos lahat ng kasong hinahawakan niya naipanalo niya kahit murder pa with evidence ang paratang sa kliyente niya. Mga politiko, kilalang tao at malalaking kumpanya ang minsan kliyente niya. Nagkakaroon naman siya ng kliyente na walang kakayanin magbayad sa kanya ng malaki pero minsanan lang iyon dahil ang lumalapit lang sakanya e yung kilala sa lipunan dahil nga sa reputasyon ni Rona bilang abogado na halos lahat naipapanalo niya.

May sarili na siyang bahay at kotse katas ng pagiging lawyer at halos limang sasakyan dahil ang iba bigay ng kliyente niya, halos taon taon din siyang may supply ng sako ng bigas dahil naipanalo niya ang isang kompanya ng isang bigasan at bilang pasasalamat ay may every month siyang tatlong sako para sa kanya.

Nasa kanya na ang lahat ay hindi pala, asawa na lang pala ang kulang, busy din kasi siya minsan sa trabaho, biro niya nga minsan sa mga kaibigan niya na kung ang kliyente niya nga ay kaya niyang ma-ipanalo bakit hindi ang puso ng isang lalaki.

"Manong, iuwi mo na ho ako sa bahay" pagod na utos ni Rona sa kanyang driver nang makapasok ito sa kotse niya.

Mabait naman si Rona kapag tulog este kapag wala siya trabaho ika nga nila magkaiba ang mundo ng trabaho, pag trabaho masungit si Rona pag wala na siyang trabaho ay masungit pa rin siya pero minsan lang naman. Namana nga siguro ni Rona ang pagiging ma-attitude sa kanyang lola dahil kahit hindi niya gusto tarayan ang tao e nagagawa niya.

"Ma'am, hula ko panalo ka nanaman sa kaso mo no?" hula ng driver ni Rona.

"Si Mang Gado naman oh, syempre panalo ako" munting pagyayabang ni Rona.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Lawyer, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon