November 11,2013
*Pasukan na naman. Di ako ganun kaexcited dahil napalayo ako sa mga kaibigan ko. Pero naisip ko na ayos lang naman yun dahil kasama ko naman yung isa kong kaibigan. Si Mary.
Tahimik lang siya, and we're not that close not like the others.10:00 AM
Magkasama kami ni Mary na Papasok sa isang classroom na may iba't ibang uri ng tao, I mean students like us.*Grabe Nica! Kaya ba nating makihalubilo sa kanila? Tignan mo yung isa dun! Kalbo yung gilid ng buhok niya!
*(napatawa tuloy ako ng wala sa oras) Wag kang maingay! Parang adik ata yan eh. (Napatingin ako sa kaliwang side ng classroom)
*Mary! Tignan mo naman yung isang yun! Ang liit masyado parang di college. (HAHAHA)
*hala oo nga! Parang duwende. Tignan mo yung isa dun nakapony na tali, bat parang itlog yung hugis ng mukha nya? (SABAY KAMING NAPATAWA)
Umupo na kami ni Mary sa right side. 3rd row. At ibang klase! Walang tumabi sa amin! May sakit ata kami? O baka Di kami belong? Sabagay, halos lahat ng bago naming classmates ay may kanya kanyang grupo. May 11 sila, may tatlo, may limahan at yung iba apatan.
Samantalang kami ni Mary, dalawa lang. (Insert crying face)
Wala pa yung prof namin sa first subject kaya naman tumingin tingin pa ko sa mga new classmates namin. I was too busy looking to every person inside the room, when there's this one person that caught my attention..
I dunno why, pero iba yung naramdaman ko. Una palang na makita ko siya that day. Pero di ko
pinansin. I was too focus kasi that day sa mga new subjects na pag-aaralan ko. I need to pass and I need to get good grades.NOVEMEBER 15
grabe! One week na wala pa din kaming new friends. Kaya nalungkot talaga kami that day ni Mary.Mary: Nica, friday na wala man lang nagHa-HI sa atin.
Ako: Yaan muna. Forever na tayong dalawa lang ang magkakasama this sem. 5 months lang naman konting tiis lang.Fortunately, may lumapit na girl sa amin. Maputi, medyo mahaba ang buhok. Pangalan daw niya Rach. Siya ang kauna-unahang nagHi sa amin. Isa pa sa kinagulat ko ay yung taong napansin ko the first day of school is kaibigan pala niya. That's why, we've been close. :)
DECEMBER
Unti-unti na kaming nagkakaroon ng mga bagong kaibigan ni Mary. Masaya sa feeling kasi nakakasundo nyo na yung iba nyong kaklase. :)JANUARY 2014
Finally! Nagkaroon kami ng bagong mga kaibigan ng dahil lang sa RESEARCH na pinagawa sa amin sa THCON. Dalawang taong nakasama namin sa gutom at pagod. Hahahaha.
1. Nelle yan C. Neda
2. PAUL CAREX R. MANUELDalawang taong naging parte ng masaya naming buhay Lol. Haha.
Marami na din kaming naging kaibigan sa paglipas ng bawat araw. Nabuo ang 1D girls, RENCE, THENA, MARY, AKO at si Kaye.
Nakasundo sa kalokohan ang ibang kaklase. (LIKE FOR EXAMPLE nung nagbirthday isa namin classmate,di umattend ng Consti at nagkainan ng cake sa baba)
Sarap balik balikan mga kalokohan noon. Mga pangyayari na minsan akong pinasaya. Mga pagkakataon na alam kong wala ng pag-asang maulit pa....
FEBRUARY 14, 2014
Yes naman! Araw na ng mga puso. Masakit nga lang dahil kami ng mga kaibigan ko SINGLE. Mag-isa, loner, walang karelasyon. Lahat na! Haha.Pero di lang tungkol sa magkarelasyon ang Valentines. Pwde rin ito sa pamilya mo, kapatid, pinsan, lolo't lola, mga kapitbahay o di kaya sa mga kaibigan mo mismo.
Wala kaming ginawa that day, maliban na lang sa isang kalokohan na naisip namin.
* Tara guys picture tayo ng panghorror!
* Gusto ko yan hahaha! Para sa mga single! MAGDIWANG!
( IN FAIRNESS ANG DAMING LIKES NG PICTURES NA GINAWA NAMIN)
Patapos na ang araw na yun. Wala pa ring nangyayari. (SADNU) Ngunit sa lahat ng nangyari ng araw na yun, ito ang hinding hindi ko makakalimutan.
SP (SPECIAL SOMEONE) Yan ang ipapangalan ko sa kanya. Masyado kasing controversial pag nalaman nyo pa ang pangalan :P
SP: *Nica! Tara!
* Oh bakit ano yun?
* basta andyan na si ma'am eh.
Papalapit palang ako sa kanya ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Mahigpit. Talagang mahigpit at hanggang sa makaupo kami, hawak niya yun.
* Simula ngayon tayo na ha.
*wahaha Adik Feb. 14 monthsary natin (Pabiro kong sinabi. Sinakyan ko lang siya)
Pero iba yung pakiramdam sa sandaling yun... yung puso kong nalulungkot, biglang sumaya. Tila napakaraming mga paro-parung nagsisiliparan sa loob ng isipan ko na sa sandaling yun ay litong lito.....
Ito na nga ba ang tinatawag nilang PAG-IBIG?
Pag umiibig ang isang tao, hindi niya namamalayan na unti-unti siyang nagbabago. Love can change your life.
Iba pala kapag ang tao in love.
Yung tipong bago ka matulog naiisip mo siya tapos pagkagising mo siya na naman agad ang nasa isipan mo.
Love is a reality that everyone needs to learn.Kapag in love ka sa isang tao, wala kang nakikitang mali sa kanya. Love is seeing an imperfect person perfectly.
Napakasarap palang umibig. Napapasaya ka nito kahit na alam mong wala kang pag-asa sa taong tinitibok ng puso mo.
Simula nun, Naiilang na ako sa kanya. Pero pilit ko pa ring pinapakita na wala akong naraamdam kahit 1% sa kanya.
Napakatahimik niya kasing tao. Pag-aaral ang priorith niya. One time naikwento niya sa akin na yung family niya Education pala halos lahat. Yung lolo niya may sariling school sa province kung saan siya nanggaling. Yung mother niya Teacher din, mga pinsan, kapatid, tito o tita. Mahilig siya magkwento lalo na't magkatabi kami noon.
Masaya akong kausap siya. Isa siyang napakabuting tao. Hindi ko alam pero, sobrang minahal ko siya kahit na alam ko pang hindi pwde, hindi tama at hindi dapat....
Ganun naman sa love diba?
We are willing to do everything kahit na alam nating masasaktan lang tayo. Hindi naman mawawala ang sakit kapag nagmahal ka. Dahil magkasama lagi ang saya at lungkot. Tulad ng ulan na pagkatapos ay araw. Tulad ng rainbow na lumalabas pagkatapos umulan.Malapit na ang pagtatapos ng semester. Napakaraming nangyari.
Practice sa sayaw, defense. Etc.
Masaya talaga nung sa sayaw. Magkagrupo kasi kami, kaya naman lalo akong napalapit sa kanya - bilang kaibigan.
One time, pauwi na kami ni Mary ng naisipan namin dumaan kila Paul Manuel para uminom ng tubig.
Sobrang uhaw na uhaw ko that time lalo na't tirik na tirik na ang araw.
Dingdongggggg
Pinagbuksan kami ng gate ni Paulo.
*Paulo painom naman ako. Sobrang uhaw nako grabe!
*uy beh andito siya! (Si sp)
*weh? Di ako naniniwala. Painom na please.
Di na kami pumasok ni Mary sa loob dahil pauwi na rin kami noon.
May bumababa, hawak isang basong puno ng malamig na tubig.
*ito oh tubig inom ka na. :)
nagulat ako. Nahihiya ako at naiilang. Imaginin nyo naman guys yung tubig na iinomin mo crush mo yung magbibigay sayo!!! Shit!
Ang ending nun? Di ako uminom. Di ko kinayanan mga b3h.
Lumipas ang second semester ko sa college....
Bakasyon
Yes bakasyon na! MAKAKALIMUTAN KO NA DIN ANG WEIRD NA FEELING NA ITO. :)
But I was wrong.Lagi ko siyang naiisip.
Lagi ko siyang hinahanap.
Yung kwento niya.
Yung boses niya.Bigla akong nalungkot.
Naisip ko kasi na hindi ko na siya makikita palagi sa susunod na pasukan..Magkaiba kami ng major.
Ang lungkot talaga.
BINABASA MO ANG
That weird feeling called PAG-IBIG
RandomLove is a strange thing. It can make the weakest person strong. The strongest person weak. The fearful person courageous. The courageous person fear. And yet, there are no words that can truly describe the feeling of love. Isa lang yan sa napakaram...