PROLOGUE

55 6 2
                                    


"Manong stop the car" saad ko sa driver namin, na agad naman n'yang sinunod

"Bakit ho Ma'am Alaina?" Nagtatakang tanong ni Mang Robert but I remain silent, I'm just staring at the garden where a family is having fun, Halata ang saya sa kanilang mga mukha

"Ma'am Alaina bakit ho kayo umiiyak?" Natatarantang tanong ni Mang Robert, kinapa ko naman ang aking pisnge at doon ko nga nakumperma na umiiyak na ako, wari kong gulat na gulat s'ya dahil simula ng umalis sila ngayon nalang ulit ako nagpakita ng ganitong emosyon, kong iiyak man ako ay patago

"Hanggang ngayon po pala hindi n'yo parin nalilimot ang nakaraan" biglang saad ni Mang Robert na ngayon ay nakatingin narin sa lugar na kanina lang ay tinitingnan ko

"Hindi ko parin matanggap na mas pinili nilang iwan ako at sirain ang pamilya namin para sa pamilyang meron sila ngayon" saad ko habang bumubuhos parin ang mga luha, hindi s'ya umimik at tiningnan lamang ako na parang sinasabi n'ya na sige lang magsalita ka lang makikinig ako

"Ang sakit lang isipin na ang dali lang para sa kanila na iwan akong mag-isa sa puder ni Dad at maging masaya ng ganito, ng hindi man lang iniisip na may iniwan silang isang tao na hanggang ngayon ramdam parin iyong sakit na iniwan nila, 11 years na ang nakararaan pero nandito parin iyong sakit"mahaba kong saad

"Ako dati iyon ehh, ako dati iyong tinuturing nilang prinsesa, ako dati iyong niyayakap nila, ako dati iyong inaalagaan nila, ako dati iyong nireregaluhan nila tuwing pasko at bagong taon, ako dati iyong sinusurprise nila pag birthday ko,ako dati iyong prinoprotektahan nila, ako dati lahat ng iyon eh, pero ngayon parang kinalimutan na nila na may dati silang prinsesa na iniwan nila ng mag-isa, ang sakit sakit isipin na ang dali lang para sa kanila na kalimutan kami ni Dad" humahagolgol ko nang saad nanahimik lang naman si Manong Robert na wari kong hindi alam ang sasabihin, patuloy lang akong umiyak sa kotseng iyon at ipinangako sa sarili na iyon na iyong huling beses na magpapakita ako ng kahinaan, iyon na ang huli, ng ayos na ang pakiramdam ko ay inaya ko na si manong na umalis

"Tara na Manong baka naghihintay na si Dad sa Hospital" saad ko at sinunod n'ya naman ito, tumingin akong muli kung saan masayang nagtatawanan sila Mommy kasama sila kuya at ang bago nitong pamilya bago kami tuluyang makaalis.

~~~~~~~~~~~~~~~
Let's give you a hint of the Prologue

The Cold Blooded Gangster Queen (On-going)Where stories live. Discover now