Letter 2

65 8 1
                                    

Dear El Jay,

Habang nagpapractice kami para sa sayaw lagi kitang nakikitang nanonood. Ewan ko din kung bakit pero habang busy ka sa pakipagdaldalan sa mga kaibigan mo, sumusulyap din ako sa iyo.

At hoy! Ang tanga mo naman para mabaliktad iyong PE pants mo! Di mo man lang napansin?

Aba leche lang, ako iyong nag effort na lumakad palapit sa iyo para hindi makita ng iba tapos pagkatapos kong sabihin sa iyo na baliktad, tatakbo ka lang paalis?

Gusto nga kitang hilain pabalik at sigawan na, "Pota naman, nag effort ako dito, mag thank you ka namang babae ka!!"

Pero wala eh, natulala ako sa ginawa mo.

Sa gabi nun, nangangati na iyong kamay ko kung makipagusap pa ako sa iyo sa facebook.

At ang leche nga, tinanong ba naman kita sa assignment, di naman tayo magkaklase! Mabuti na lang hindi mo nanotice iyon, kung hindi gusto ko nang tumalon sa bangin dahil sa katangahan ko.

Ang daldal ko pala, dinaig pa kita

Love, ay leche, napakabading naman nito. O eto na.

Si YACK ito.

From YACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon