Chapter 15

358 19 6
                                    


Stella

Months had passed and ilang weeks na lang ay pasko na at ang nararamdaman ko kay Ares ay hindi nagbago bagkus ay lalo pang lumalim ito. Noong una ay todo deny ako sa sarili ko sa nararamdaman ko para sa kanya ngunit kalaunan ay napapansin ko na mas nagiging attach na ako sa presence niya, yung tipong gusto ko siya laging makasama. Hays.... Anong gayuma ba ang pinainom mo sa akin Ares Dein Fenrich at ganito ako nahulog sayo...

At dahil nalalapit na ang pasko ay marami nang mga nagsisisulputang bilihan sa mga tabi-tabi. Ang pinakapaborito kong puntahan tuwing malapit na ang pasko ay ang peryahan. My Papa once brought me to the perya and I fell inlove with the rides, foods and also some of its fun fairs.

6P.M na at kasalukuyan kaming naghihintay sa tapat ng bahay nila Carlo. "Ang tagal naman ng panget na yon" naiinip na sabi ni Pearl. Tinignan ko si Ares na busy sa paglalaro ng kung anong games sa cp niya, kasalanan yan ni Carlo she introduced her to some kind of online games. Napailing na lang ako at sawakas ay dumating na si Carlo. "Ang tagal mo naman" naiinis na sabi ni Pearl at naglakad na kami patungo sa tricycle na hiniram ni Pearl sa isang trabahador nila.

Hindi kami pwedeng gumamit na kotse dahil masyadong magagara ang mga sasakyan ng mga kasama ko at baka pagpiyestahan lang ito doon sa perya. Carlo is the one driving it while Pearl is at the back habang kami ni Ares ay nasa loon ng sidecar. "Where are we going again?" Nasabi ko na sakanya kung saan kami pupunta noong inaya ko ito ngunit mukhang nakalimutan niya dahil first time niya palang pupunta sa lugar na ito. Pearl and Carlo had been there dahil isinama namin sila noon ni Papa.

"Sa perya, it's like a fair. Mas mura nga lang ang mga rides at pagkain kaysa sa EK" tumango naman ito at muling tumingin sa mga dinadaanan namin. And we finally arrived on our destination, excited naman akong bumaba ng tricycle. "You're not that excited huh?" Natatawang sabi ni Ares sa akin, napapout na lang ako at hinila ang kamay niya papunta sa entrance. Sumunod na din sila Pearl sa amin. I looked at Ares's reaction and it looks like this is not what she is expecting it to be. "Welcome to Perya..." bulong ko rito.

"Saan tayo?" Tanong ni Carlo sa akin at sinipat ko ang buong lugar na para tignan kung saan maganda sumakay and the vikings caught my eye. Itinuro ko ang direksyon ng vikings "There, sa vikings tayo" I said and looks like Ares is still in shock, I hold her hand and pulled her in the viking's ticket booth. "A-Are you sure about this? I-I mean look at their machines-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil kami na ang susunod na sasakay kaya't wala na siyang nagawa kundi sumakay at tumabi sa akin.

Halos matawa ako dahil nagsign of the cross pa ito at nang sabihin nung nag-aasisst sa amin na aandar na ay agad itong kumapit sa bar na nasaharapan namin. "Huy, baka masira mo yang bar sa sobrang higpit ng kapit mo. Stay calm, everything's going to be fine" I hold her hand and good thing she calmed down. Natapos ang ride at bumabang nakangiti itong katabi ko na parang gusto pa umisa. "That was fun!" Nakangiting sabi nito. Buti na lang talaga at hindi ito nagpanic kanina habang nasa rides kami.

"Bes, laro muna tayo dun sa tayaan pakalmahin mo muna si Ares, medyo nahilo ako dun sa vikings…" nang lingunin ko si Carlo ay halos matawa ako dahil nakakapit na ito sa isang poste. Tumango naman ako at pumunta kami sa paborito kong laruan which is the shooting range. "Kuya isang magazine" sabi ko sa nagbabantay and he handed me a fully loaded toy gun. I started firing but felt a little sad dahil kakaunti lang ang nabaril ko. At dahil doon ay wala akong prize na nakuha. Sayang, ang cute pa naman ng unicorn na stuff toy…

"Hahahaha ano ba yan Stella muntik mo na matumba lahat ah" pang-aasar sakin ni Carlo kaya binelatan ko to sabay irap. Hmp… masuka ka sana sa rides mamaya.

"Can I try?" Napalingon naman ako sa likod ko nang biglang magsalita si Ares. "S-Sure" I gave her way and she handed 400 pesos to the guy and he gave her 4 fully loaded toy guns. She started firing and halos nakatulala lang kaming tatlo nila Pearl sa kanya habang bumabaril siya. Habang paunti-unti ang mga target na binabaril niya ay parami ng parami ang mga taong nanonood sa paligid namin. And when she shot the last target everyone cheered for her.

The guy handed her the jackpot prize which is the cute stuff toy unicorn. "W-Wow… grabe naubos mo lahat ng target" she smiled and handed me the stuff toy unicorn. Nagtataka ko naman siyang tinignan "Here, this is for you" I pushed the stuff toy away from me. "No,  you earned this… I can't have it" Nakakahiya kaya… Nahirapan siyang bumaril tapos sa akin lang mapupunta yung prize niya? That would be unfair.

"Come on, take it. Itinumba ko lahat ng iyon para makuha ko ito at maibigay ko sayo. So you should take it, or else I'll just throw it-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad itong kinuha sa mga kamay niya. Haist… ang daming may gustong makuha tong prize na to tapos tatapon niya lang? No way. Mas lumawak naman ang ngiti ng mokong nang tanggapin ko ang stuff toy.

Nagpatuloy na kami sa pagsakay ng rides at paglalaro sa iba't-ibang games hanggang sa makaramdam ako ng pagka-ihi kaya nag-paalam muna ako sa kanila habang naglalaro sila nang bingo. "Guys, magCr lang ako saglit" I said as I stood up. "Samahan na kita" tatayo na sana si Ares ng pigilin ko ito. "Okay lang, alam ko naman kung saan eh" I said to her and she nodded kaya nagpatuloy na akong pumunta sa Cr dito sa perya. Nang makatapos ay agad akong lumabas, habang naglalakad ako patungo sa bingohan ay may tatlong lalaking humarang sa akin. I have a bad feeling about this…

"Hi Miss" Aalis na sana ako ngunit mas lalo pa silang humarang sa daraanan ko kaya't wala akong choice kundi magstay sa kinatatayuan ko ngayon. "Padaanin niyo na ako mga kuya baka hinahanap na ako ng mga kasama ko" pagmamakaawa ko rito. "Ano ba yan Miss… Dito ka muna, gusto ka pa namin makausap eh" hahawakan na sana ako nung isang kasamahan nila nang agad akong umiwas. "Wow hard to get, gusto ko yan-" hahawakan na ulit sana ako ng isang kasamahan nila nang makarinig kami ng boses na nanggagaling sa likuran ko.

"Bitawan niyo siya o ipuputok ko ito sa mga ulo niyo!" And there she was, Ares is holding a gun and she is literally aiming at the three men's heads, down there… Nagtaas naman ng mga kamay ang mga panget na lalaking gumugulo sa akin kanina. Ares walk closer to me still aiming a gun on their crotches and she holds my hand. "Isa… dalawa… Takbo!" She shouted and we started running together while the three men are chasing us. We run as fast as we can, hanggang sa mapadpad kami sa plaza.

Good thing ay wala na yung mga humahabol sa amin kaya itinuro ko kay Ares ang isang bench na malapit sa fountain at doon kami nagpahinga saglit dahil sobrang layo ng itinakbo namin para matakasan ang mga humahabol sa amin. "T-That was c-close" she said while catching her breath. Tumingin naman ako sa kanya at pareho kaming natawa. "O-Oo nga eh, buti na lang hindi nila tayo nahabol" sabi ko rito at huminga ng malalim. Timing naman na may nagtitinda ng maiinom kaya agad ko itong tinawag at bumili ng dalawang bottled water.

"By the way, saan mo nakuha yung baril na hawak mo kanina?" I asked her while I gave her the bottled water that I bought. Ininom niya muna ang tubig na inabot ko at pagkatapos ay doon niya sinagot ang tanong ko. "I bought it from the guy with the shooting range" sabi nito at ipinakita sa akin ang laruang baril na ikinatawa ko. "I can't believe that you fooled them with this toy gun. Hahahaha" we both laugh as we talked about it. Tahimik naming pinagmamasdan ang fountain sa harap namin when I finally broke the silence between us.

"Ares…" I called her and she looked at me. "Hmm?" This is it Stella… You can do this! "I-I like you.." Pabulong ko itong sinabi sa kanya ngunit alam komg sapat lang ito para marinig niya. My heart can't stop beating so fast na akala mo ay mayroon paring humahabol sa amin. "I-I'm s-sorry… Y-You don't need to say anything, I-I just want to-" I wasn't able to continue ng magsalita ito. "I like you too…" she said as she holds my hand. At dahil sa sinabi nito ay hindi ako kaagad nakaimik dahil iniisip ko kung totoo o panaginip lang ba ito.

Pasimple kong kinurot ang aking sarili at isang ngiti ang kumurba sa aking mga labi nang makaramdam ako ng sakit. Hindi ito panaginip… We confessed to each other and our feelings are mutual. Our eyes met, dahan-dahan ng naglalapit ang aming mga labi nang biglang-

----- Author -----

Bitinin ko lang para masaya😃

Fall for you (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon