PIECES

19 0 1
                                    

4:39 PM 1/6/2013

    Lost Pieces

     by: I'mNotYou

    Epilogue:

" Samahan mo ako! "

" Hah ? saan ? "

" Basta. "

         Hindi na ako nakapagsalita pa pagkat hila-hila na niya ang kamay ko. Patuloy kaming tumakbo ngunit hindi ko mawari kung 'san niya ako balak dalhin.

         Bigla siyang tumigil at humarap sa akin nang may ngiti sa kanyanag labi.

" Saan na ba tayo ? " sobra akong hiningal dahil medyo malayo rin ang aming tinakbo. Yumuko ako at pinatong ang dalawang kamay sa aking hita.  Isang ngiti  lamang                     

 ang sinagot niya mula sa aking tanong. Tumayo na ako ng matuwid at muli siyang tinanong.

" Ano ba, saan na ba talaga tayo ? " tanong ko sa kanya habang hinahabol pa rin ang aking hininga.

" Nandito na tayo, " nginitian niya na lamang ako at tumalikod, naglagad siya ng bahagya at sumunod naman ako sa kanyang likuran hanggang sa -------------

" Wow , " wala na aking ibang nasabi pa kundi ang mga katagang ito. Nandito kami ngayon sa isang paraiso. Tama, isa nga tong paraiso. Lubos na kahalihalina ang                        

 lugar na aming kinaroroonan ngayon. Ang daming iba't ibang uring mga bulaklak sa paligid, nakakabighani ang kanilang ganda, may iba't ibang kulay at amoy ko ang                                 

 halimuyak na hatid nila. Kay saya nilang tingnan na tila baga'y masaya silang nag-uusap; ang mga- uri ng bulaklak ay naayos depende sa kanilang uri na lalo pang nagpatingkad dito.           

Kamangha-mangha, ngayon ko lang nakita ang mga uri ng bulaklak na ito.

          May nakita akong parang maliit na burol at dun nakatirik ang isang napakagandang puno, ang laki nito at ang berde-berde pa ng kulay. Teka, ngayon ko lang napansin

           nag-iisang puno lang pala ito sa buong lugar. Ang kamangha-mangha pa ay nasa gitna ito ng buong halamanan.

          Ang ganda, ngayon lang ako nakarating sa isang magandang paraisong tulad nito.

          Muli ay humarap siya sakin nang nakangiti at nagulat ako ng bigla niyang h hinawakan niya ang aking kamay, ramdam ko ang lambot at lamig na kanyang kamay. Muli ay  ipinakita                

          na  naman niya sa  akin ang kanyang matamis na mga ngiti. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ang saya-saya ko ngayon at ang lakas-lakas pa ng tibok ng aking puso.

" Halika."

" Ha ? Saan ? "

" Doon, " tinitigan niya ang maliit na burol na matatagpuan dito sa  gitna ng halamanan.

         Hawak-hawak niya pa rin ang aking kamay hanggang sa makarating kami sa may burol. Umupo kami sa lilim ng malaking puno,mula doon ay mas lalo kong naaninag ang                           

          kagandahan ng buong lugar.

" Ang ganda talaga, " tinatanaw ko ang paligid ng may kasiyahan sa aking mga labi.

          Tumingin ako sa kanya at hindi ko namalayang nakangiti siyang nakatitig sa akin. Inalis ko naman agad ang paningin ko sa kanya dama ko ang pang-iinit ng aking mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PIECESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon