I can't be your everything

20 0 0
                                    

Masarap daw magmahal ng taong alam mo na laging andyan, yung tipong hindi ka iiwan, yung lagi kang kakampihan at lagi kang aalagaan. Yung tao daw na ok lang kahit talikuran na ng lahat wag lang ng taong mahal niya. Pero paano naman kung yung tao na mahal mo ay hindi kayang gawin ang mga bagay na iyon? Paano kung ang kaya lang niya ay ang maging nandoon lang? Yung hindi mo siya mararamdaman pero basta nandoon lang siya at hindi ka iiwan. What if the person that you love CAN'T BE YOUR EVERYTHING? Ano ang gagawin mo?

.

.

.

.

.

.

.

Ah hellow ako nga pala si Dianne, isang simpleng tao haha, mag-aaral na may saktong grade lang para pumasa, sabi nila maganda daw ako pero sabi ko naman cute lang ako ^v^. Wala akong special na talents, mahilig lang akong kumanta pero hindi ko masasabing magaling ako, sakto lang, dahil doon may mga nagsasabing pahumble daw ako haha. 

Meron akong taong mahal, siya si Clyde isang lalakeng ubod ng sikat sa school namin. Di kami mag best friend tulad ng iba, hindi rin kami magboyfriend pero basta friends kami kahit dati pa. Basta ewan ko haha. Alam ko lang close kami nagbabatian kahit paano pag nagkakasalubong minsan sabay din kami umuuwi kasi iisa lang yung village na tinitirahan namin kaya ganoon. Masaya siyang kasama at talagang nakakatuwa siya, pagkasama mo siya pwede kang maging sarili mo hindi ka niya huhusgahan. Dahil doon nagising na lang ako isang araw na mahal ko na pala siya, weird ano haha wala naman siyang ginagawa para mahulog ako sa kanya pero wala nangyari na eh.

Hindi siya tulad ng akala ng madami na playboy, mabait yun hindi mo nga lang mapapansin minsan na andun siya haha ewan may pagkamysterious kasi yun eh. Basta, sinubukan kong mapansin niya ko pero kahit anong gawin ko hindi pa rin niya ko nakikita bilang isang babae na nagmamahal sa kanya, actually hindi ko talaga alam kung ano ba ko para sa kanya eh. Minsan nagtapat ako sa kanya. sabay kaming umuwi noon naglalakad kami sabi ko sa kanya " Clyde gusto na kita, matagal na ok lang ba sayo yun?".... Hindi siya sumagot, tumingin lang siya sa akin.

Nasaktan ako sa nangyari pero patuloy pa rin kami sa paglalakad noon, sabi ko ulit sa kanya " Ok lang ba syo na magkagusto ako sayo, Clyde hindi ko naman hinihingi sayo na magusuhan din ako, basta lang sana kahit sinabi ko na yun sayo walang magbabago". Tumingin lang ulit siya, dumating na kami sa tapat ng bahay ko nag paalam na  ko sa kanya, papasok na sana ako nang bigla niya kong tinawag sabi niya : Dianne I can't be your everything" tapos ngumiti siya di ko alam kung may sunod pa siyang sinabi kasi pumasok na ko sa bahay namin.

Nagkulong lang ako sa kwarto ko nun, ewan ko bakit niya ba sinabi yun. Makalipas ang ilang araw hindi kami nagkikita til one day. Nagkasabay ulit kaming umuwi ok lang sakin malapit na kami noon sa bahay ko noong bigla siyang nagsalita, Dianne naalala mo ba noong sinabi ko sayo na I can't be your everything? Nagulat ako bakit niya yun biglang sinabi, bakit niya yun tinanong naguluhan  ako at mukhang napansin niya yun...

Di ko inaasahan ang sumunod na nangyari, nakita ko na lang na umiiyak na pala ko sa tuwa habang nakayakap sa taong mahal ko. " Naaalala mo pa ba nung sinabi kong I can't be your everything? May kasunod pa kasi yun, hindi pwede kasi you are already everything to me so I decided that I should be your guradian, your keeper, your angel and night to always have you protected and safe from harm. Hindi ko gugustuhing maging everything mo kasi gusto ko iingatan lang kita, aalagaan lang kita at higit sa lahat MAMAHALIN LANG KITA."

Yun ang mga eksaktong salita na sinabi niya saakin 7 years ago at heto na kami ngayon sa harap ng altar nagpapalitan ng vows at nangagakong hindi maghihiwalay hanggang sa dulo, to infinity and beyond nga daw sabi sa toy story. At natapos ang kasal ngayon lumalakad na kami palabas ng simbahan habang tumutugtog ang kantang nagsasabing Baby I will be your everything :)

Minsan hindi mo naman talaga kailangan maging lahat lahat sa taong mahal mo ang mahala lang dun basta alam nio na mahal niyo ang isa't isa at kaya niyo yung panindigan habang buhay, kasama ng mga kaakibat niting mga responsibilidad at mga tungkulin. Sapat na yun para magtagal kayo Forever and Always.

I can't be your everythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon