#04

0 0 0
                                    

Jim's Pov.

After namin mag lunch nila mama nagtoothbrush lang ako at naghilamos para mamaya ready nanaman ako pumasok, dumeretso nalang ako sa kwarto ko.

And Here I am again lying on my bed, feeling so tired and bored. I was also wondering why I need to be like this, always feeling lonely, I feel that there's something in me that missing. I dont understand myself sometimes.

Buti pa iyong mga kaibigan ko happy lagi samantalang ako ito malungkot pakiramdam ko na laging nagiisa, pakiramdam ko hindi ko maintindihan ang mundo at kaaway ko na ngayon ang utak ko sa tindi ng laging pag iisip. Ayaw ko man magisip kaso lagi akong binabagabag ng mga problema na di ko din naman alam na i bibig deal ko.

Una gusto ko magtapos  na agad ng pag aaral kahit grade 11 palang naman ako, para kasibg tinatamad na ako mag aral talaga gaya ng sinabi ko sa mga kaibigan ko.Dati naman akong maaral di ko lang alam bigla nawalan ako ng interest.

Pangalawa gusto ko na magtrabaho para kahit paano maka tulong na ako kila mama at papa dahil hirap lang din talaga kami walang permanenteng trabaho ang magulang ko ang papa ko nakikiluto at minsan nagpupunta ng bukid, ang mama ko naman sa bahay lang palagi na sstressed ako kasi may mga ate at kuya naman ako pero di naman sila marunong tumulong may kanya kanya naring pamilya kadalasan samin padin humihingi ng tulong.

Pangatlo gusto ko ng kalayaan tipong nagagawa ko lahat ng gusto ko, mapupuntahan ko ang lugar na gusto ko pero kahit gusto ko ng kalayaan ipapaalam ko padin sakanila kung saan ako pupunta at kung ano gusto ko basta hindi ako mapapahamak papayagan dapat nila ako.

Pang apat gusto ko na din magka jowa, hindi dahil lagi akong inaasar ng mga kaibigan ko kundi gusto ko din ma experience sa edad ko na ito ang lovelife na para sa teenager. But I want someone that will stay beside me, through ups and downs, someone who will also understand me, someone who will accept me at my worst. I want a long term relationship.

At habang abala ang isip ko sa mga bagay na hindi naman dapat poblemahin ng sobra na hagip ng paningin ko iyong bag ko na nilapag ko kanina sa upuan dito sa kwarto. Wala sa sariling tumayo ako at kinuha iyon. Kinuha ko dun iyong tablet at nagfacebook nalang para maaliw lang iyong isip ko at matigil na kakaisip.

While im scrolling, nag vibrate iyong tablet, at biglang nag pop up iyong chat heads ko at laking gulat ko nagchat sakin iyong lalaking chinat ko nung nakaraan si jeo. Wala sa sariling inopen ko iyong message niya.

Jeo: Hello ading!😊

Waahhh!!! Biglang naging masigla iyong kaninang malungkot kung awra umayos ako ng upo. At nakangiting binasa ulit iyong message niya. Nakngiti akong nag reply.

Me: hello po🙂
Hindi ko alam bakit sa simpleng message niya at simpleng reply ko napangiti talaga ako ng todo.

Jeo: Kamusta na? Ikaw iyong tropa nila  Jackie?😃
So he know me? Like omg? Ha stop me sissy!

Me: yeah its me po, bakit po pala kayo nagmessage?
At ang tanga ko sa part na yan eh haha di ko din kasi alam ano irereply ko sakanya bahala na nga.

Jeo: wala lang naman ading, nakita ko kasing active ka hehe kaya nag message ako.
So napansin niya ako ng dahil doon?

Me: I see po kuya.
Yan nalang nareply ko sa kanya.

Jeo: Huwag mo na ako kuyahin ading feeling ko tuloy ang tanda tanda ko na hahaha Jeo nalang.

Me: nah, okay pero huwag mo na po garud ako tawaging ading haha feeling ko bunsong kapatid mo po ako hahahaha
Siyempre kung bawal ka tawaging kuya edi bawal din akong tawaging ading huh!akala mo ah hahaha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Love Last ForeverWhere stories live. Discover now