"WOAH!" Wilson applauded with joy and pride when Hector hit the ball into the target hole.
"Nice job, son! You are a fast learner." A huge smile drew on Hector's lips at the compliment he received from his father. His father looked so proud of him, and it filled his heart with joy.
"Noong kami ng dad mo ay nagsisimula pa lang mag-golf, it took a few months before we got the ball into the hole with a few shots," said Alford, who was preparing to hit the ball.
"Kayo lang," ani naman ni Tres matapos pumalo.
"It just only took me a month before I played like a pro," Tres added, putting a hand above his eyes while watching the ball rolling toward the green. He smiled proudly as the ball sunk into the hole.
"Fuck it!" Dock hissed irritatedly as the ball he was hitting missed the hole. Mula kaninang nagsimula sila ay hindi pa ito nakatama.
"Itong si Dock ang pulpol, e. Hanggang ngayon, hindi pa rin makasundo ang golf iron." Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Alford.
"Let's have a competition," Wilson suggested.
"Labanan mo 'yang mga uncle mo, Frankus. Kapag nanalo ka, bibilhan kita ng bagong sasakyan."
Malapad na napangiti si Hector. Malabo siyang manalo. Magagaling ito. Pero lalaban siya. Naaaliw siya sa laro lalo't kalaro niya ang kanyang ama.
"Hey you all!" Sabay-sabay na bumaling ang lahat kay Andrite na nakapamaywang. Nakasimangot ito habang nasa likod nito ang golf cart na sinakyan na ito mismo ang nagmaneho.
"I'm hungry! Let's eat na, Grandpas!"
Napailing si Alford. "Mainitin talaga ulo ng apo kong ito."
"Tara na muna. Gutom na rin ako," ani Wilson na ibinigay sa caddie ang golf iron.
Inakbayan ni Alford ang bata matapos itong lapitan. "Bakit ba ang init ng ulo?"
"Dada Lolo, kainis naman kasi! This place is boring. Why do I need to go here with... elders?"
"Hindi ba kami masayang kasama?" tanong ni Tres.
"No offense meant, Lolo Tres, pero hindi po." Nagtawanan ang lahat habang si Andrite ay lalong sumimangot.
"Ito ngang si Frankus nag-e-enjoy, e."
Masama ang titig na ipinukol ni Andrite kay Hector. "Plastic kasi." Umirap pa ito matapos iyong sabihin.
"Proud na proud kayo akala mo naman mabuti talaga." Tinalikuran silang lahat nito at muling sumakay sa golf cart.
"Ang batang 'yon talaga." Bumaling si Alford kay Hector.
"Pasensya na, hijo. Topakin lang talaga ang batang 'yan," hinging paumanhin ni Alford. Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ni Hector sa matanda.
Nagkanya-kanyang sakay ang lahat sa golf cart. May driver sina Tres at Dock habang si Alford ay sumakay sa dala ni Andrite at sina Hector at Wilson naman ang magkasama.
"Ano kaya ang nangyayari kay Andrite?" Wilson asked out of the blue while they were on their way to the clubhouse.
"Bakit mukhang mainit ang ulo sa 'yo?"
Tanging pagkibit ng balikat lang ang naging tugon ni Hector. Ayaw niyang magkomento at baka kung ano pa ang masabi niya sa halip ay inilayo na lang niya ang topic.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Inferno 1: Dust of Memories
RomanceLonging for his father's love and recognition, Hector accidentally lives with his father's family by posing as his twin brother, Frankus. But when his past suddenly catches up with him, can Hector overcome his trauma and get a second chance at life...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte