Compass

17 4 9
                                    

          Ako si Rad. Sa paggising ko ay bubungad ang madilim ngunit malawak namang espasyo aking kwarto. Kasabay no'n ay ang inaasahan kong bati mula kay mommy.

          "Good morning, anak!"

          "Good morning din, mommy," tugon ko sabay ngumiti.

          Gawain na niyang ayain na agad akong kumain sa baba at makisalo sa kusina. Si daddy lang palagi ang nandun kasi, wala naman akong kapatid. Inalalayan na akong umupo ni mommy.

          "Mommy, malaki na ako. Hindi mo na ako kailangang alalayan. Kabisado ko naman na yung bahay natin," sabi ko nung pagkaupo ko.

          "Anak, alam mo naman ang kondisyon mo, 'di ba?"

          Iyan ang ayaw ko kay mommy, eh. Bigla niya na lang ipapaalala sa akin ang kondisyon ko. Ang ayoko sa lahat, yung kinakaawaan ako. Nawalan ako bigla ng ganang kumain.

          "Babalik muna ako sa taas, mommy-"

          Patayo pa lang ako pero pinigilan na agad ako ni daddy.

          "Anak, nag-aalala lang naman ang mommy mo. Hayaan mo na lang siyang alalayan ka," rinig kong sabi ni daddy.

          "Pero, sawa na akong alalayan nang parang bata. Inuulit ko, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko," pagtanggi ko.

          "Pero, anak-"

          "Mahal, ayos lang," pigil ni mommy sa sasabihin ni Daddy. "Darating naman si Gui, eh."

          Nawala bigla ang inis ko nang marinig ko ang pangalan ni Gui.

          "Talaga, mommy?" excited kong tanong.

          "Haha! Oo, anak. Tinawagan niya ako kagabi at sinabi niyang dadalaw nga siya rito."

          Sa sobrang pagka-excite ko, kumain na ako kaagad nang mabilis at narinig ko namang mahinang natawa ang mga magulang ko.

          "Hinay-hinay lang, anak! Haha!" sabay inabutan ako ni mommy ng tubig.

          "Pagdating talaga kay Gui, umiiba mood mo, eh. Haha!" si daddy naman.

          Pagkatapos kong kumain, inalalayan na ako ni mommy paakyat sa kwarto ko at inayusan na niya ako agad. Sinuklayan niya ako at nilagyan pa ng gel ang buhok ko. Nilagyan niya ako ng pulbos sa mukha pati sa likod para hindi raw ako matuyuan ng pawis. Bata pa rin ako para sa kanya.

          "Ano kayang mas bagay na damit sa'yo? Eto? Oh, eto?" rinig kong sabi ni mommy.

          "Mommy naman, eh. Alam mong wala akong nakikita. Paano kita masasagot?"

          "Hahaha! Nga naman," at hinubaran na ako ni mommy saka sinuot sa akin ang damit na napili niya.

          Sa pagtayo ni mommy sa akin ay saktong narinig namin ang tunog ng doorbell. Hinala namin na baka si Gui na 'yon kaya, inalalayan na niya ako pababa sa sala.

          "Tita!"

          "Gui!" at binitawan muna ako saglit ni mommy at sa palagay ko, nagyakapan silang dalawa.

          Bumalik na si mommy sa akin at naramdaman kong hinawakan niya ulit ako sa braso.

          "Mas pogi na ang boyfriend mo ngayon! Kita mo naman, narinig lang kanina yung pangalan mo, nag-ayos na siya kaagad! Hahaha!"

          "Mommy naman, ikaw kayang nag-ayos sa akin," nahihiya kong tugon.

          "Hahaha! Ikaw talaga, tita," sabi ni Gui at nilipat na ako ni mommy sa kanya.

Compass [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon