"Minsan akala mo wala na. Minsan akala mo tapos na. Yun pala, hindi pa. Yung ayaw mo na ipagpatuloy yung katangahan mo pero wala eh. Oo, tanga na kung tanga. Ganun ata pag nagmamahal eh. Ang hirap pigilan. Yung kahit anong pigil mo, di mo magawa. Yung kahit hindi tama, hindi pwede at hindi pa ito yung tamang panahon para dito. Sabi nga nila, may perfect timing para dito. Pero kasalanan mo pa ba kung na-fall ka sa di tamang tao at panahon? Hindi naman siguro."
"STAPEEEEEEEEEET!"
Napatigil ako sa ginagawa ko.
"Bakit friend? Maayos naman ah? Pangit ba boses ko? Hindi mo nagustuhan pagpronounce ko sa mga salita? Mali ba grammar ko? Ano? Anong mali? SABIHIN MOOOOOO! Araaaaaaaaaaaaaay!"
Oo, napasigaw ako kasi sinampal niya ako. Huhuhuhu
"Ang OA naman kasi friend! May pa- "tanga na kung tanga" ka pa diyan." *Sabay make face sa akin*
Siya nga pala si Alexie, friend ko. Siya kadalasan kong pinagkwekwentuhan ng mga hinanakit ko pagdating sa "pag-ibig" HAHAHAHA
"Ay wow ha, pasalamat ka nga, ginawan pa kita eh. Kung hindi lang kita kaibigan eh." -ako
Nagpapagawa kasi siya ng mga "hugot" stuff na project "daw" nila. If i know, sasabihin nya lang rin yun sa boyfie niya pero syempre joke lang.
Anyways, I would like to introduce myself. Sorry nakalimutan ko. Haha I'm Meghan Kaye, 16. I can say na hindi ako maganda kasi palagi akong inaasar halos buong batch na nga eh. Haha medyo maitim, and i love to sing and play the guitar. Mahilig din ako magkimkim ng hinanakit sa sarili ko kaya ayan, yan ang dahilan kaya kung ano anong lumalabas sa bibig ko. HAHA
Balik tayo sa usapan namin.
"Sobrang drama naman kasi talaga beh. Wag mo na kasi isipin si Emman! Ayan, kaya ka nagkakaganyan eh. Mag move on ka na nga."
"The hell. Move on na ako and pls stop saying his name. We're done and that's it." - ako
"Oh tingnan mo, move on na daw pero ang bitter ng dating. Mahal mo pa no?" *wink wink* -Alexie
Napaisip ako sa sinabi ni Alexie nung time na yun. Natulala ako. Pero sa totoo lang, lahat ng sinabi ko sa first part, hugot talaga based on experience ko kay Emman. Hay. Bakit ba kasi ang lakas ng tama ko dun sa bestfriend ko na yun.
Wait. Bitter ba yung dating ng sinabi ko kasi di ko matanggap na hanggang bestfriends lang kami or dahil sa mahal ko pa talaga sya?
"Hindi. Hindi ko na sya mahal. At never ko naman syang minahal ah?" -ako
"Ano ba Meg, tama na nga ang pagpepretend at pagdedeny! Grow up. Di na uso yung ganyan. Dapat proud ka sa nararamdaman mo." -Alexie
"Paano naman ako magiging proud sa nararamdaman ko kung pinagmunukha lang rin akong tanga nito diba? And by the way, i know how to grow up but in a different way." -ako
"Owkaaaaaaay. Sige na. Ikaw na panalo. Bahala ka nga diyan. Basta tapusin mo yung pinapagawa ko, daanan ko na lang bukas. Thankiessss! Sige mauna na ako. Byeeeee!" -Alexie
"Sige. Byeeeee." - ako
Pagkaalis niya ay tinuloy ko na yung pinapagawa niya.
"..... hindi mo siguro kasalanan na na-fall ka pero kung nasasaktan ka, kasalanan mo na yun, ginusto mo yun eh...."
"....masakit eh. Oo masakit. Gusto mong kalimutan lahat sa kanya, gusto mo siyang alisin sa isip mo pero.... DI MO MAGAWA."
"....masakit sa feeling na yung taong mahal na mahal mo, hindi kayang ibigay yung pagmamahal na hinahangad mo...."
BINABASA MO ANG
One-Sided
RandomIt's one-sided because we tend to fall in love with people we can't have and that really hurts.