*Alarm rings at 5:00 a.m.*
"Meeeeeeeeg!! Meghan Kayeeeeeeee! Bumangon ka na diyan. Nako, malilintikan ka talaga sa'kin. Kanina pa kita ginigising ah."
*another dose of my daily sermon*
"Haaaa? Hindi ko naman naririnig ma ginigising mo ako eh." -ako
"Aba! Ke- aga aga sinasagot mo ako? Umayos ayos ka ah."
Oo. Umaga pa lang. Kagigising ko pa lang. Walang toothbrush toothbrush. Walang hila-hilamos. Nag-aaway na agad kami ng nanay. Ang sweet niya no? :') kakilig. Mahal na mahal ako. Sa sobrang pagmamahal, gusto na yata ako buhusan ng malamig na tubig para lang bumangon ako agad. Hahaha.
*Pumasok akong badtrip.*
"Hi Meg." greet sa akin ng isa kong blockmate.
"Hey Meg! Badtrip ka ba?" puna nung isa ko pang blockmate
*awww so concerned blockmatesss*
"Ano ba guys, ayos lang ako. Nakakabadtrip lang talaga sa bahay."
*Dumating na si Chancy. At inasar na naman ako nang sobra.*
"Meg oh. Kakulay mo. Omg! Asan si Meg? Nag camouflage?"
Kinompare nya lang naman ako sa baon niyang chocolate cupcake. Lakas din makaasar eh no. Akala mo naman ang puti.
"Ano ba Chancy? Badtrip ako okay? Wag mo na dagdagan please."
Yumuko na lang ako sa table ko kasi hindi ko talaga kayang makipag-usap sa kahit sino kapag nababadtrip ako.
Tapos na ang morning classes namin and then break na. Actually, wala akong ganang kumain eh.
Wala pa rin akong kinakausap hanggang ngayon.
Nakayuko lang ako sa table ko habang naka- earphones at nakikinig sa music.
"Meg!"
"Meg!"
"Meg!"
"Meg!"
"Meg!"
Tinatawag pala ako ni Emman pero hindi ko naririnig kasi naka full yung volume. Hanggang sa may kumalabit sa akin.
"Uy Meg." -Emman
"Uy, Emman, ikaw pala yan. Bakit?" -ako
"Wala lang. Kanina pa kasi kita nakikitang badtrip eh. Ayos ka lang ba?" -Emman
OMFG!! KIKILIGIN BA AKOOO. WOOO. SI EMMAN TO OH KINAKAUSAP AKO.
NO.
BAKA MAG BLUSH AKO BIGLA.
BAKA MAHALATA NIYA EH.
BAKA ISIPIN NIYA NA MAY GUSTO AKO SA KANYA.
"Ah, oo. Ayos lang ako. Badtrip lang talaga ako sa bahay kaya ganun." -ako
"Ah. Sige di ko na muna itatanong kung anong nangyari. By the way, kumain ka na ba?" -siya
Shocks!! TOTOO BA 'TO? TINATANONG NYA KUNG KUMAIN NA AKO? CONCERNED KAYA SIYA SA AKIN? OMG HUHU
Feeling ko may fireworks sa paligid.
Feeling ko may background music kami na When I'm with You
Feeling ko nafifeel kong nagslo-slow motion yung paligid ko
HAYYY ANO NA. ANONG SASABIHIN KO? SASABIHIN KO BA NA HINDI PA OR MAGSISINUNGALING AKO? UGH. MEG. ISIP.
"Ah.. Ehhh.. Uhm.. Hindi pa eh." -ako
WTF bakit ganun sagot kooo. Nauutal-utal. Hay.
"Ay ano ba yan, patapos na yung break oh. Wait lang" -Emman
*pumunta siya sa upuan niya at may kinuha*
"Oh. Pizza. Para sa'yo." -Emman
Ohmygosh!! Bakit ba kasi ang bait niya huhuhuhu. Nakakainis. Huhu
"Hala. Pagkain mo yata yan eh. Bakit mo ibibigay sa akin? No, thanks. Sa'yo na lang. May food pa naman ako." -ako
"Nooooo. Tanggapin mo na. Binigay ko talaga yan para sa'yo :) alam ko kasing badtrip ka. Try mo yan, stress reliever yan." -Emman
WHY OH WHY. KINIKILIG AKO. OMG! FEELING KO AKO YUNG PRINSESANG NATAGPUAN NA ANG PRINSIPE. HAHAHAHA. SA SOBRANG KILIG, FEELING KO NAMUMULA NA AKO. PERO TINRY KO PA RING TANGGIHAN.
"Wag na Emman. Nakakahiya eh. May pagkain pa naman ako. Okay lang." -ako
"Tanggapin mo na pls? I insist. Please? Magtatampo ako sa'yo pag di mo tinanggap." -Emman
Oh-my-geeeeee! He insists. Totoo ba to? Baka panaginip lang to ah. Huhuhu :'''''')
"Osige na. Thank you ah. Ang bait mo naman. Thanks ulit! :)" -ako
"Suuuure. Anytime. :) sige balik na ako sa upuan ko ah." - Emman
Kinain ko na yung pizza na binigay ng feeling ko na knight in shining armor koooo! Hahaha habang kinikilig nang sobra woooo! Enebe nekekekeleg eh. Serre neeeee hehehe
Ang saya sobra. Nakakakilig. Ugh. Nawala pagkabadtrip ko dahil sa kanya. :')
Noon na nagstart ang pagiging close namin at yun na rin ang simula ng pagpapakatanga ko.
BINABASA MO ANG
One-Sided
De TodoIt's one-sided because we tend to fall in love with people we can't have and that really hurts.