CHAPTER 2;SO HE'S A PRINCE HUH?

0 0 0
                                    

CHAPTER 2;SO HE'S A PRINCE HUH?

Hindi ako makapaniwala na ganito kalaki ang lugar ng kahariang pompiere maraming nagtitinda sa gilid at may batang nagtatakbuhan.

Kung tutuusin ay para lang itong merkado sa dati kong mundo pero ang isang ’to ay kakaiba talaga dahil walang malansang amoy na tulad ng dati kong buhay dahil sa isda may iba kasing ginagamitan ng kapangyarihan.

Pumunta naman ako nagtitinda ng mga armas at baril may mga bomba rin ang nakadisplay dito kung bibilhin ko ba ang mga ito ay hindi nila hihingin ang aking id?tss ganyan kasi sa dati kong mundo kung bibili ka ng baril ay dapat may i.d ka.

“Pili lang po kayo.“Nakangiting sabi ng lalaking may katandaan halos kuminang naman ang mukha ng asawa nito habang nakatitig saakin masaya ba sila dahil may bumili sakanila or dahil sa mala diwata kong taglay.

Nahagip naman ng aking tingin ang baril na may ginto sa gilid nito na hugis dragon kung tutuusin.

“Bibilhin niyo po ba ’yan?“Tanong saakin ng matanda ngumiti naman ako ng malambing para may disicount.

“Magkano ’to?“

“Ah!sampung ginto nalang po sa isang magandang dilag na katulad niyo.“

Kinapkap ko naman ang mga bulsa ko halos mapasimangot naman ako dahil wala akong gintong dala sana nanghingi nalang ako sa triplets.

Ngumiti naman ako ng matamis “Nakalimutan ko kasi ang pera ko siguro babalikan ko nalang yan.“

“Wag na ako na ang magbabayad pero may kapalit.“sabi ng isang pamilyar ma boses sa likuran ko at napanganga naman ang tindera sa kanilang natuklasan.

“ANG PRINSIPE!“

Itong lalaking to?prinsipe pala ito?sino ba siya sa mga naikwento ng triplets si caedmoon ba?cydrix?cedric?sino sakanila?

“Pagbati sa susunod na hari ng pompiere!prinsipe caedmoon zeus del-fontaine!“

Ah siya pala yung sinasabi na susunod na hari.

Pero pamilya siya saakin ah?yung kulay ng kanyang buhok at kulay ng kanyang mga mata sobrang pamilyar iwinaksi ko na lamang yun sa isipan ko.

Kita ko naman sa dalawang mata ko ang pagtaranta ng dalawang matanda saka binalot ng tela ang baril na gusto kong bilhin saka inilahad kay caedmoon kinuha niya naman ito saka ako hinila.

Teka bakit siya nanghihila?

Close ba kami?friends?eh ngayon lang kami nagkakilala kidnapper ba siya?pero ano bang mapapala niya saakin?eh siya ang susunod na hari ng pompiere na magiging pinakataas taasang ranggo sa buong kaharian.

Maniac ba ’to?pero for sure hindi niya yun gagawin dahil dapat yung malakas otoridad at maganda maganda naman ako pero ano bang otoridad ko?eh isa lang naman akong hamak na ordinaryo tao mas malakas pa ang otoridad ko sa tunay kong buhay.

“Ano ba!?ganyan ba talaga ang mga prinsipe?nanghihila ng hindi manlang nagpapaalam?“Mataray kong sabi sakanya tinignan niya naman ako ng masama at tanging kuliglig lang ang naririnig dahil nasa kagubatan kami ngayon.

Ngumisi naman siya “Alam mo bang may utang na loob ka chicay?“Sabi ni caedmoon na nakapaglaki ng mga mata ko paano niya nalaman ang nickname ko?!

“How on earth did you know that?“Naiinis sabi ko.

Paano niya nalaman ang nickname ko?stalker niya ba ako?may crush ba siya saakin hindi na ako magtaka dahil sa gandang kong to kaya kong pantayan ang ganda ng mga dughong bughaw.

“Simple lang ako yung lobong initsahan mo ng patalim sa gabing yun.“

Napanganga naman sa sagot niya ano?!siya?!kaya pala pamilyar saakin ang mukha niya.

WEREWOLVES ACADEMY||BOOK 1||TRIAL||Where stories live. Discover now