Chapter Twenty-Three

372 10 2
                                    

"What do you want, anak?" Masuyong tanong ni Vince sa anak namin, nandito kami sa bahay ni Vince ngayon.

Nagtatanong siya kung anong gustong pagkain ni Xy dahil magpapaorder siya.

Gusto niyang sabayan kami kumain dahil isang linggo rin siyang wala. Nalukot ang mukha ni Xy bago sumagot.

"Definitely not you." Masungit na sagot ng anak ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sagot niya.

"Xy!" Saway ko rito. Tinignan niya naman ako na parang ako pa ang nagkamaling sinaway ko siya.

"Ma, pina-cry ka niya, ayaw ko na rin sa kaniya." Ngumuso siya at masamang tinignan ang ama niya.

Napabuntong hininga naman ako tsaka sinilip ang reaksyon ni Vince. Malungkot itong nakatingin sa anak namin ngunit ngumiti naman agad nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

Bumuntong hininga naman ako at humarap ako kay Xy.

"Okay na kami, anak." Hinawakan ko ang braso niya. Ngumiti pa ako ngunit wala talagang talab.

"Kahit na." Ipinagkrus niya ang mga braso niya at umiwas ng tingin.

Lumapit sa amin si Vince na nakaupo kanina sa isang sofa. Lumuhod siya sa harap ni Xy.

"Babawi si daddy, Kale." Hinawakan nito ang kamay ng bata.

"Kahit."

"Kahit madami akong books na dala? Sherlock Holmes Movie?" Panunuyo naman ni Vince.

Napangiti naman ako nang unti unting humarap si Xy kay Vince.

"K, basta don't make mama cry again, okay?" Mukha pa ring hindi siya kumbinsido.

Sunod sunod namang tumango ang lalaki, "I promise, son." Itinaas pa nga niya ang kaliwang kamay niya.

Ngumiti naman ang anak ko at masiglang niyakap ang tatay niya.

Si Vince ang tunay niyang ama. Bago kami umuwi kanina galing sa opisina ay may binigay siyang papel kung saan nakalagay ang DNA test nila ni Xyphere. Isa rin pala ito sa mga inasikaso niya habang wala siya sa amin.

Sobrang saya ko kasi si Vince ang ama niya. Kaya pala magaan ang loob nilang dalawa sa isa’t isa.

Noong makalabas kami ng opisina kanina nung matapos na linisan ni Vince ang mga sugat ko ay parang walang nangyari.

Maayos ang opisina at walang tumitingin sa akin, parang walang nangyaring gulo kani-kanina lang.

Nagpa order si Vince sa isang fast food, spaghetti, fried chicken, burger, at iba pang pagkain. Napakarami nga, hindi naman namin ito mauubos.

"Ang ganda rito, mama." Nakahiga na kaming tatlo sa kama ni Vince. Nasa gitna namin si Xyphere na tumitingin ng mga pictures namin sa Baguio.

Picture ko ito na kuha ni Vince sa Mines View Park.

Nasa gitna ako at may malaking ngiti, maliwanag ang background ko, ang berdeng bulubundukin at ang asul na kalangitan.

"‘Pag magaling ka na anak, pupunta tayo riyan. Tayong tatlo ni daddy." Sagot ko naman sa kaniya at lumingon kay Vince na nakangiti sa akin.

"Opo!" Yumakap sa akin si Xyphere. Napatawa naman ako lalo na nang humigpit pa ‘yon.

Sumilip ako kay Vince, nakita ko siyang nakangusong nakamasid sa amin.

"Si daddy walang hug?" Nalukot ang mukha niya, natawa ako dahil mukha siyang nagseselos.

Tinignan siya ni Xyphere at ngumiti. "Sige na nga."

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now