Rinn University

22 1 0
                                    

•Xyzelle•
~ Make me your aphrodite. Make me your one and only but dont make your enemy, your enemy -

* Tok Tok*

Naputol ang pagkanta ko ng may biglang kumatok. Yung feeling na enjoy na enjoy mo na yung kinakanta mo may biglang kakatok! Nasaan ang hustisya ?!  ̄ 3 ̄

" Ma'am ito na po yung uniform nyo." Sigaw ni manang. Oo nga pala nakalimutan ko kunin yun kay tita. Buti na lng dinala ni manang.

Kinuha ko kay manang yung uniform ko.

Para syang pang korean, ang liit ng skirt.

Naligo ako at nagbihis dahil pasukan na. At baka malate pa ako. Lalabas na sana ako ng may nakalimutan ako, yung glasses ko. Pumunta ako sa harap ng salamin at inayos ang sarili para magmukhang nerd.

Yeah nerd, walalang naisip ko lang atsaka ok narin ito para hindi nila ako masyadong mapansin.

Bumaba na ako para mag breakfast. Pagkarating ko sa dining naabutan ko sila tita na kumakain. Binati ko sila at kiniss sa cheeks.

"Morning ija. Kumain kana at ipapahatid nalang kita kay mang bert." Tumango lang ako habang kumakain ng hotdog.

"Ija bakit ka nakasalamin?" Tanong ni tito james.

Pinalakihan ng mata ni tita si tito james parang sinasabi na maya tayo mag usap.

Napa ohhh nalang si tito james at muling nagbasa ng dyaryo.

Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila na papasok na ako. Pumunta na ako kay mang bert at nagpahatid pero sa may kanto lang ako para hindi nila mahalata na anak mayaman ako.

Dumaan ako sa front gate dahil nakasarado yung sa second gate kaya no choice ako.

Pagkadaan ko sa front gate pinagtitinginan ako at pinagbubulungan. Big deal sa kanila na may nerd dito sa campus nila -.- ang judgemental din.

"Ewww paano nakapasok ang isang nerd dito sa expensive school natin. Like duhh"

"Yeah girl, correct ka dyan siguro scholar sya kaya nakapasok sya dito. How cheap like duhhhh'

At saka sila nagtawanan like duhhh. Eh kung isupal pal ko sainyo itong hawak kong libro like duhhh. -__-

Pumunta na ako sa dean's office para makuha ko na yung schedule ko at yung room ko.

Pagdaan ko sa corridor, as usual pinagtitinginan ako at bumubulong na naririnig ko nman. Nahiya nman daw kasi yung bibig ko sakanila abot na abot dito yung hininga nilang amoy imburnal.

Hindi ko alam  na nandito na ako sa dean's office kaya kakatok nlng ako.

*tok tok*

"Come in" narinig kong sigaw sa loob kaya pumasok na ako. Expected ko na ang principal namin ay matandang dalaga.

And tama nga ako.

"Have a seat Ms. Sy" ngumiti lang ako at umupo na sa sofa na kaharap lang nya.

Hindi naman nagtagal ang usapan namin. Tinanong lang nya ako tungkol sa personal backgroind ko na puro nman kasinungalingan.

Binigay na sa akin ni Mrs. Salvador yung sched ko at dorm key.

Pagkalabas ko ng dean's office may studyante na nagmomodel sa may dingding. Ewan ko lang kung ano minomodel nito, siguro libro.

Nagulat ako ng bigla nyang sinarado yung libro. Nakatitig na pala ako ng matagal sakanya. Oh well medyo gwapo nman.

"Lets go." Tipid nyang salita.
Sumunod nlng ako sakanya dahil parang sumasakit yung katawan ko.

Nilibot lang nya ako sa buong school para malaman ko yung mga pasikot sikot.
Pagkarating namin sa building D which is Literature building namin, biglang nanghina yung tuhod ko at sumakit yung ulo ko.

" Hey are you ok? " Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala ako at hawak hawak yung ulo ko. Then the next thing I heard is tumatawag sya tulong.

"Sh-t"

-----------------♛♕---------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Vampire LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon