Epilogue

369 7 1
                                    

"Magandang umaga." Ngiti niya agad ang unang bumungad sa akin. Hindi ko mapigilang bigyan din ito nang aking matamis na ngiti. Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng halik sa pisnge. "Male-late ka na." Bulong nito sa akin.

I chuckled and patted her head. "Alright." Bumangon ako at kumuha ng tuwalya. Hinagkan ko siya sa noo bago pumasok sa banyo.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari three years ago. Masakit parin ito sa damdamin at parang kahapon lamang ito nangyari.

"Tapos ka na?" Kumatok si Eunice. "Bilisan mo dyan! Ako na susunod!" Sigaw nito.

Napatawa ulit ako. She makes my morning delightful.

Nagmadali akong magbihis. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakatulog ulit ito sa aming higaan.

Hindi ko na siya ginising pa at nag-ayos na para sa lakad ko mamaya. Habang nagsusuklay ay nabaling ang tingin ko sa kalendaryong nakasabit. Nakita ko ang date na may naka circle na red.

Nilagay ko sa lamesa ang suklay at hinagkan muli si Eunice sa kaniyang noo. Alam kong pagod ito kakabantay sa mga bata kaya naman hinayaan ko nalang siya.

May breakfast na, na nakahanda sa lamesa noong ako'y dumating sa dining table. Nagmadali akong kumain at nagsulat ng note para kay Eunice. Maiinis na naman iyon kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam.

"Saan tayo, sir?" Tanong ni manong Goy nung makapasok na ako sa kotse.

"Sa flower shop muna."

"Ah, sa suki niyo po." Tumawa ito at nagsimulang mag drive. Tahimik lamang kaming dalawa habang papunta kami doon. Nagmumuni muni lang din ako habang nakatingin sa labas nang bintana.

Hindi ko maiwasang matanong minsan sa sarili ko. Kapag ba hindi ko pinili ang pagiging duwag noon, may tsansa pa kaya sa aming dalawa? Kapag ba mas nilakasan ko ang aking sarili at harapin ang nararapat, hindi ko kaya mararamdaman ang ganito kabigat na pagsisisi?

"Sir, nandito na po kayo." Ang boses ni manong Goy ang humili sa akin sa reyalidad.

Lumabas ako at agad ko namang nakita ang malaking sign ng flower shop.

Safahara's Garden

Walang anumalya akong pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay nagring ito, dahil doon ay agad akong nabalingan ng atensyon ni Trixie. Kumaway ito sa akin at lumapit.

May hawak hawak itong bata sa kaniyang kamay habang ang isa naman ay may hawak na bulaklak.

"Oh, Denzel bibisita ka na naman ba?" Yumuko siya sa ilalim kung saan nakatanim ang mga bulaklak na kulay pink. "Oh 'yan, boquet mo. Namemorize ko ang schedule sa pagpunta mo dito kaya napaghandaan ko 'yan." Nilagay niya ang isang bulaklak na kinuha niya sa baba at nilagay sa boquet na dala-dala niya.

Kinuha ko ito at sa ganoon ay binigyan ko din siya ng pera.

"Oh heto na naman tayo! Sabi ko di'ba, free lang 'to!" Saway niya sa akin.

Napakamot naman ako nang aking noo. "Baka malugi ka niyan, Trixie."

Tumawa siya. "Ano ka ba! Hinding-hindi ako malulugi!"

"Paano mo nasabi?"

"Dahil nakabantay ang guardian angel ni Michaelo sa amin, di'ba baby?" She pinches the baby's cheeks.

"Pag ikaw nalugi h'wag moko singilin ah."

"Di nga kami malulugi! Si Safahara lang naman ang guardian angel ni baby!" Parang nanggigil ito habang hinahagkan ang kaniyang anak.

I wonder... If she's still alive, would she be happy just like this?

"Ewan ko sa'yo, hindi mo man tatanggapin 'to iyong asawa mo naman ang sasakal sa akin." Pagbibiro kung sabi.

Hindi nagtagal ang usapan namin. Ngayon ay nasa loob na naman ako ng sasakyan.

"Doon parin po ba ang punta?" Maligalig na tanong sa akin ni Manong Goy. Ngumiti ako at tumango.

Ilang minuto ay nakarating kami sa sementeryo. Hindi ko na kailangam pang hanapin kung saan siya nakalibing, dahil pinaggawan namin siya nang sarili niyang libingan, kung saan siya lamang ang nandito.

Nilagay ko ang bulaklak sa harapan nang kaniyang lapida at umupo ako. Sementado naman kaya ayos lang.

"Kumusta?" Humangin nang malakas. Feeling ko iyon ang sagot niya sa aking tanong.

I know, it's silly.

"Alam mo malapit na ang anniversary namin ni Eunice," ani ko, "Hindi ko aakalain na makapagmamahal pa pala ako nang iba bukod sa iyo, Safahara." Hinaplos ko ang pangalan na nakaukit sa kaniyang lapida. "Alam ko, naging duwag ako sa iyo noon. Hanggang sa huling hininga mo ay hindi ko nasabi sa iyo ang totoo." Naramdaman kong may tumulo sa aking kamay. Napatingin ako dito.

Tubig?

"Haha." Tinakpan ko ang aking mukha. Hindi ordinaryong tubig, kundi luha.

"Hanggang ngayon ay masakit parin pala." Dahil ba sa pagsisisi? "At hanggang ngayon, mahal pa din kita, Safahara." Pinahid ko ang aking luha ngunit hindi ata ito tumitigil. "Though I might say, mas mahal ka ng kakambal ko." Pilit akong ngumiti. "Dahil kahit ano, kaya niyang gawin para sa iyo. Hindi tulad sa akin." Humangin ulit.

"Are you trying to comfort me?" Mas dumaloy ang aking mga luha. Sa pagbisita ko dito ay walang araw na hindi ako umiiyak. "Anyways, I'll make sure to cherish Eunice. I love her so much." I chuckled. "The part where I was a coward for you, I'll make it up to Eunice." Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot. "Rest well, Callie."

Namamaga ang aking mga mata pero as usual hindi ako tinanong ni manong Goy kung ano ang nangyari.

Tumigil ulit ang sasakyan at nakikita ko na ang mataas na building. The mental asylum.

I hopped out and saw many nurses and patients scrambling around. The sorroundings are peaceful.

Pumasok ako sa loob. "Excuse me." Kinaway ko ang nurse na nakabantay sa desk.

"Ah! Mister Denzel!" She smiled widely. "This way po."

Alam na alam na nila kung sino ang gusto kong puntahan dito. That makes it less hassle.

Habang naglalakad kami sa hallway ay ang dami kong naririnig na ingay.

"Mamaaa!"

"Hindi kasi ako! Siya! Siya kasi!"

"Palabasin niyo ako dito!"

Sa sobrang ingay ay sumasakit na ang aking tenga. Ngunit noong mas napalapit kami sa silid ay maa umuunti ito.

Napatigil ako saglit ng makita ang pamilyar na pangalan na nakasabit sa isang pintuan.

"Sir?" Binalingan ako ng Nurse. Tumingin naman siya kung saan ako nakatitig. "Ah, si ma'am Jasmine..."

She's not important. So I passed by the door and continued walking again.

Sa wakas ay narating ko rin ang kaniyang mismong silid. Nakita ko naman ang dalawang guard na nakatayo sa gilid ng pinto. Tinanguan ko sila. Binuksan naman nila agad ang pintuan at agad ko siyang nakita.

Nakayuko ito. Ang kagamitan ay kalat na kalat. Mas pumayat ito kesa noon. Noong pumasok ako ay itinaas niya ang kaniyang tingin.

Ngumiti ito nang matamlay. "Denzel..." Tawag niya sa aking pangalan.

I smiled and sat down para magka lebel kami. Halos buto't balat na ito sa sobrang payat. Ang lalim din ng eyebags.

"Anong pinaggagagawa mo sa sarili mo? Bakit ka pumayat?"

Hindi siya sumagot.

I sighed. "Tak care of yourself, Samuel."

His [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon