Vannah's POV
"GUYS! JUST ENJOY THE PARTY!"
sigaw ni Keed
Kasalukuyan kami ngayong nasa isang Private Mini Gymn na pagmamay-ari ng pamilya ni Will. Napakasaya namin sayaw ng sayaw.Konti nalang kami dito dahil nagsiuwian na ang iba.Napahinto kaming lahat ng biglang huminto ang tugtog at nagsalita si Jackee
"Guys! Dahil konti nalang tayo dito why not? Uhm. Count-off tayo!""Sigee!" - sabay sabay na sigaw naming lahat
Nagsimula nanga ang count-off
Umabot na sa bandang likod ang counf off kung nasaan kami nakapwesto ng barkada ang MIGHTY8"17!"Keed - Lokoloko/Gwapo/bf ni Chinne
"18!" Gio - bf kong sikat/gwapo
"19!" Chinne-Isip bata/Maganda/Gf ni Keed
"20!" Heylie- Maganda/Maarte/Gf ni Charlez
"21!" Josh-Genius/Gwapo/bf ni Heylie
"22!" Will-Badboy/Gwapo/bf ni Emerald
"23!" Emerald- Genius/maganda/Gf ni Will.
"24!" Ako-Maganda/Medyo Maldita/Gf ni Gio.Ako na ang last count.
Magsasalita na sana ulit si Keed ng"25!" s-si Gail?!
Nakatingin lang kami lahat sa kanya.
Ba't nandito siya? Knowing na NERD siya at laging binubully"Oh.Bat nandito ang Galis na si Gail?" si Violet ang Bitch sa section namin.
"Bakit? Bawal ba ako dito? Kaklase ko naman kayo ah. Gusto ko lang magsaya!"
Nagulat ako ng sumagot siya.Ni minsan kasi di ko siya nakitang lumaban eh. Kawawa naman siya sana di nalang siya nagpunta.
"Aba! Sumasagot ka? Guys! Tutal nagiging boring na ang party what if?"
Lumingon muna siya kay Gail
Bago ulit nagsalita"Gawin natin siyang laruan" sabay buhos ng alak na hawak niya kay Gail.
Magsasalita na sana ako para itigil ang ginagawa niya pero
pinigilan ako ni Gio."Vannah alam kong gusto mo siyang pigilan pero baka ikaw naman ang pagtripan nila"
Alam kong gusto niya rin pigilan si Violet pero tama siya baka kami ang mapahamak.
Tumango nalang ako.
Ibinaling ko ang tingin kela Violet at laking gulat ko sa aking nakita.Lahat sila ibinubuhos kay Gail ang alak pati narin ang barkada ko na halatang napipilitan lang.
May iba pang sinisipa siya.Namimilipit na siya sa sakit.Napatingin ako kay Gio.
Kumuha siya ng dalawang basong may alak at ibinigay sakin ang isa.Sinenyasan niya akong ibuhos din yung alak kay Gail.
Gusto ko siyang tulungan.
Ayokong gawin to.
Pero baka ako ang pagtripan nila.Papalapit na ako sa kanya.
Nagdadalawang isip parin ako kung ibubuhos ko ba sakanya.
May mga sugat na siya. Ayokong gawin to.Ayoko."Ano ba! Vannah! Ibuhos mo na!"
Tinignan ko lang si Gail.
Nakayuko lang.
Alam kong Umiiyak siya.
Ayoko talaga pero wala akong choice."No mercy! No Mercy! No mercy! No mercy!"
Sigaw sila ng sigaw. Naiiyak ako. Hindi ako bully kaya nakokonsensya ako."S-sorry talaga Gail"
binuhos ko na sakanya yung laman ng bote. Nagsilapitan na naman ang iba sa kanya at pinagtatadyakan siya.
Bugbog sarado na siya at parang naghihingalo na.
Umiyak nalang ako ng umiyakLumapit ako sa barkada
"Guys! Pigilan natin sila!"
Sigaw ako nang sigaw.
"Sorry Vannah. Gustuhin man namin di pwede. Marami sila " si JoshNiyakap ako ni Gio.
Pilit niya akong pinapatahan
Natigil lang ako sa pag-iyak ng mapansing wala ng sumisigaw at tumigil na ang music sa pag-play"A-anong nangyari?" sigaw ni Heylie
"Shiit! Napatay natin siya!"
Whatda? Patay na siya?
H-hindi. Tiningnan ko lahat ng nandito.
Halata sa mga mukha nila ang kaba at takot
Nagtinginan lang kaming lahat.
Sobrang takot na takot ako. Gusto kong mag histerical pero di ko magawa.Napahagulgol nalang ako at naramdamang unti-unti ng bumabagsak ang katawan ko.
Lumalabo na ang paningin ko and then everything went black.