"INTRIGA"

8 4 0
                                    

Ako'y naiintriga
Sa kinaiinisang chismosa
Na kung makapaglabas ng baho ng iba
Ay madali lang para sa kaniya

Ang aking sobrang pagkaintriga
Ay humantong sa pagiispiya
Sa kung ano mang bagay ang ginagawa nya

Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ko
Sa kinaiinisang chismosa
Dahil kung ako mismo na galit sa chismosa
Ay naging isang chismosa

Mga Istorya At Tula Ni Cassandra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon