____
*JEON SUE's POV*
_____
Pagkarating ko dito sa kagubatan ay abala pa rin sila sa pag aayos para sa dinner date namin ni kys bukas ng gabi.
"Sueng wala bang pagkain dyan nagugutom na kami?" Tanong ni drusilla sa akin habang kinababit ang mga ilaw.
"Mamaya na kayo kumain kapag maayos niyo na yan kong bilisan niyo na dyan ng makaligo na kayo sa dagat" Sagot ko sa kanya.
"Paanong bibilisan napakademandeng mo ikaw kaya gumawa nito” Mataray na reklamo ni mavi.
”Akin na yung pera puro kayo reklamo" Malamig kong sabi sa kanya tumawa naman siya.
"Ito naman hindi mabiro ano bang gusto mo lalagyan pa ba namin ng mga petals ng roses ang dadaanan niyo?" Tanong niya.
"Okay sinabi mo kapag wala lang akong nakitang petals ng roses malalagot kayo sakin" Malamig na sagot ko sa kanya.
"Bwisit ka mavi dinagdagan mo na naman ang trabaho natin!! wala ka na ngang ambag dinagdagan mo pa!" Galit na sigaw ni steven sa kanya.
"Ewan ko sayo steven nag suggest lang ako!" Sagot niya dito.
"Puro kayo reklamo kapag yan hindi natapos hanggang mamayang gabi humanda talaga kayo sa akin" Sigaw ko sa kanila nagkatinginan si mavi at steven ng masama.
"Nakabili kana ba ng singsing sue?" Tanong ni ford.
"Hindi pa" Maikling sagot ko.
"Tangina nito pinaayos muna tong pagproproposan mo hindi ka pa nakabili ng singsing!" Mura niya sa akin.
"Parang gago lang wag mong sabihin na hindi ka bibili ng singsing?" Tanong naman ni max.
"Bukas pa ako bibili wag kang excited ford" Malamig kong sagot kahit ang totoo ay nakalimutan ko talaga bakit ba nawala sa isip ko ang bagay na yon paano na lang kung hindi nag tanong tong ugok na to siguro kahiya hiya ako sa harapan ni kys.
"Drusilla sukatan mo siya mamaya sa kamay ibigay mo sa akin" Utos ko sa kanya.
"Bayad kailangan ko ng pera nastress ako kailangan kong mag paparlor mamaya" Mataray niyang sagot sa akin.
"Hindi muna kailangan ng parlor drusilla kiss lang ni steven yan okay na" Pag aasar ni sunny sa kanya.
"Sira ba utak mong sunny ka!!" Sigaw sa kanya ni drusilla sabay palo ng hawak niyang karton.
"Steven kiss muna si drusilla" Pang aasar na sa kanilang dalawa.
"Bahala kayo dyan" Naiinis ng sabi niya sabay lakad paalis.
"Style mo bulok drusilla ayaw mo lang talaga tumulong" Sigaw ni mavi sa kanya.
"Ewan ko sa inyo bahala kayong tumapos nyan!" Ganting sigaw din nito.
"Pikonin pa rin amp" Natatawa na sabi ni ford.
"Ano steven kailan mo balak balikan ang kapatid ko? May balak ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wow pre kapatid na ni drusilla nagtatanong sayo gumawa ka na kasi ng paraan para magkabalikan na kayo" Nakangiting sabi ni kiko.
"Kaya nga si bayaw muna ang nag tatanong mag patulong ka sa kanya" Singit naman ni ford.
"Anong mag patalong ang kapal naman ng mukha niyan baka masampal ko pa yan" Sagot ko nag tawanan naman sila.
"Wala pre ekis sa bayaw" Pang aasar ulit ni kiko.
BINABASA MO ANG
The Last Blood [COMPLETE]
Vampire____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan mahal na nila ang isat-isa ay may hindi na naman magandang nangyari dahil lang sa isang kasinungalingan nanaman ay nasira silang dalawa. Kas...