Kabanata 1

8 3 0
                                    

[Amara]

Minamahal 'kong kapatid kamusta kana d'yan sa pinas? natupad mo na ba ang pinapangarap mo? may nobya kana ba? o may asawa na?

Alam mo ba kuya Samuel simula ng maghiwalay tayo ay labis ko iyon ikinalungkot. Dahil wala na akong kuyang magtatanggol sa akin ng mga panahon na iyon.

Pero parang mapagbiro ang tadhana. Dahil may pumalit naman sa posesyon mo. Naalala mo pa ba ang nangyari sa bakanteng lote? kung saan ay doon natin na hanap ang ating mga tunay na kaibigan.

[1970]

"Amara?"

"Wala sa usapan 'yan, ah!"

"Ano ginagawa mo Nicolas? tumabi ka d'yan at napakayabang ng lalaking 'yan!"

Napatingala ako ng wala ako naramdaman na kahit anong sakit sa aking katawan. "Are you okay?"

Napalingon naman ako sa isang magandang babae ang lumapit sa amin. Walang sabi ay na pakurap ako at napatango na lamang.

"Tayo kayo deyan. It's so dirty."

Kumalas ako sa pagkakayakap kay kuya. At inalalayan ako makatayo ng babae sa pagkakaupo. Sumunod si kuya na nilahadan pa siya ng kamay.

Napadaing ako ng may tumama sa aking noo. "Tarantado ka, ah!"

Nagulat ako ng biglang sinugod ni Nicolas ang lalaking kalbo na bumato sa akin.

Sinuntok niya ito upang mapaupo ang lalaki. Hanggang itong si Alfred ay sinugod naman si kuya ng suntok.

Hindi ko na alam sino ang uunahin sa kanilang dalawa. Sa puwesto ni Nicolas ay pinag tutulongan siya ng dalawang ka lalakihan. Habang kay kuya ay sinugod siya ng isa pang kasamahan nila Alfred.

"How dare you to saktan seya!"

"Huy babae h'wag ka makisali dito. Away lalaki 'to."

Nawala ang atensyon ko sa kanila ng marinig ang mga daing ni Nicolas. Na-abutan ko ito pinag sisisipa siya ng mga kasamahan niya.

"Akala ko ba gusto mo sumali sa amin? E bakit ngayon at parang kinakalaban mo na kami?"

"Walang kuwenta ang grupo ninyo, kung mali naman ang mga ginagawa ninyo," matapang pa nitong sagot.

"Huy mga unggoy! ititigil ninyo o hahagis ko 'to?!" pagbabanta ko at balak ng ihagis sa kanila ang bato na pinulot ko.

"Mga bata ano ginagawa ninyo!"

Nagsitumigil ang grupo ni Alfred at kumaripas ng takbo. "Kaawaan kayo ng Diyos! ano nangyari sa inyo mga paslit? at nasaan ang magulang ninyo?"

Tinulungan ko makatayo si Nicolas na bubog sarado ang mukha pati din ang kuya Samuel.

Lumapit samin sila kuya na inalalayan siya ng babae. Nagsitaasan ang mga balahibo ko ng maramdaman ang paghawak ni Nicolas sa aking kamay.

"Pag bilang kong tatlo tatakbo tayo."

Tumango naman kaming tatlo na ipinagtaka ng ginang.

"Isa...dalawa...tatlo. Takbo!"

Kumaripas kami ng takbo. Narinig pa namin ang sigaw ng ginang na pinapahinto kami.

Nang huminto kami ay tawa kami ng tawa hanggang sa mapagod kami. Tulad sa bakanteng lote ay may isa pang bakante pero puro mga puno ang nasa paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time of warWhere stories live. Discover now