PART 1

27 16 23
                                    

Part 1

"Ouch!" daing niya ng tumayo siya galing sa kama at may nahulog na isang matigas na bakal galing sa kanyang kumot.

"Oh! D*mn! Sh*t! P*tang*na, Ang sarap!" halos hindi niya alam ang sasabihin dahil sa sakit na naramdaman ng kanyang paa. Pa ika-ika niyang itinaas ang kumot sa sahig upang tingnan kung anong klaseng bakal ang nahulog sa kanyang paa.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang isang baril. "What the f*ck! Bakit may baril sa kumot ko?" gulat na tanong niya sa sarili habang hindi alam ang gagawin sa baril na nasa sahig, hanggang sa naramdaman niya na lang na may kung anong enerhiya na tumutulak at kusang nagpapagalaw sa kanyang kamay upang pulutin ang baril.

Kusang gumalaw ang kanyang kamay, wala sa sariling pinulot niya ito at nilagay ng dahan-dahan sa lamesa. Sunod-sunod siyang napalunok matapos maingat niyang nailapag ang baril sa lamesa. Ilang sandali siyang napatulala at nahimasmasan siya ng marinig ang galit na sigaw ng Ama sa labas ng kanyang kwarto.

"Bullet Thana Montexillo, p*tang*na lumabas ka na d'yan sa kwarto mo kung hindi makakatikim ka naman ng sakit sakin!" Napatalon siya sa gulat sa narinig na sigaw ng kanyang Ama kaya mas namutla siya, kakatapos pa lang siyang bugbugin kahapon ng Ama kaya dali-dali siyang nagbukas ng pinto sa takot na baka bugbugin na naman siya ngayong umaga.

"Stop it! Dennizon. Maawa ka naman sa anak natin." Nakita niya kung paano lumuhod at nagmamakaawa sa kanyang Ama ang kanyang payat na payat na Ina habang nakasuot ng puting bestida na may mantsa pa ng dugo.

Ngumisi lang ang kanyang Ama sa kanyang Ina at sinuntok ito, parang tuod siyang nakatayo sa harap ng kanyang Ama habang sinasaktan ang kanyang Ina. Nakita niya kung paano sumuka ng dugo ang Ina, kaya dali-dali siyang lumapit dito at inalalayan.

"Alessia, Alessia, Alessia ilang beses ko bang uulitin na wala akong anak na mahina at pangit!" sigaw nito sa kanyang Ina habang maghigpit siyang nakakapit sa damit ng Ina. Masakit na marinig ang mga masasakit na salita na mismo lumabas sa bibig ng kanyang Ama, ngunit ang mas masakit ay ang makitang sinasaktan nito ang kanyang Ina.

"Anak natin siya Dennizon," nanghihina na sambit ng kanyang Ina kaya tumulo ang kanyang luha, matagal niya nang alam na isa siyang ampon lamang ngunit kahit isang beses hindi iyon ipinaramdam sa kanya ng Ina.

Malakas na sinampal ng kanyang Ama ang Ina kaya mabilis niyang iniharang ang sarili upang hindi matamaan ang Ina ng isa pang sampal.

"Isa lang siyang ampon, Alessia kaya dapat lang na matikman ko siya kapalit ng pagpapalaki ko sa kanya." Humalakhak ang kanyang Ama na parang demonyo, nanginginig ang kanyang buong katawan ng marinig ang wika ng Ama. 'Bakit ko pa kailangan maalala ang pangyayaring gusto kung ibaon sa limot'.

Ni-rape siya ng kanyang Ama habang Binubugbog noong nakaraang buwan, tinangka niyang magpakamatay dahil sa hindi niya na kaya ang lahat-lahat ngunit nagigising na lang siya kinaumagahan sa kama at maayos na nakatulog. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nagtatangka siyang magpakamatay nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hangin at biglang nahihimatay.

"Ohhh! Bigla ko tuloy na-miss ang katawan ng p*tang*na mong anak, Alessia," nakangisi na saad ng kanyang Ama sa kanyang Ina.

"No! Run Thana, please iligtas mo ang iyong sarili!" sigaw ng kanyang Ina habang pilit siyang tinutulak palayo nito, ngunit umiling lang siya sa kanyang Ina, hindi niya kayang iwan ang kanyang Ina sa kamay ng demonyo niya na Ama.

"HAHAHAHAHAHA, Run baby Thana, Daddy is here." Nanginginig siyang umatras ng makita ang namumulang mukha ng Ama habang malawak na nakangisi sa kanya at naka-unat ang dalawang kamay na parang zombie.

"Ako ang harapin mo Dennizon!, Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo magawa ang masama mong plano sa anak ko."

Tumigil ang kanyang Ama at natakot siya sa ipinakitang ngisi ng Ama sa kanyang Ina, sa isang iglap lang nakita niya ang Ina na nakaluhod habang nakahawak sa tagiliran kung saan ito sinaksak ng Ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon