"Mali yang ginagawa mo, kaya ang pangit pangit tuloy ng Belen eh. Di naman yan kamukha ni Mama Mary. Parang si Pontio Pilato yan eh!"
Huminga siya ng malalim. Hindi niya sigurado kung pang ilang buntong hininga niya na yun. Kasi naman tong walang kwentang Calloway na to, walang ginawa kung hindi punahin ang ginagawa niya. Buti ba sana kung may ambag ito sa ginagawa nila eh wala naman.
Teka, meron pala. Bunganga nito. Dahil sa walang tigil na panlalait at pamumuna sa ginagawa nila. Bakit ba kasi pinasama pa to sa kanila ni Sir Monterroyo, nang iinis lang naman si Calloway.
"Pwede ba Calloway, kung walang lalabas na matino diyan sa bibig mo, tumahimik ka na lang? Nakakagulo ka kaysa nakakatulong kung di mo nahahalata."
Napikon na siya eh, mantakin mong 2 oras na silang nag gagawa at ganoon na rin katagal dumadaldal ito. Di na niya kaya.
"Odette, bakit ka naman naiinis sa angelic voice ko? Tsaka criticism yung binibigay ko."
Criticism? Criticism?!!!!
"Di naman constructive kaya tumigil ka. Ikaw na lang gumawa kung feeling mo mas magaling ka." paghahamon niya rito.
"Bakit ako gagawa? Eh nandyan ka naman. Kaya nga ikaw yung nagawa eh."
"Eh di tumahimik ka nga!!!!!!"
Nangigigil na talaga siya dito. Nakaka bwiset ang istura ng pagmumukha nito. Kaya binato niya ito ng pain brush.
Sa lakas ng pagbato niya, tumama yung paint brush sa mukha nito pababa sa white uniform nito. Napangiwi siya sa mantsa ng red pain sa damit nito, may fraction ng utak niya ang na guilty ng slight, pero slight lang yun. Dahil wala pang isang minuto, pinahiran na rin siya ng pintura sa mukha. Blue naman. Hindi na siya nakapag isip kaya binato na uli ito ng paint brush hanggang sa parang wala nang malinis na parte sa uniform nila. Nakatitig lang sila sa isa't tapos lalapit pa sana siya dito para sa round 2 pero may humila na sa kanya. Si Red.
"Ody tama na" Mahina nitong sabi sa kanya. Para naman siyang natauhan. Napatingin siya sa paligid at lahat ng classmate nila sa kanila nakatingin, yung iba tumatawa yung iba shocked ang mukha.
Si Calloway, ayun, inis na inis na nakatingin sa kanya.
Magsasalita pa sana ito pero may nauna nang magsalita sa kanya
"Calloway, Odette, come to my office. Now!"
Napangiwi siya nang marinig ang boses ng prefect of discipline nila.
Community service ata ipapagawa sa kanila. Lalo siyang nagngutngot sa inis. Ang dami na niyang ginagawa tapos dadagdag pa to. Lumingon siya kay Calloway at tiningnan ito ng masama. Nahuli naman ng lalaki ang tingin niya.
"ano?!" aba tong lalaking to, ito pa may ganang magalit? Eh ito nga may kasalanan kung bakit sila nasa ganong sitwasyon.
"Pwede ba Calloway, isarado mo yang bibig mo na wala nang sinabi na maganda."
Lumingon sa kanila si Sir Cadorna. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa sila bumulagta.
Hindi niya talaga mapigilan ang inis na bumabalot sa kanya kapag kausap niya ito. Siguro we are all destined to meet someone who will bring out the worst in us. char! Pero kidding aside, hindi niya talaga kung ano ang meron dito.
Nakarating na sila sa prefect's office at umupo silang dalawa sa opposite na table ni sir Cadorna.
Kinakabahan na talaga siya dahil hindi pwedeng mabahiran ng masama ang record niya sa school. Magiging nurse pa siya at doctor. Nanlilisik ang mata na tiningnan niya si Calloway. Pinanlakihan siya nito ng mata nang makita ang masama niyang tingin dito. Aba itong bwisit na to. inirapan niya ang lalaki at binaling ang tingin sa kay Sir Cadorna.Hinihilot ni Sir Cadorna nag sintido nito. "Di ba kayo titigil? Para kayong aso't pusa ah?!"
Nang marinig yon ay sabay pa silang nagsalita ni Calloway para sisihin ang isa't isa.
"Eh si Calloway—"
"Eh si Odette—"
"TUMIGIL KAYO! Ang tatanda niyo na, ano ba kayo? Kung umasta kayo para kayong mga bata. Baka magkaaway kayong dalawa sa previous life niyo kaya ganyan kayo ano?'
Napaamang siya sa sinabi nito. Napangiwi lang siya, aba, nakakapagod naman makipag away kay Calloway kung ganon, di ba nagsasawa ang kaluluwa niya na makipag away dito sa lahat ng naging buhay niya?
Magsasalita pa sana ito nang dumating ang prof nila sa Filipino at adviser ng Theatre Club, si Ma'am Delara. Di na siya nagulat, dahil mag bestfriend si Sir Cadorna at Ma'am DeLara. Pero alam naman ng lahat na bagay ang mga ito pero parang ang mga guro niya ang in denial.
Di kayang i acknowledge ang feelings for each other?! She wouldnt want to be in their shoes. Sounds complicated. Yung gusto niyo ang isa't isa tapos pipigilan niyo lang ang feelings niyo?"Buti dumating ka na Ma'am Delara, ano nga yung sinasabi mo na pwedeng kaparusahan ng dalawang to? Mukhang di nadadala sa community service eh" Napapailing na sabi ni Sir Cadorna.
Kumislap naman ang mata ni Ma'am Delara at nasisiyahang nakatingin sa kanila, siya naman ay nagtataka kung ano pa ang pwedeng ipataw na parusa sa kanila, paano, sa ilang beses na nag community service sila nag aaway lang din sila ni Calloway. Paano, siya ang naglilinis tapos eto eh prenteng nakaupo? Aba hindi naman pwede yun!
"So, alam niyo namang Pasko na next month and we are expected to produce a skit/play/musical." Bigla siyang napatingin sa guro niya. Mukhang alam niya na ang gusto nitong i-punto.
Kahit nang mapatingin siya kay Calloway ay nakikita niya ang panic sa mukha nito.
Leche ka ha, may takot ka rin pala
While siya ay siyempre ayaw niya rin namang mag participate sa ganito dahil may stage fright siya pero kaya naman niya siguro.
Sinasabi mo diyan Odette?!
Siyempre eme eme niya lang yun. Kung nandyan na, bakit di niya kakayanin.
Ready yarn lagi?!
Kung ano ano ang pumapapasok sa isip niya eh di pa nga siguro kung ano ang pinupunto ng teacher niya
Assumera yan girl?!
"So, dahil kailangan niyo raw ng punishment, kayo ang gaganap na Mama Mary at Joseph"
Sabay silang napangiwi ni Calloway.
Mama Mary?! Oo nga at ineexpect niya nang kukuhanin silang artista sa palabas para sa Pasko pero hindi naman niya inaasahan na Mama Mary?! Baka tinitingnan na siya ni Mama Mary ng masama ngayon from Heaven. Sorry po! Di ko ginusto.
"Alam mo Ma'am Delara, gets ko yung ako gagawin mong si Joseph pero si Odette?! Mama Mary?! Aba teacher baka malasin tayo!"
Aba talaga ayaw naman papigil ng bibig neto
"Tingin mo si Joseph happy na ikaw gaganap sa kanya?!" Di niya na napigilan. Nagtitinginan sila ng masama nang bigla na lang sumigaw si Sir Cadorna.
"Aba talaga't ako eh ginagalit ninyo! Yan o maglilinis kayo ng 3 buwan?!"
"Ho?!" Sabay pa nilang sigaw ni Calloway.
"Pumapayag na po ako" bago pa siya nagsalita ay nauna nang pumayag si Calloway. Tinaasan niya ito ng kilay. Mukhang kinakabahan ito.
Aba aba aba, alam ko na ang weakness mo Calloway! Lagot ka sakin!
"Pumapayag na rin po ako" at ngumiti siya ng pagka tamis tamis. Kahit si Calloway ay nginitian niya.
Nakatingin lang ito ng masama sa kanya.
"Great! Start na tayo ng practice next week!"
She'd rather star on a play or musical than do community service for 3 months kasi panigurado siya lang din maglilinis tapos buhay prinsipe si Calloway.
What could go wrong?
BINABASA MO ANG
Unloving Mr. Wrong
RomanceLoving him all her life from afar has never bothered her. Okay na sa kanya yung alam niyang hindi ito mawawala sa tabi niya, hindi man siya mahalin nito, at least alam niyang isa siya sa constant sa buhay nito. Pero hindi ibig sabihin nun eh hindi n...