Simula

17 0 0
                                        

📍 Demetria

"May nanghihingi ng number mo sa akin doon sa kanto kaso 'di ko binigay, chakarat e"

"Pasmado talaga ng bibig mo" sabi ko sabay inom ng samalamig na inilibre niya mula sa isang foodcart na pinagbilhan "Baka nilait lait mo pa harap-harapan?" tanong ko, nakakaawa naman kung ganoon nga dahil may pagkapasmado ang bibig nito

Kasalukuyan kaming nanunuod ng liga. Buwan ng abril ngayon kaya panahon ng liga sa bawat barangay. Maraming tao rin ang dumayo kaya malakas ang street foods kahit saang sulok dito sa lugar.

"Bakit ibibigay mo ba? May kinakabaliwan ka 'di ba?"

"Tss... text text lang naman" Naalala ko si Hudson. Isa sa kinahuhumalingan ko sa text.

"Nagmeet na kayo? Baka chakarat din?"

To be honest hindi pa. May itsura 'tong kalandian ko, nakita ko sa fb niya. Nakita niya rin naman ako sa picture pero puro naman filter mukha ko doon kaya wala akong confident makipag meet up kahit na ba niyaya na niya ako. Shot daw sa kanila. Iniisip ko nga basta may alak, may balak e. Charot lang.

"Gwapo 'yon, ako pa ba? Panget na nga ako, panget pa pipiliin ko? Syempre pipili na rin ako ng gwapo para gwapo maging anak ko kung madisgrasya di ba? Syempre hindi naman kami magdadasal lang sa relasyon namin"

"Wow advance mag isip, Demi. Nasa exciting part ka na agad ng sex life mo kahit 'di ka pa niya nakikita"

"Syempre naman Iriah"

"Do you think he really likes you? That genuine?"

Napaisip ako sa tanong niya. Sa totoo lang, confusing. Hindi pa naman kami nagkikita e. Text and calls lang whenever available kami para sa isa't isa. He's good & caring with his words. Has a good humor.

"I'm not sure. And to be honest, I don't invest too much love. Talo ako kung hindi nya ako magustuhan sa personal"

"Magkaroon ka rin kasi ng confident sa sarili mo, hindi ka naman ganon kapangit pero hindi ka rin naman mas maganda sa akin"

Narinig naman ang pagtatapos ng ikatlong bahagi ng basketball game. Dikit ang laban at talagang mainit na ang bawat kupunan. Kaninang kakaumpisa palang ay may muntik ng may magsuntukan, naawat lang agad.

"Dumi maglaro ng isang 'yon"

"Bulag kasi yung referee e, nagpapacute sa muse ng kabila"

Parehas na reklamo ng mga kaibigan na kasali sa laro.

"Bawian mo nalang kung 'di nakatingin ang referee" nasabi ko

"Tama si Demi, h'wag papasapaw"

"Iriah sumama ka pala, akala ko ayaw mo manuod" aniya ni Jacob, ex ni Iriah.

"Hahanap lang ng potential boyfriend" irap ng kaibigan. Kanya kanyang tawanan ang nangyari.

"Tapos ano, out of nowhere i-dump mo? Nah. Magkulong ka nalang sa kwarto, mananakit ka na naman e"

"Huh? Problema sa inyong mga lalaki e, gagawa kayo ng kasalanan tapos pag nagalit kaming mga babae, kami pa yung baliw. Sasabihan na ang childish not knowing your stupid actions hurt us. Get your life, papansin. Bitter. Matalo sana kayo!"

Here we go. Napa facepalm nalang ako. Tinanaw ko nalang ang nagwalk na kaibigan kasunod ang isang kaibigan pa.

The Girl Before The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon