December 23, 2015
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko hinabol ang taong nang-gago sakin. Ay mali, nang-ga-gago pala. Ay mali ulit, hindi na nga pala kami. Ha ha. Masyado mong niloloko ang sarili mo, Yana.
Bigla bigla nalang pumatak ang mga luhang kanina pa na nagyayaya na makipagkarera sa isa't isa.
"Hija anak, umiiyak ka na naman ba?"
Si mama, mas lalo akong naaawa sa sarili ko kapag nakikita kong nasasaktan din siya. Pinilit ko nalang na magpakatatag pero hindi ko pa talaga kaya. Hindi nalang ako sumagot at sa halip ay sumenyas nalang ako na lalabas ng bahay. Napagpasyahan kong pumunta sa park ng village.
Bes, sure kana ba? Masarap na ba luto ko?
Manang, gising na po ba si Nate?
Hija, bumalik ka nalang. Tulog pa si Nathaniel eh.
Manang, okay lang po. Isusurprise ko lang po siya. Hihi.
Hijaaa. .
Nate! Hap- - -
Hindi ko namalayan na umuulan na pala dito sa park. Umuulan ng luha.
Nate, sorry please. Okay pa naman tayo diba?
Kakalimutan ko nalang yung nakita ko, please nate. I can't afford to lose you. Please.
"ANG TANGA MO YANA, ANG TANGA-TANGA MO! IKAW NA NGA YUNG NILOKO, IKAW NA NGA YUNG GINAGO, IKAW PA YUNG NAGSOSORRY. YUNG TOTOO, MAGKANO SWELDO NG TANGA?!" Hindi ko namalayan na napasigaw na pala ako. Wala akong pakealam sa itsura ko ngayon dahil hindi naman nun mababago kung anong nararamdaman ko ngayon. Ano na nga ba'ng nangyari sakin? One week na akong halos mamatay sa pag-iyak at pagmamakaawa sa kanya. Tama na siguro yun para sa pagiging tanga ko sa pag-ibig.
"Miss, panyo oh. Libre mo nga ako, malaki ata ang kinikita ng pagiging tanga eh."