A Diary For Him - page 3

1 1 0
                                    

Dear diary,

Nag meet kami sa isang restaurant, gusto ko kasi kumain. Habang naghihintay ako sa kanya umorder na'ko ng pagkain ko. Siya nalang mag order ng sakanya libre ko naman eh. Pero yun na nga dumating na siya at apaka gwapo niya! Ang ganda ganda ng suot niya at siyempre sa'kin rin. Pinaghandaan ko 'yon noh.

"Gusto kita." sagot ko na naka baba ang aking ulo. Nahihiya ko. Nahihiya akong makita ang reaction niya. Nahihiya ako na baka rejection lang ang matanggap ko pero ganon naman talaga kapag nag co-confess ka diba? It's either gusto karin nila oh hindi. Ganon lang 'yon.

Tinawanan niya ko sabay sabing, "iyan ba ng dahilan ba't mo'ko niyayang kumain? Pero Ellaine sorry, may girlfriend na'ko."

May pumasok na babae sa loob. Itinaas ko ang ulo ko para makita kung sino siya. Lumapit ito kay J bago sinabing "babe pwede umuwi na muna tayo? Ang sakit ng tiyan ko eh"

Tumingin siya sakin at tumango nalang ako para payagan na umalis sila. Nung nakaalis na sila natulala nalang ako bago umuwi para umiyak.

Ha? Girlfriend? Ang alam ko wala pa ah. Ano ba 'yan Ellain ang tanga mo. Ang tanga tanga mo. May jowa na pala yung tao bago ngayon molang sasabihin yung nararamdaman mo. Apaka tanga mo para doon.

*pause*

Itinigil ko muna ang aking pagsusulat.

Tangina. Naiiyak ako. Naiiyak ako kase may iba na siya. Isang linggo palang daw sila pero ayoko namn hadlangan yung pagmamahalan nila kahit na isang linggo palang.

Isang linggo. Isang linggo na may minahal na agad siya pero ako? Kahit isang araw hindi ko magawa na makuha siya. Naiinggit ako. Naiingit ako hindi dahil sa may jowa na siya. Pero naiingit ako dahil nakuha niya na ang ka isa isang lalaki na minahal ko ng buong buhay ko.

Nakakainggit.

You are hers but me? When you will be mine?

-Ellaine na walang pag-asa

A Diary For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon