Nag si akyatan na ang mga estudyante, wala pa akong nakikitang old student at kilala ko...
Habang nag aantay na may dumating na kakilala ko, bigla akong kinausap ni Ram
Ram: uy, sa palagay mo ba ayos kaibigan yung tatlong yun? Or parang kakaiba? Kaibiganin ba natin or wag nalang? Para kasing... di naman sa judgemental ako pero parang....
Di ko na siya tinapos mag salita, alam ko na sasabihin niya
Ako: Mahangin? Oo parang nga, pero let's give them a chance na ipakilala nila ang sarili nila sa atin ng totoo, wag mo muna pansinin yung introduction nila kanina...
Halos lahat ng dumating na student, nag punta na sa mga room nila, bukas na pala ang daanan, di namin napansin, tumayo na ako at tinapik si Ram para sumunod saakin para pumasok na sa Room namin
.
.
.Pero nang patayo na si Ram, biglang may nag salita, ...
Girl: Hi! Ako nga pala si Czarina De Guia, anong pangalan niyo?
Mag sasalita na dapat si Ram pero biglang may nagsalita pa
Girl 2: ako naman si Czarline De Guia, Kakambal ko siya ( sabay ngiti saamin )
At doon na nag salita si Ram
Ram: Ako si Ram Rosario
Ako: ako naman si Miguel de Pablo, nice to meet you!
Nakipag kamay naman kami sa kanila, mukha namang mababait sila, ..
At biglang may narinig kaming parang nag dabog, yun pala tumayo si Casey sabay bagsak ng bag niya, hindi naman malakas na bagsak, sapat lang para gumawa ng ingay, tapos inirapan niya sila Czarina at Czarline, ....
Casey: Let's go girls, may Bad Vibes akong nararamdaman
Tumayo naman sila Kim at Shainna
Naglakad sila paalis, pupunta na siguro sa room nila, pero nang padaan na sila kala Czarina, narinig kong binulungan ni Casey sila Czarina
Casey: Loser....
Kita ko sa mata nila Czarina at Czarline ang pagtataka kung bakit sinabi un ni Casey,....
Czarline: sino yun? Tayo ba yung binulungan?
Czarina: Hindi ko rin ala.....
Pinutol ko nalang ang sasabihin niya
Ako: wag niyo na pansinin yun, baka kumakanta lang, wag niyo nalang pansinin
Tapos niyaya ko na silang pumunta na sa room namin
Magkaka sama kaming nag lalakad sa Hallway, tapos tinanong ko sila kung anong room sila, at nalaman ko nalang na mag kaka klase pala kaming apat..
Sigurado akong masaya toh, kasi may mga kaibigan na agad ako,
40 students ang estudyante kada room, kaya 35 nalang ang di ko kilala, sino kaya mga kaklase namin? Sana mababait sila hehe...
To be Continued.........
Don't forget to vote and leave a comment!!
BINABASA MO ANG
That person you call "Bestfriend"
RandomHi! Ako nga pala si Miguel De Pablo, grade 9 na ako sa pasukan, lagi naman akong nasa Cream Section dahil may angkin naman akong talino, pero, simula ng maaddict ako sa computer games, nawalan ng contact sa mga tao sa paligid, yung para bang wala ak...