Prologue

4 1 0
                                    

     Kakauwi ko lang sa bahay dala-dala ang  labintatlong pirasong punit na mga papel na napulot ko galing sa eskwelahan. Aaminin kong medyo kinikilabutan ako. Bakit? Hindi ko rin alam.

     Someone's pushing me to puzzle it. Wala namang mawawala kapag inayos ko ito. Baka answer key pa namin ito sa exam bukas.

     Pero parang pangsinauna na itong mga papel. Bahala na. Kumuha muna ako ng tape para maidikit na itong mga papel.

    Hindi ko pala nasasabi na kapag may namamatay  sa school ay 'yun din ang mga oras na nakikita ko ang bawat piraso ng papel.

    Creepy right? Wala naman sigurong kinalaman dito ang pagkamatay ng mga estyudyante at teacher sa school.

     Malapit ko nang maayos itong papel at medyo excited at kinakabahan din ako. Weird 'di ba?

     At salamat naman dahil tapos ko na itong papel at sinimulan ko na itong basahin.

Dear Kazandra,...

    Wait, ba't kapangalan ko ito? Wow ha, famous ang name ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa.

    Unti-unting pumapatak ang butil ng mga pawis sa aking noo. Nanlalamig ang aking buong katawan  habang binabasa ang nakasulat sa papel. Unti- unti din akong naliliwanag at hindi makapaniwala sa aking nababasa. Takot at kaba ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.

...tulungan mo ako Kazandra.

Nagmamahal,
K

At biglang dumilim ang aking paningin at nawalan ng malay sa aking higaan.

Unpuzzled LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon