Chapter 1

6 1 0
                                    

     "Tanya, please pumasok ka na sa school", pagmamakaawa ko sa aking matalik na kaibigan mula sa labas ng kaniyang kwarto dahil naka lock ang pinto.

     Mag-iisang buwan na siya nung huli siyang pumasok. Walang nakakaalam ng dahilan kung bakit siya nagmumukmok. Maayos naman siya nung magkasama kami nang mga oras na iyon, maliban na lang nung uwian dahil nauna na siyang umuwi.

     Nanibago ako nun kasi palagi kaming magkasabay pumasok at umuwi. Tapos nalaman ko na lang kay Manong Guard na nakauwi na pala siya.

      Magkalapit lang ang aming bahay kaya araw-araw ko siyang binibisita at nagpupumilit na pumasok na. Tanging ang nag-iisang katulong nila na si Aling Marta ang nakakapasok sa kwarto niya, dahil kapag ang mga magulang nito ang pumasok ay nagsusumigaw ito at tinatapon ang mga gamit sa kaniyang kwarto. Yun ang nakakapagtaka.

     Running for valedictorian siya kaya sayang talaga kapag hindi na siya pumasok. We promised na we will finish our studies together.

    "Iha, pumasok ka na, wala na talagang pag-asa na  ipagpatuloy ni Tanya ang pag-aaral niya", sabi ni Aling Marta kaya nagpaalam na ako at umalis.

      Pagkapasok ko sa classroom ay sinalubong ako kaagad ni Arthur. Isa rin siya sa mga matalik kong kaibigan. Pero mas matagal kaming magkaibigan ni Tanya kaysa sa kaniya dahil Grade 7 lang kami nung nakilala namin si Arthur.

      Marami ang nagkakarandarapa sa kaibigan naming si Arthur, matangkad, moreno, varsity player ng basketball team ng school, may sense of humor at siyempre gwapo. Hindi maipagkakaila ang ganda ng mata nito na kulay brown.

      Ilang babae na ang nireject nito. Ewan ko nga ba, may gusto raw siyang babae, hindi niya naman sinasabi sa amin ni Tanya kung sino.

      "Kumusta na si Tanya? 'Di pa rin ba siya papasok? Last sem na natin ito oh", sabi nito.

      "Hindi pa rin siya lumalabas ng kaniyang kwarto. Hindi nga siya makausap ng maayos. Naaawa na talaga ako sa kaibigan natin."

    "Baka may pinagdadaanan si Tanya tapos hindi lang siya nag-oopen up sa atin."

     Palaisipan talaga sa akin bakit si Aling Marta lang ang pinapapasok niya sa kaniyang kwarto. Kaibigan niya naman ako tapos parang hindi niya na ako kilala nung pumasok ako sa kwarto niya nung unang linggo na hindi siya pumasok.

     "CR muna ako ha", paalam ko kay Arthur.

     "Sige, balik ka kaagad ha, baka papunta na yung teacher nating strikta, hahaha."

      Pagkapasok ko sa CR ay dumiretso ako sa unang cubicle dahil wala namang tao. Tapos may napansin akong punit na papel na hinangin papunta sa cubicle ko. Pinulot ko na lang ito at pinasok sa aking bag.

      Bumalik kaagad ako sa classroom at buti na lang wala pa yung striktang Science teacher namin. Dumiretso na kaagad ako sa aking upuan. Hindi kami magkatabi ni Arthur dahil alphabetical yung seating arrangement namin.

      Nataranta kaming lahat nang biglang tumunog ang fire alarm, iniwasan naming magpanic at lumabas na ng classroom at dumiretso sa covered court.

     Nagkaroon daw ng sunog mula sa Science laboratory dahil sumabog ang isang chemical.

    "Students, stay calm", sabi ng aming principal. "May masama akong balita sa inyo. May sumabog na chemical sa Science laboratory at sa mga oras na iyon ay nasa loob si Ms. Herlyn", nagulat kami sa aming narinig, si Ms. Herlyn ang aming Science teacher.

     "Dead on arrival siya dahil sa mga chemical na napunta sa kaniyang katawan. She's one of the best teacher here in our school." Madami pang sinabi si principal.

      Pagkatapos nung nangyari ay nawalan ng gana ang mga teachers na magturo sa araw na 'yun. Kaya imbis na mag stay kami sa classroom ay dumiretso kami ni Arthur sa canteen dahil kanina pa raw siya nagugutom.

      "Grabe yung nangyari noh, kahit strict 'yang si Ms. Herlyn eh magaling magturo niyan", sabi pa niyo habang nginunguya yung kinakain niyang fries.

      "Oo nga eh, ano bang ginagawa niya sa Science lab, eh dapat di ba, nasa classroom na siya nun ng mga oras na 'yun", sabi ko na may tonong pagtataka.

     "Baka may kinuha", konklusyon niya.

      Malapit nang mag dismissal pero nandito pa rin kami sa canteen, kaya nagdesisyon muna ako na pumunta sa library. Inaya ko siya pero ayaw niya dahil pagod ito. Ano bang ginawa nito, hayst.

      Mabuti na lang dahil nandyan ang librarian tapos may isang babaeng estyudyante na nagbabasa sa may dulo. I need to borrow some history books kasi mag aadvance study ako.

      "Ahm, hihiram po sana ako ng libro, dito ko lang po babasahin sa library", pagpapaalam ko sa librarian.

     "Ay iha, hindi pa pwedeng gumamit ng libro sa ganitong oras, balik ka na lang dito mamaya", nagtaka ako sa sinabi niya.

     "Pero, Ma'am, may estyudyante pong nagbabasa dun sa dulo", turo ko kung nasaan ang estyudyante.

      "Wala naman iha ah. Wala pang pumasok kanina dito mula kaninang umaga", sabi nito at tinignan ko kung saan ko nakita ang babae kanina at wala nga ito. Sigurado ako sa nakita ko na may babae talaga dun. Bakit nawala?

      "Sige po, babalik na lang po ako bukas. Salamat po", paalam ko at lumabas na.

       Sigurado talaga ako sa nakita ko kanina. Imposible namang may pintuan dun para doon siya lumabas. Nag-iisa lang ang pintuan sa library sa school. Pagkarating ko sa canteen ay agad na ikinuwento ko kay Arthur ang nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unpuzzled LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon