Prologue

336 6 6
                                    

PROLOGUE

"Zouie…" rinig kong bulong sa akin ni April kaya agad ko itong sinenyasan na manahimik.

"Sshh." 

Oras ng klase namin ngayon sa Calculus at kanina pa ito bulong ng bulong sa akin. Buti nga, hindi siya nahuhuli ni ma'am na kanina pa nagdi-discuss sa harap.

"Ano ba naman kasi 'to, ang boring ng klase. Gusto ko nang umuwi." Bulong niya pero hindi ko na ito pinansin pa.

Ayaw kong mapagalitan ni ma'am kaya kahit anong bulong nito sa akin ay hindi ko sinasagot. Hinahayaan ko na lang siyang magsalita at magreklamo sa tabi ko. 

“That’s all for today, class. Goodbye.” sabi ng aming prof at agad na lumabas. 

"Finally!" sabi ni April at agad na tumayo.

Mabilis ko namang inayos ang aking mga gamit at agad na lumabas. Pagkalabas ko ay wala pa si Hance kaya alam ko na mas naunang natapos ang klase namin kaysa sa kanila.

“Zouie!” tawag ng kung sino sa akin kaya agad ko itong nilingon. 

Pagkalingon ko ay agad kong nakita si Yumi na kumakaway sa akin habang malaki ang ngiti. Kinawayan ko naman siya at nginitian pabalik. Tumakbo siya palapit sa akin at muntik pa akong matawa ng muntik na itong matalisod.

“Oh, hi Yumi. What’s up?” tanong ko sa kanya ng siya’y makalapit sa akin.

Agad naman niya akong inakbayan at nginitian.

“Pauwi ka na ba? Tara, sabay na tayo.” sabi niya sa akin kaya naman napangiwi ako.

Ilang beses ko na sa kanyang sinasabi na palagi akong may kasabay tuwing uwian pero palagi niya atang nakakalimutan. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin iyon ulit ngayon lalo na nang makita ko ang masaya niyang mukha. 

Hays, bahala na nga!

“Sorry, Yumi. May kasabay na kasi ako e. Alam mo naman, palagi kaming nagsasabay ni Hance tuwing uwian.” sabi ko sa kanya kaya nama’y agad siyang nalungkot.

Napakagat tuloy ako sa aking labi nang makita ang kanyang reaksiyon ng dahil sa sinabi ko. Napabuntong hininga na lang tuloy ako at inakbayan siya ng maisip ang isang ideya.

“Pero… kung gusto mo ay sumabay ka na lang sa amin.” sabi ko at nginitian siya pero nagpout lang siya.

“Hindi na, Zouie, nakakahiya. Akala ko kasi, wala kang kasabay ngayon kasi nag-iisa ka.” sabi niya at napabuntong hininga siya.

“Mas nauna lang natapos ang klase namin kaysa sa kanila kaya mag-isa ako ngayon.” sabi ko sa kanya kaya nama’y napatango tango naman siya.

“Ah, ganun ba. Sayang talaga! Oh sige, una na ako ah. See you tomorrow.” sabi niya at agad na umalis.

Kinawayan ko na lang siya at pinanood ang paglalakad niya paalis. Transferee si Yumi noong nakaraang linggo at nagulat na lang ako dahil ako lang ang palagi nitong dinidikitan. Ako kasi ang napagtanungan niya nung unang araw niya dito dahil hindi niya mahanap ang kanyang room. Simula nun, ako na ang naging kaibigan niya. Magkaiba kami ng section pero ako lang ang kaibigan niya.

Weird diba?

But… she’s actually a nice, kalog, and smart person that’s why, I like her. Hindi ganoon kahirap maging kaibigan siya dahil mula nang kausapin niya ako, agad kaming nag-click as a friend because we have the same vibes. 

“ZOUIE!” gulat sa akin ng kung sino kaya agad akong napasigaw.

Narinig ko naman ang kanyang halakhak kaya napapikit ako ng mariin. I swear, sasakalin ko talaga itong lalaki na ito kung hindi ko lang siya mahal. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili hanggang sa idilat ko ang aking mga mata. Akala ko, pagdilat ko ay magiging mahinahon na ako pero pagkakita ko sa kanyang mukha ay hindi ko maiwasang hindi siya sapakin at sabunutan na inilagan niya lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Crucial World ( On-Hold )Where stories live. Discover now