Gabriela's Point of View.
"How many times do I have warn you para lang magtino ka?"
Here he go again. Galit na naman siya sa akin. Ano pa bang bago? Palagi nalang ganito.
"One last chance, Gabriella. One last chance. Sawang sawa na ako sa pagiging spoiled brat mo. Kapag naulit pa ito, sorry not sorry ipapadala kita States at doon ka na titira kasama ng Grandparents mo."
Wala na bang ibang panakot ang tatay ko? Last time ganyan din ang sinabi niya but now? I'm still here and doing what I want to.
Lumabas na ako ng office ni Daddy without saying anything. Ayoko naman na sumagot pa sakaniya, baka mawalan pa ko ng mga gamit.
"Hey, ate. Nag away na naman ba kayo ni daddy?" Salubong sa akin ng nakakabatang kapatid ko na si Garien.
"Nah. Where you have been pala? I've been texting and calling you kanina ah?"
"I'm sorry, ate. I'm doing my school project with Keith and Nicole at the clubhouse. Naka silent phone ko so no one will disturb us. Hehe."
"Oh. Well, how's your day with them?"
Nagkwentuhan kaming dalawang magkapatid habang sabay kaming paakyat. Nahinto lang kami nang matapat na kami sa kwarto niya. Kailangan niya raw kasing magpahinga dahil marami silang ginawa kanina. Gusto ko pa sana siyang chikahin kaso hinayaan ko nalang na magpahinga siya. Halata naman kasi sa itsyura niya ng pagod na pagod siya.
Pumasok nadin ako sa kwarto ko at humilata sa kama ko. Nakatitig lang sa kisama at hinihintay na may pumasok sa utak ko na gagawin ko. Ang boring ng araw na 'to. Nag enjoy nga ako pero binawi din dahil sa panenermon ni Daddy.
Sinumbong kasi ako ng magaling naming katulong na tumakas ako at nagpunta sa isang club. Kung pwede lang pinatalsik ko na siya dito sa bahay. Masyado siyang nagpapakitang tao at sipsip sa tatay namin.
~~~~
Morning came and I already fix my things up. Tapos nadin kami mag almusal ni Garien kaya sabay nadin kaming pumasok. Pinasabay ko na siya sa akin para hindi na siya magmaneho. Alam kong marunong na siyang magmaneho pero bilang ate niya kinakabahan padin ako. Since one week palang siyang pinayagan ni Daddy na magkaroon ng sariling sasakyan at magmaneho para sa sarili niya.
"I've heard na may bagong transfer sainyo. At usap usapin din na qualified siya as one of you, Queens."
"Oh really?"
"Goodness. Naturingan kang Queen of all Queens, pero hindi ka updated?"
"Ano ba namang pakialam ko dyan? Bahala sila sa kung anong gusto nilang gawin, wag lang sila humarang sa daanan ko."
"You really are the badass queen, ate." Iling iling niyang sabi.
Nakarating na kaming dalawa sa school at gaya ng inaasahan, may mga freshmen at guys na nakaabang sa lobby. Inaabangan nilang dumating isa-isa ang mga Reyna.
"Lalong gumaganda si Miss Gabriela."
"Tama ka dyan. Walang duda na nasakaniya ang korona."
"Kaso masungit nga lang."
"Yun lang. No one's perfect ika nga."
Napairap ako sa narinig ko mula sa mga freshmen students na nadaanan namin. Well? Totoo naman sinasabi nila. Hindi kasi kasi ako palangiti sa mga taong nakikita or nakakasalubong. Mukhang tanga lang kasi. Hindi ko naman sila close at higit sa lahat sino sila para ngitian ko?
"Grabe, agang pangsusungit nyan."
"Ate Eula!"
Nahinto kami ni Garien ng may biglang sumabay sa amin.
Eula Santinez, the Queen of Jocks. The Sporty Queen. Lahat ng Sports kayang niyang laruin. Mapa Volleyball, Basketball, Badminton etc. Lahat na. Hindi lang 'yan. Taglay din niya ang kagandahan at katalinuhang pumangalawa sa akin. She's kind too, but when you push her to her limits. Ako na magsasabi sainyo, magtago na kayo sa likod ng nanay niyo.
"Hey, Garien. Ano? Train tayo volleyball after class?"
"Gusto ko sana kaso may gagawin pa kami nila Nicole after class. Maybe next time. Mauna na ako." At iniwan na kami ng kapatid ko.
"Hmm, mukhang nakikita ko na ang papalit kay Lacey."
"Sinabi mo pa."
Hindi na muna kami pumunta sa classroom dahil medyo maaga pa naman at baka mastress lang ang beauty ko sa mga kaklase namin. Dumiretsyo kaming dalawa ni Eula sa mini garden ng campus para hintayin yung isa.
"Bakit pala absent ka kahapon?" tanong niya sa akin ng makarating na kami sa garden.
"Boring eh." Sagot ko.
"Let me guess... " Pinaliitan niya ko ng mata at tinaasan ng kilay. "Pinagalitan ka na naman ni Tito Alfred ano?"
"What's new? Palagi namang mainit ang dugo sa akin ni Daddy."
"Paano, palagi ka din sumusuway. Hindi ka papasok kapag naboringan ka o tinatamad ka pero ang sipag mong gumala kung saan and when the night comes laman ka na ng club."
"No doubt na ikaw ang bestfriend ko. Hehehe."
Eula knows me well. Since elementary kaibigan ko na siya untill now. Siya yung tipo ng kaibigan na kahit hindi ka magsabi ay may alam na siya sa isang tingin lang niya.
"Hey! Good morning!"
Sabay kaming napalingon ni Eula sa bagong dating na si Lacey.
Lacey Quinn, the Queen of Nerds. Hindi siya yung literal na Nerd na napapanood natin sa mga palabas. Fashionita si Lacey, pero dahil sa katalinuhan niya at higher grade kami ay siya na ang napili as the Queen of Nerds. Hindi din siya tahimik, dahil kapag kasama mo siya, hindi matatahimik ang paligid mo sa kakadaldal niya.
"Ilang kilo ng asukal na naman nilaklak mo?" Tanong ni Eula sakaniya.
Tumawa lang si Lacey at tumabi samin ni Eula.
"Wala ka kahapon, hindi ka tuloy naupdate na may bagong salta at qualified maging Queen." - Lacey.
Grabe tong babaeng 'to. Sarap supalpalin ng papel sa bibig. Magkatabi nalang kami lakas pa ng boses.
"Pwede bang pakihinaan boses mo?! Mabibingi na ko sayo eh." Reklamo ko sakaniya.
"Oops. Sorry. So 'yun na nga , may bago tayong kaklase sabi ni Mrs. Antonio."
"Nasabi na sa akin ni Garien."
"Weh? Pano niya nalaman?"
"Grabe naman Lacey, naturingang Queen of Nerds na matatalino, pero ikaw yung sobrang tanga." - Eula.
"Malamang isa sa Princess si Garien." Sagot ko naman.
"Oo nga pala. Pasensya na, gusto ko lang naman kasi ako unang magbalita sayo non." - Lacey.
"May pakpak ang balita." Sabay na sabi namin ni Eula at nagtawanan.
Hmm.. nacucurious na tuloy ako sa bagong salta. Is she pretty? Rich? Hay nako Gab. Malamang dahil hindi naman siya magiging qualified if hindi siya maganda at mayaman. Sino ka siya?