Sana ako nalang siya...
Ako ang nandito n'ung mga panahong masaya ka
Ako ang nandito n'ung mga panahong malungkot ka
Ako ang nandito at kasama mo n'ung mga panahong naglalabas ka ng sama ng loob
Ako ang nandito n'ung umiiyak ka.Pero ayoko ring maging Siya...
Dahil sa mga panahong masaya ka, siya ang dahilan
N'ung mga panahong malungkot ka, siya ang dahilan
N'ung mga panahong galit at umiiyak ka, siya ang dahilanPero Sana ako nalang siya...
Siya na tangi mong Mahal
Siya na pinapahalagahan mo ng lubos at mas binibigyang pansin at oras
Siya na sinasabi mong Mahal mo dahil Siya ay Siya...Sana ako nalang siya, Siya na mahal na mahal mo...
YOU ARE READING
Moonlight
PoetryPoetry that gives me an inspiration. I wrote this as a diary. The raw of emotions we feel, the things that we think but we couldn't say. We can write it in a poem.