Deep Three:
Saichi Nash Valderal
Jackson Cruz
Jared SullivanSiblings:
Anastashia Blaire Vera
Keziah VeraAnastasia's Friends:
Nayeon
Mina
VinceBlaire's Pov
"Goodevening! Welcome to Starbucks ma'am what's your order?" nakangiti kong bati sa customer na nasa harapan ko. Agad kong nilista ang order nito at ipinasa sa kasama ko para matimplahan na. Ito na ang last customer ko ngayong araw at makakauwi na ako. Birthday ng kapatid ko at nag-aaya itong lumabas at magmall para makapagbonding daw kami. Pinagbigyan ko na ito sakto ay may naipon na rin naman ako na pangregalo sakanya, doon ko na lang din bibilhin. Tinawagan ko na ang kapatid kong si Keziah para sabihing tapos na ang shift ko at papunta nako sa mall. Nang makarating ako sa mall ay agad kong iginala ang paningin ko para hanapin si Kezi.
"Ate blaire, dito!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses at kapatid ko nga ito na kumakaway para madali ko siyang mapansin kaya agad ko naman itong nilapitan.
Blaire: Hello, happy birthday baby! Mamaya na gift mo ha, hanap muna tayo ng makakain gutom nako eh.
Keziah: Sige tara na gutom na rin ako eh.
Pumunta na kami sa isang restaurant na hindi masyadong kamahalan. Mabuti na lang at may promo dito na libre na ang cake para sa may birthday na customer kaya naenjoy din namin ang kumain dito. Pagkatapos namin kumain ay nag gala na kami sa mall at una naming pinuntahan ang mga damit para makapili sya ng bibilhin.
"Kez, dito ka muna ha may titignan lang ako" sabi ko kay keziah at tumango lang naman ito habang busy sya sa pamimili ng mga damit kaya iniwan ko na muna ito at naghanap ng ibang ibibigay sakanya dahil gusto kong surpresahin siya. Napunta ako sa mga jewelry at nakakita ako ng isang kwintas na parectangle at pwedeng ipacustomize na mag ukit ng pangalan o anong salita. Natuwa ako rito kaya pinakuha ko ito sa sale's lady at nagrequest na iukit ang pangalan ng kapatid ko, 2 hours daw para matapos ito. 8pm palang naman kaya pwede pa kaya sinabu kong babalikan ko na lang ito pag natapos na. Habang pabalik ako sa kinaroroonan ng kapatid ko ay may biglang bumangga sakin na lalaki na balot na balot na dahilan ng pagkatumba ko. Naka subrero ito at nakamask, nakasalamin pa. "Aray ah! Bat ba may tumatakbo dito sa mall" sabi ko sa isipan ko at inis na tinignan yung nakabunggo sakin. Balak na sana nitong umalis pero hinila ko it pabalik.
"Hoy bumalik ka dito, pagkatapos mo akong bungguin aalis ka na lang ganon?" inis na sambit ko.
"Miss look I'm sorry but I have no time for this" sabi nito at magtatangkang aalis na sana pero hinila ko itong muli pabalik. Kahit nakasalamin ito ay halata sakanyang hindi siya mapakali at naiinis na sakin. Well sorry not sorry iinisin lang kita lalo hanggat hindi ka nagsosorry ng maayos sakin.
"Anong you have no time? Kahit sorry man lang hindi mo magawa? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Tsaka bakit ka ba tumatakbo nasa mall ka wala sa park" pagtataray ko at humalukipkip. Bumuntong hininga ang lalaki at naglabas ng isang libo sa wallet nito at iniabot sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"You talk too much so I assume this will shut you up" sabi nya at lumingon pa sa likuran ko bago umalis sa harapan ko nang nagmamadali. Napasinghap na lang ako ng hangin at inis na tinitigan yung isang libo na binigay nito. Hinayaan ko na lang ito at pinuntahan na lang ang kapatid ko.
Keziah: Oh bat nakabusangot ka diyan?
Blaire: Wala, may nakabunggo lang akong nuknukan ng yabang nihindi man lang nagsorry sakin. Biruin mo instead of saying sorry, inabutan ako ng isang libo.
Keziah: ay isang libo lang? Sana sinabi mo higher hahaha!
"Gaga ka talaga, halika na nga bayaran na natin yang mga damit mo at may pupuntahan pa tayo maya maya" natatawang sabi ko. Pagkatapos mabayaran ang mga pinamili namin ay naglakad lakad lang kami sa mall at pumunta na sa jewelry shop kung saan ako nagpacustomize.
YOU ARE READING
Marahuyo
RomanceMarahuyo is a tagalog word that means enchanted. This is inspired to a person who is enchanting to meet someone to continue what they had. Anastashia Vera is an ordinary girl who works in starbucks to help herself and her sister, while Saichi Valder...