LORENCE FORD SALVI. 'POV
"Hi princess si Stepani tapos na ba? " tanong ko sa pinsan Kong si Vanessa na nag papakain ng alaga niyang Lion , Kararating kolang para sunduin ang pamangkin kong si Stepani. Sa 9 na pamangkin ko siya ang pinaka close at paburito ko kesyo saakin daw nag mana ng mukha at ugali. Kami kasi ni vanessa para kaming kambal kung titignan dahil magka mukha talaga kami. Siya ang Girl Version ko...
"Oo kuya kanina payun tapos dahil excited mas'yado. ingatan mo ang anak ko kuya ha, Marami Pa namang mga tao duon. " aniya.
Pupunta kasi kami sa Mall of Asia sa Arena . Para manuod ng Concert ng paburito niyang singer. Hindi talaga ako makaka hindi sa pamangkin ko. So wala akong nagawa kundi ang umu-O na lamang dahil ayaw ko naman mag tapos iyon
"Oo naman princess ohh nandito na pala siya" saad ko
"Hi sa pinaka gwapo kong Tito tara napo. Moma aalis napo kami i lOve you" malambing na wika ni Stepani sabay halik sa Pisngi ni Vanessa.
"Okey mag iingat kayo, Siyanga pala Kuya. Baka nandun rin sina Jego. Nag paalam s'ya kanina na pupunta sila duon kasama niya ata mga kapatid niya" saad ni Vanessa at tukoy nito sa pinsan ng asawa nitong si Sebastian
Tsssk wala naman akong pakealam sa kanila. Dinaman kami close.
Habang nasa biyahe kaming dalawa ni Stepani. Panay ang sulyap ko sa kaniya. Sobrang Excited talaga niya. Masaya ako dahil nakikita ko s'yang masaya. Parang ako na ang nag mukhang tatay niya. Kami kasi palaging magka sama at magka sundo. Si Sebastian kasi ay puro trabaho at pag sa bahay naman ay puro mga alaga niyang hayop ang naging kasama, Kumpara sa mga anak nito
"Omaygad! tito bilisan na natin baka ma late na tayo. Gusto ko maka pag picture sa idol kong si Anazandra, Grabe tito Look ang ganda niya talaga" masayang sabi ng pamangkin ko at ipinakita ang mukha ng babaeng idol nito sa hawak nitong Cellphone
'Hmm maganda naman' wika ng isip ko
"Mas maganda kapa d'yan e" sabi ko na ikina tawa niya. Tama naman ang sinabi ko mas maganda ang pamangkin ko kaysa sa idol nito. E Hindi naman ma klaro mukha nung babaeng idol niyaMatagal na akong walang pakealam sa mga babae. Mag mula ng mag hiwalay kami ng Ex Girlfriend ko. 7 years narin ang lumipas pero mahal ko parin s'ya until now. kahit Hindi na ako ang mahal niya Dahil mas pinili niya ang kapatid ko. Haaayst buhay nga naman
Tsssk! bakit koba s'ya iniisip. Erase erase erase, umayos ka Rence Hindi kana mahal nun kaya mag move on kana.
maka lipas ang ilang minuto naka rating na kami sa Arena
Sobrang daming tao, masyado atang sikat ang idol ng pamangkin ko kaya halos mapuno na ang loob ng Arena samantala Hindi paman nag sisimula.
Pumasok na kami sa Loob at pumunta talaga kami sa harapan, Grabe talaga 'tong pamangkin ko. At heto ako ngayon parang Bodyguard na sunod lang ng sunod.----- ANAZANDRA POV
"Zandra mag sisimula na mag ready kana" sabi ng Direct na may hawak sa grupo namin.
"Okey sir " mahinhing wika ko.
Pagka tapos e Announce ang pangalan ko, Lumabas ako mula sa isang sulok para pumunta sa harapan ng Stage. Sumisigabong ang palak-pakan at ingay na naririnig ko malakas na sigaw ng mga tao. Sinisigaw nila ang pangalan ko
I'm Anazandra Baltazar, isang sikat na singer at kina iinggitan ng ibang kababaihan dahil sa taglay kong kagadahan, yes mag bubuhat na ako ng sariling bangko dahil totoo naman. Pero kahit maganda ay niloloko parin, awtch saklap diba
Habang nasa harapan naka ngiti kong tinignan ang napaka daming tao, ang mga Supportive taga hanga ko at lahat sila ay nakikita ko ang buong pag hanga sa mga Mata nila, kaya ngumiti ako ng matamis at Sinimulan Kong kantahin ang awiting TADHANA.
Sa Hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nag dugtong
Damang dama na ang ugong nitoNasa kalagitnaan na ako ng pagkanta ng madako ang mata ko sa Lalaking pinaka ayaw kong makita.
Nandito sa Consert ko ang pinaka walang hiya kong Ex-boyfriend at Kasama pa talaga niya ang walang hiya kong Ahas na kaibigan. Tsssk bagay nga sila, isang Ahas na babae at isang lalaking basura
Si Jerick Sandoval ang nag iisang dahilan kung bakit naging matigas ang puso ko. Kung bakit naging man Hater ako. Sa dinami daming babae kaibigan kopa talaga. At sa dimani dami ng lalaki boyfriend kopa talaga ang pinatulan ng malandi kong kaibigan. Ow, I'm wrong ex-friend na pala
Hanggang sa matapos ang pag kanta ko ay hindi parin maalis ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Tsssk! Ang kakapal .
Bakit ba sila nandito?
Nandito lang ba sila para ipakitang nag mamahalan sila? Mga walang hiya!Masigabong palak-pakan at sigawan ng mga taga hanga ko ang naririnig sa loob ng Arena.
Pumunta sa harapan ang host at nag umpisa ng mag tanong ng kung ano ano. Kaya napa tuon dito ang atensyon ko.
"Ms Zandra gusto naming malaman lahat kung single or Taken kaparin ba?" Tanong ng Host, sa napaka dami niyang tanong iyon lang ang pumasok sa tenga ko dahil lumilipad na naman ang isip ko.
Haayst alam naman nilang lahat na wala na kami ni Jerick bakit pa nila tina-tanong. Tsssk gumagawa lang sila ng issues eh. Mga bwisit!
Nadako ang mata ko kay Jerick habang yakap-yakap si Tarla at pareho silang naka tingin saakin At mukhang hinihintay talaga nila ang sagot ko.
Aba! ang kakapal talaga ang lakas ng loob nilang mag pakita saakin.Bumaling ako sa host at tumawa ng mahina "hahaha ikaw talaga Host Leah, S'yempre naman 'ka Ganda kong 'to Hindi tayo pwedeng ma bokya" mayabang na sagot ko, wala eh nang gigil ako
"Pwede ba namin malaman kung sino ang mas'werteng lalaking nag palambot sa puso ng isang Ms Anazandra Baltazar? Nandito ba s'ya ngayon?"
Patay na, Ano sasabihin ko ayaw kong isipin ni Jerick na hindi kopa s'ya nakaka limutan at Hindi kayang palitan.
Ginala ko ang paningin ko at hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa lalaking nasa harapan. Naka upo lang ito at Malayo palang ay alam kong Gwapo ito. Kaya naisip kong hindi ako mapapahiya. At sana sumakay ito sa trip ko
"yes host Leah, Nandito ang Boyfriend ko" naka ngiting sagot ko na nag pagulat sa lahat at nag palakpakan naman ang mga tao, Nag simula namang mag kislapan ang mga Camera ng mga media
Bumaba ako at pumunta sa gawi ng Lalaking nakita ko. Habang papalapit ako sa Kaniya ay napapa tili ang mga kababaihan
Gaaash! ang Gwapo niya pala lalo na sa malapitan, Artista ba ito? Bakit Hindi ko ata kilala.
Nakita kong halos mag dikit na ang dalawang kilay nito dahil sa pagkaka kunot nuo nito habang naka tingin saakin, hanggang sa nasa harapan na niya ako kaya niyakap ko siya at binulungan
"PLEASE 'WAG MO AKONG IPAHIYA LET'S PRETEND NGAYON LANG ITO" bulong ko sa kaniya at wala sa sariling hinalikan ko siya sa labi
Kaya mas Lalong ikina ingay ng mga naruruon. Kitang kita sa Napaka laking Screen ang mukha namin dalawa habang magka lapat ang mga labi namin.
Ano na naman kagagahan 'tong pinasok ko?
YOU ARE READING
UNFORGETTABLE LOVE
RomanceIsang dalaga ang may angking ganda at galing sa pag awit, dahil sa kaniyang magandang boses ay siya ang nangu-nguna sa Top list ng the Queen of golden mic, siya si ANAZANDRA BALTAZAR, isang sikat na singer, hindi lang sa napaka ganda nito kundi kila...