31st Floor

35 0 0
                                    

"Call center butterfly" ang tawag nila sa tulad ko. Hindi kasi ako mapirmi sa isang call center. Hindi ko na usually inaabot ang regularization, lumilipat ako agad sa iba after a few weeks on the floor. Ewan ko. Siguro that is how I was wired.

It works for me. Kung pwede nga lang magkulong sa kwarto at mag-DVD marathon o mag-sound trip, 'yun ang gagawin ko maghapon.

But sometimes it bothers me. Hindi ko ito nababanggit sa iba. Pero I'm a ghost magnet yata. Most of the time, graveyard shift ako so 'pag lumabas ako ng house mga past 6 na. Madilim na dun sa nilalakaran ko papunta sa sakayan ng jeep na magbababa ng EDSA. Maraming beses na kasi nangyari na may makakasalubong akong naglalakad-weird-nakatitig sa akin na para bang nanlilisik ang mga mata. Tas 'pag pinilit kong i-spot ang nilalakaran nila, nakalutang ang mga paa nila sa lupa.

Alam ata nila na nakikita ko sila. May mga kaluluwang gumagala na ayaw talaga magpaabala. Nagagalit sila 'pag sinusundan sila ng tingin. Naalala ko minsan nung bata pa ako, naglalaro ako sa bangketa tas may dumaang karo ng patay. Dun sa mga kapamilyang nakabuntot sa karo, may nakita akong maputlang lalaki na nakapamburol, nakatitig sa akin. Hindi na naalis 'yun sa isip ko.

Dun sa isang call center na pinasukan ko, sabi nila may bata raw na naglalro sa mga training rooms sa 25th floor. Madalas himahampas niya 'yung mga swivel chairs.

'Yung CR nga sa dulo wala nang gumagamit dahil madalas siya rung magparamdam. Akala mo may laman ang isang cubicle dahil may maririnig kang mga kaluskos, wala naman pala. Minsan nga nag-CR ako dun mag-isa. Habang naghuhugas ako ng kamay, biglang kumindat 'yung mga ilaw. Tas sa gilid ng mga mata ko, para bang may nakita akong payat na naka-blue uniform sa tapat ng ihian, nakalutang ang mga paa niya mga 2 feet mula sa sahig. Baka iyon 'yung multo ng namatay sa elevator. May isang utility man daw kasing nagkukumpuni ng sirang elevator tas nag-short yata 'yung mga kable. Ayun, nabagsakan siya ng elevator mismo. Patay agad.

Isang madaling-araw, nang mag-round yung guwardiya, binuksan niya 'yung Training Room 3. May nakita raw siyang tao na nakaharap sa computer. Akala niya agent. Pagsasabihan niya sana kasi bawal mag-stay sa training room kahit before mag-start ang class kaso nakatalikod sa kanya so tinawag niya. Hindi ito sumagot. Pagbukas niya ng ilaw, wala siyang nakitang tao.

Sa Workforce naman namin, may isang area na sobrang lamig kahit nakapatay ang aircon. Isang araw, nung kinakausap ko 'yung ka-batch ko dun bigla na lang tumilapon 'yung Avaya, 'yung phone na ginagamit namin sa calls. Nagtaka sila. Minsan kasi bigla na lang umikot 'yung isang upuan ng 360 degrees. Sa takot nila, nagtakbuhan daw sila lahat. "Baka poltergeist 'yung multo, " sabi ng ka-batch ko. Hindi ko na lang binanggit na nakita ko 'yung reflection ng bata sa salamin ng window. Tumakbo siya at nagtago sa ilalim ng isang computer station na parang naglalaro.

Parang nasasanay na ako sa dami ng mga manifestations. At least, hindi pa ako nakakakita ng mga multo na sabog ang bungo o putol ang kamay, 'yung tipong naaksidente.

Hanggang sa mag-work ako sa isang kompanya sa Ortigas. Sabado kaya konti lang ang agents na may work saka rest day ng mga nag-oopisina. Mga 8 p.m. 'yun kaya si manong na lang ang inabutan ko. Sa 36th floor ang mga work stations namin. Bago ko i-swipe ang ID ko bigla akong kinilabutan. Sabi ko, baka malamig lang kasi malakas ang ulan sa labas. Nag-good evening si manong-"Pauwi na?" usisa niya-saka binusisi ang bag ko. Tapos kinuha ko 'yung payong ko dun sa lagayan sa tabi ng door.

Hanggang sa tapat ng elevator sa 36th floor ay parang aburido ako. Pinindot ko 'yung "down" button. Binilang ko sa isip 'yung changing numbers sa itaas. Nag-ding ang elevator at bumukas ang pinto. Walang tao. Nakita ko 'yung reflection ko sa salamin. Nilingon ko si manong tas nag-wave siya sa akin. Pumasok ako sa elevator at pinindot yung "G" para bumaba sa ground floor.

Kulob 'yung katahimikan. Binibilang ko ulit sa isip ko 'yung numbers.

Nang biglang huminto 'yung elevator. Nag-stop sa 31st floor. Bumukas 'yung door. Walang tao. Nung magsasara na 'yung door biglang may lumapit na matandang babae, may kasunod na bata. Pinindot ko 'yung button para bumukas ulit ang pintuan. "Salamat," sabi niya. Nakahawak sa braso niya 'yung bata.

Nakatingin sa akin 'yung bata. Nakakapote siya, yung transparent. Pero basang-basa yung buhok niya. Basa pati 'yung gilid ng mga mata niya. Sumugod ito sa ulan, sabi ko sa sarili ko. Ito namang nanay, kako, hindi pinayungan ang anak niya. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas.

Hindi ko gaanong napansin 'yung mukha nung nanay. Medyo stocky ang katawan niya. Naka-t-shirt lang siya at maong. Parang ahente ng mga cosmetic products, 'yung tipong mag-oorder ka gamit ang brochures nila. May dala siyang malaking shoulder bag. Ang naaalala ko'yung kuwintas niya na may parang jade na pendant, 'yung nabibili sa mga Muslim sa Greenhills.

Dinukot ko ang cellphone ko. Isinaksak ko ang earphones sa mga tenga ko. In-open ko 'yung playlist at ini-scroll down ko sa "On The Radio" ni Regina Spektor. Clinick ko 'yung play. Sa itaas ng pintuan ng elevator, pababa nang pababa 'yung mga numbers: 28, 27, 26, 25 ...

Biglang bumukas ang pintuan sa 23rd floor. Nagulat ako. Nagkatinginan kami ng babae. Hinintay naming may pumasok. As usual, walang tao. Nakakayamot. Nung magsasara na 'yung elevator, nagbubukas siya ulit. Ganun siya mga dalawang beses ata. Parang nagha-hang nang half-open. Pinindot ko 'yung "close" button.

Pagkababa namin sa ground floor, nauna akong lumabas ng elevator. Sumunod sa akin 'yung ale. Tsinek ng guard ang bag ko. Gumilid ako para isara ang zipper ng bag ko. 'Yung bag naman ng babae ang tsinek ng guwardiya.

"Asan po 'yung anak n'yo?" tanong ko sa babae.

"Ha? Anong anak?" pagtataka niya.

"Kanina may kasunod po kayong bata e. Nakakapote."

"Mag-isa lang akong bumaba," sagot niya.

Nagbiro 'yung guard. Baka 'yung batang multo raw ang sumabay sa amin sa elevator. "Manong naman!" ang takot ng ale. Natahimik na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

31st FloorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon