Aria's Pov
"Lumayas kana! Tutal wala ka namang natutulong dito! Dagdag palamunin ka lang!" Sigaw ng tiya ko habang tinatapon ang mga gamit ko sa labas ng bahay
Hindi na ko nagsalita, hinayaan ko nalang syang magsisigaw hanggang kailan nya gusto. Dahan2 kong pinulot ang mga gamit ko at ipinasok sa maleta at bag ko. Pagkatapos ay umalis na.
Alam nyo? Ayoko ng makipag bangayan eh, gusto ko nalang manahimik. Nakakapagod na magsalita
Dumiretso ako sa terminal ng bus. Baka sa lugar na pupuntahan ko, mahanap ko ang katahimikang gusto ko.
Habang naka andar ang bus, nakatingin ako sa labas ng bintana nito. Iniisip ko, pano kaya kung buhay pa ang mga magulang ko? Paano kung hinahanap rin nila ako?
Lumaki ako sa isang bahay ampunan, ang kwento sakin ng mga nag alaga sa akin ay nakita lang daw nila ako sa gilid ng simbahan na umiiyak nung ako ay apat na taong gulang pa lamang. Gabi daw yon at maulan, puno daw ako ng dugo at ang hula nila ay baka dahil na aksidente daw ako noon pero hindi naman nila alam kung paano ako napadpad sa simbahan na iyon. Kahit ako wala akong matandaan sa nangyari, ang alam ko lang may umampon sa akin na isang babae at yun ay ang kapatid ng aking tiya.
Nang ako ay nag walong taong gulang ay namatay ang babaeng umampon sa akin dahil sa sakit na hindi ko alam kung ano. Kaya ang tiya ko na ang nag alaga sa akin, pero hindi nya ako tinuring na anak. Inalipin nya lang ako at laging pinapahirapan, nang tumuntong ako ng 2nd year college ay pinahinto nya ako sa pag aaral dahil magastos daw.
Paano naman magiging magastos para sa kanya eh ako naman yung nagtatrabaho para sa pag aaral ko at para sa pang araw araw kong pagkain. Ano sya hilo? Tanging ang bahay lang naman nya ang nakatulong sa akin eh.
Matapos ang ilang oras na byahe ay bumaba na ako ng bus. Dito nalang ako sa probinsya, malayo sa syudad, malayo sa gulo, at sa tiya kong bruha.
Nilibot ko ang aking paningin at baka makita ko ang aking hinahanap.
"Aria! Andito ako!" Sigaw ng isang dalagitang parang ka edad ko lang. Meron syang kasamang matandang babae
"Sya na yata yun." Bulong ko sa sarili ko
Nilapitan ko sila at binigyan ng ngiti
"Hi po, kayo po ba si nanay hilda?" Tanong ko sa matanda
"Oo ako ito iha, ako yung nag alaga sayo nung nasa ampunan kapa." Sagot nya
"Hi! Ako naman ang magandang apo nya. Ako nga pala si Quira." Sambit ng babae at inabot ang kanyang kamay
"Hello, Aria nga pala." Sambit ko at nakipag shake hands sakanya
"Tara na? Naghihintay na si tiyo sa atin." Sambit ni Quira at sabay hila sa akin at hawak sa kanyang lola
Sumakay kami ng traysikel na pag mamay ari yata ng tiyo nya.
"Buti naman at naisipan mong tawagan ako." Lola hilda
"Salamat po at hindi nyo ako tinanggihan." Sagot ko
"Alam mo anak, ikaw ang pinaka malapit sa akin nung akoy nasa ampunan pa. Kaya hinding hindi kita tatanggihan." Sagot nya sabay ngiti
"Alam mo ba? Nung sinabi sa amin ni lola na darating ka, sobrang natuwa ako kasi lagi kang kinikwento sa akin ni lola." Biglang sambit ni Quira
"Ganon ba? Hehe salamat sa pagtanggap nyo sa akin." Sagot ko
BINABASA MO ANG
ENCHANTED TO MEET YOU
FantasyMoon is a very special thing for Aria, she loves staring at it. She doesn't bother staying up all night just to stare at it. But Aria always has this problem. Even though she stares at the moon every night, she always missed the moon's greatest phen...